Chapter 9

10.3K 281 31
                                    

MBiaFI Chapter 9

Sandara's PoV


Habang nag lalakad ako ay nararamdaman kong parang nang hihina ang tuhod ko. Siguro dahil sa sobrang lamig.


Iniwan ko kasi jacket ko sa dorm dahil 'di ko naman alam na ganito pala ang mangyayare.


Kung alam ko lang sana.


30 minutes na akong nag lalakad. 15 minutes na lang siguro ay mararating ko na ang bahay namin. Konti na lang, Sandara.


Nakarating ako sa isang waiting shed at naisipan kong maupo muna dun sandal dahil pagod na din ako. Madaming sasakyan ang tumigil at dumaan sa harapan ko at parang unti-unti na akong nahihilo.


Sinampal ko ng mahina ang pisngi ko dahil unti unti ding pumipikit ang mata ko.


Tumayo ako at sinimulang mag lakad ulit.


Ilang minuto lang ay biglang lumabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung bakit, tinuloy ko na lang ulit ang pag lalakad ko.


Hanggang sa nag dilim na ang paningin ko, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.


Basta ang alam ko lang ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

Hanbin's PoV


Habang nandito ako nakaupo sa tapat ng kama ni Sandara sa may hospital ay sinusubukan kong contact-in si Jiyong.


Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kanya kaya naisipan kong mag-iwan na lang ng voice message sa kanya.


Hindi kasi ako pwedeng mag tagal dito dahil hinahanap ako ng dean sa school. Mukhang may problema nanaman akong haharapin.


"Nurse!" pag tawag ko sa babaeng nurse ay lumapit siya saken, "Paki bantayan naman siya. Kapag may dumating na lalaki dito na— teka, na Bob ang pangalan ay pasamahin mo na si Sandara. Okay?"


"May I know who's Bob, sir?"


"Sandara's boyfriend." sagot ko.


Sandara's PoV


Hindi ko pa din maibukas ng maayos ang mata ko at pinipilit ko ding umupo ngunit hindi ko din magawa.


"Mam, okay lang po ba kayo? Kamusta na ang pakiramdam niyo?" tanong saken ng isang nurse na nasa tabihan ko.


"Uh—okay lang, pwede na ba akong umuwi?" mahinahon kong tanong sa kanya.


Umiling siya, "Hindi pa po pwede mam. Inaantay pa po naten ang sundo mo." sabay ngiti niya saken.


"Sundo? Wala akong sundo." walang susundo talaga ang ibig kong sabihin.


May biglang lalaking naka mask ang lumapit sa pwesto ko.


"I-I'm Bob." pag-aalinlangan niyang sabi.


"Ayan na po mam." biglang sabi nung nurse.


"Huh? Hindi ko 'to kilala." pag kasabi ko nun ay may biglang binulong saken yung Bob na lalaki.


"How come you didn't recognize my voice, huh, Sandara?" bulong niya saken.


Tinitigan ko siya sa mata at nakita kong brown ang mata niya at napansin ko din ang maliit niyang nunal sa gilid ng mata niya.


"J-Jiyong?" pabulong kong tanong.


Tinaas niya ang kilay niya at inalalayan akong tumayo.


"I also pay the bill." Sabi niya sabay abot sa nurse nung receipt.


Umalis na kami at nakarating kami sa tapat ng sasakyan niya.


"Bakit ka nandito?" tanong ko.


"Hanbin called me." sabi niya sabay alalay saken sa pag pasok sa loob ng sasakyan. "How do you feel?" bigla niyang tanong na halatang awkward na awkward.


"Bigyan mo na lang ako ng pang taxi, Jiyong. Ako na bahala umuwi mag-isa. Bumalik ka na lang dun sa com—"


"Shut up." sabi niya na kusang nakapag patango saken.


Tahimik lang kami sa buong biyahe. Ganito pala itsura ng loob ng sasakyan niya.


Ang bango at ang laki. Eto na ata una't huling beses kong makakasakay dito, parang gusto ko tuloy ma-ospital araw araw.


Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Medyo nahihilo pa talaga ako.


Pinipilit ko lang mag lakad dahil ayokong mag pabuhat at mag paalalay kay Jiyong dahil nakakahiya.


Pag pasok namin sa loob ay naupo ako sa sofa. Inilabas ko ang cellphone ko para itext si Hanbin nung biglang kunin ni Jiyong yung phone ko.


"You need to rest." masungit niyang sabi sabay pasok ng cellphone ko sa bulsa niya.


"Teka lang, ite-text ko lang si Hanbin." pinilit kong tumayo para kunin sa kanya yung phone ko pero natumba lang ako.


"For what? You can talk to him tomorrow." umalis na siya at nag punta ng kusina.


Ano bang problema niya? 

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon