Chapter 2

14.1K 290 21
                                    

MBiaFI Chapter 2


Sandara’s PoV

Habang nasa loob ako ng taxi biglang sumagi sa isip ko yung nakita ko kanina sa may hallway. Sino kaya yung kasamang babae ni Jiyong? Bestfriend niya kaya?

Mamaya ko na lang itatanong sa bahay pag-uwi niya. Sana lang nasa mood siya para naman maganda ang aura ng bahay mamaya. Ano kayang masarap iluto? Sushi?

“Nandito na po tayo.” napatingin na lang ako kay manong na nag salita nandito na pala kami agad.

“Salamat po.” iniabot ko na ang bayad ko bago ako bumaba ng taxi. Namiss ko naman bigla ang bahay na ‘to. Inilabas ko ang cellphone ko at agad na tinext si Jiyong.

To: Jiyongie 🐲❤

Jiyong gagawa ako ng sushi. Maaga kang umuwi ah?

Hindi naman ginagabi ng uwi si Jiyong kapag may pasok siya. Favorite kasi ni Jiyong ang sushi tuwing kumakain kami sa restaurant ayun palagi yung ino-order niya.

Dumaretso ako ng kusina. Sinuot ko ang apron kong yellow, kinuha ko ang phone kong naka patong sa may lamesa at nag search ako kung paano gumawa ng sushi hmmm mukhang madali lang naman.

Pinunasan ko ang pawis ko pag katapos kong mag vacuum. Nag palit na din ako ng mga kurtina dahil inaalikabok na ang bahay. Magiging busy ako sa school kaya nag linis na ako ngayon since mahaba naman ang oras ko.

Nasaan na kaya si Jiyong? 8pm na wala pa din siya. Hanggang 6pm lang naman ang pasok niya. May practice kaya sila ng banda niya?

Lumabas ako at umupo sa may pangalawang baitang ng hagdan. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. 9pm na wala pa din si Jiyong. Malamig na ang sushi na ginawa ko baka hindi na niya magustuhan.

Agad kong iniangat ang ulo ko nung may marinig akong parang busina. Tumayo ako at tumingkayad, andyan na si Jiyong. Agad akong pumasok sa loob ayaw ko namang ipahalata sa kanyang inaantay ko siya noh.

Habang nasa loob ako at inaantay siyang pumasok hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta na ako ng bongga dito.

Hanggang sa napag desisyunan kong uminom ng tubig saktong pag inom ko ay pumasok na siya.

“O-oh.. andyan ka na pala, Jiyong.” ngumiti ako sa kanya at lumapit habang bitbit ang isang basong tubig.

Tinitigan niya lang ang hawak ko at dinaanan ako, A-ayaw mo ba?” sabay lagok ko nung tubig. One shot!

Agad siyang umupo sa may lamesa, kumuha siya ng chopstick at kinuha ang sushi na nasa harapan niya. Sana magustuhan niya grabe ang pagod ko nung ginawa ko yan. Kinulang pa ako sa mga ingredients kaya nag madali pa akong mag punta ng palengke kanina.

Pag kasubo niya nung isang hiwa ng sushi. Nagulat ako nung dinura niya ito sa platong nasa harapan niya, don pa talaga sa may sushi.

“B-Bakit? Hindi ba masarap?” tanong ko agad sabay salin ng tubig sa basong hawak ko. “Uminom ka muna.” pag kaabot ko nung baso sa kanya nagulat ako nung bigla niyang binato yun sa sahig.

Tumayo siya at tinitigan ako ng diretso sa mata, “Do you know what’s the best part of my day?” biglang tanong niya na hindi ko naman inaasahan.

“H-h-hindi.”

Hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko, “The best part of my day is when you’re not in it.” sabi niya.

Umalis na siya sa harapan ko at umakyat na sa taas.

Sandara, huwag kang umiyak may masama lang sigurong nangyari sa company nila or baka may alitan lang sa school sayo niya lang naibuhos kasi ang pangit mo.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon