Chapter 10 pt.1

10.9K 304 113
                                    

Note: Dahil tinadtad niyo ako ng "bitin po" sige pag bibigyan ko kayo. ㅋㅋㅋㅋ

MBiaFI Chapter 10 pt.1


Sandara's PoV


Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako dito sa sofa, alas otso na din ng gabi.


"Hmm.." ano kaya yung naaamoy kong mabango galing sa kusina?


Tumayo ako at may biglang nahulog na bimpong basa sa galing sa noo ko pag tingin ko naman sa may maliit na lamesa sa harapan ay may nakapatong na planggana na may tubig.


Nag lakad ako papunta sa kusina dahil may narinig akong ingay dun.


At pag silip ko nakita ko si Jiyong na nakatalikod. Nakasuot siya ng apron na blue.


"I said you need to rest, Sandara." biglang niyang sabi.


Napatago tuloy ako sa gilid. Paano niya ako nakita kung nakatalikod siya? May mata ba siya sa batok niya?


"Come here and taste this."


Lumabas na ako sa tinataguan ko at lumapit na sa kanya.


Kumuha siya ng isang kutsara at sumandok ng soup na niluluto niya. Hinipan niya ng limang beses tapos itinapat niya sa bibig ko yung kutsara.


"Ah." sabi niya na pinapanganga ako.


At ginawa ko naman, "Ang sarap!"


"Lahat naman masarap sayo eh." sabay irap niya saken.


Back to normal nanaman siya. Pero paano niya naman nalaman?


"Eh kasi lahat naman ng luto mo masarap eh." sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya.


Hindi niya ako pinansin nag tuloy lang siya sa pag luluto pero napansin kong ngumiti siya. Yung ngiting parang proud na proud sa sarili niya.


Nag punta na ulit ako sa sala tapos dumating si Jiyong na may dala dalang tray.


"Yey!" sabi ko tapos kinuha ko yung isang bowl at yung isang kutsara at sinimulan ng ubusin yun.


"Hey! Hey!" sigaw ni Jiyong kaya napatigil ako sa pag kain.


"Bakit?" tanong ko.


"Can you please eat like a girl?" tanong niya pabalik saken.


"Eto naman! Araw araw mo na akong nakikitang kumakain ng ganito hindi ka pa din nasanay. Si Hanbin nga eh sanay na sana—" napatigil ako sa pag sasalita nung biglang tumayo si Jiyong at nag punta ng kusina, "Tsk. Bastos talaga." bulong ko.


Natapos na kaming kumain at natapos na din akong uminom ng gamot. Nandito pa din kami sa sala at nanonood ng tv.


It's Princess Hour again. Jiyong's favorite.


Grabe. Hindi na siya nag sawa sawa dito. Saulo ko na nga bawat scene eh. Habang siya.. kinikilig pa din hanggang ngayon 'di niya pinapahalata saken pero binubuking siya ng tenga niyang namumula.


"Salamat pala, Jiyong." biglang saad ko.



"For?" tanong niya habang nakatingin pa din sa tv.


"Kasi inalagaan mo 'ko ngayon." umigi ang pakiramdam ko, ang bilis.


Karaniwang kasi kapag nag kakasakit ako ay mga tatlong araw ang itinatagal.


"It's my friend's fault. That's why I'm helping you." biglang tumayo si Jiyong at pinatay ang tv. "Let's continue it tomorrow."


"Pwede ko na bang makuha ang phone ko?" tanong ko sa kanya.


"How many times do I need to tell you that you can talk to Hanbin tomorrow?!" pasigaw niyang sabi.


Agh! Ang kulit mo naman kasi Sandara eh!!!!


"Hindi naman dahil kay Hanbin eh.. ite-text ko lang sila mama."


Tumingin siya saken at ngumisi, "I already texted tita and I said that you are fine." pag kasabi niya nun ay umakyat na siya.


Kinuha ko ang tray na naiwan sa lamesa, nandito pa pala yung kinainan namin. Huhugasan ko muna dahil kaunti lang naman.


Habang sinusuot ko ang gloves ay may biglang humawak sa kamay ko.


"I SAID REST SANDARA!!" si Jiyong nanaman, "Bakit ba ang kulit mo?" tanong niya.


Bigla niya akong hinala. Hinawakan niya ako sa kamay.


HINAWAKAN NIYA AKO SA KAMAY!


Umakyat kaming dalawa sa taas hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko.


"Sleep and rest, Sandara. Kundi ilo-lock kita diyan sa kwarto mo." sabi niya sabay pasok sa kwarto niyang katapat lang ng kwarto ko.


Naka ilang words kaya si Jiyong ngayong araw na 'to? Bihira niya lang talaga akong kausapin. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to at masaya ako. Hindi ko pinag sisisihan na nag kasakit ako. Nag tataka nga ako bakit gumaling agad ako eh, kakainis.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon