Chapter 11

10.9K 269 64
                                    

MBiaFI Chapter 11


Sandara's PoV


Nasa taas ako at inaayos ang bag ko nung makarinig ako ng busina. Sumilip ako sa bintana para makita kung kaninong sasakyan yung nasa tapat ng bahay na panay ang busina.


Nakakita ako ng puting kotse, "Hanbin?" tanong ko sa sarili ko.


Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Pag bukas ko ng pinto dun ko na-confirm na si Hanbin nga.

"Good morning, Sandy." bati niya saken na ikinagulat ko.

"Sandy?" tanong ko.

"Yup! It's your new nickname.. created by me! Naisip ko lang na masyadong mahaba ang Sandara, kaya inisipan kita ng nickname." sabi niyang nakangiti pa.

"Ah." sabi ko na lang, "Bakit pala nandito ka?"

"Sinusundo ka."

Hindi na ako nag reklamo. Pag bukas ko nung pinto ng passenger seat ay mayroong pink na box. "Ano to?" tanong ko.

"It's yours. Open it."

Kinuha ko yung box tapos umupo na ako. Binuksan ko yung box tapos ang laman niya ay sobrang kapal na jacket, "Uwah." sabi ko.

"Uwah? Tamang reaksyon ba yun? Wait search ko." biro niya.


"Thank you, Hanbin. Thank you sa lahat," sabi ko. "Yung pag tawag mo kay Jiyong para puntahan ako sa hospital, salamat. Dahil dun parang mas lalo akong nalapit sa kanya."

Bigla namang nag bago ang expression ng mukha niya ng hindi ko alam ang dahilan, "Inalagaan ka ba niya?" sersoyong tanong niya.

Tumango ako, "Siya rin ang nag handa ng breakfast ngayong umaga." masaya kong sabi.

"Good." maikli naman niyang sagot.

Nakarating na kami sa parking lot. Ang daming babaeng nag aabang sa labas. Mukhang inaantay nila si Hanbin. Paano ako lalabas dito?

"Hanbin." mahinang sabi ko.

Kinuha ni Hanbin yung jacket sa loob nung box. Lumabas siya ng sasakyan tapos pinag buksan ako ng pinto. Narinig ko ang sigawan nilang lahat. Ibinalot ni Hanbin saken yung jacket, sa palagay ko naman hindi nila ako makikilala.

Dinumog kaming maigi pero salamat sa mga guard dahil nakaalis kami dun.

Kinuha ni Hanbin yung jacket, "See you sa lunch break." sabi niya tapos umalis na siya. Akin yun bakit niya kinuha? Nakakaloko talaga to.

Habang nag lalakad ako ay biglang pumara sa gitna yung sasakyan ni Jiyong. Nag takbuhan ang maraming estudyante sa pwesto ko. Mas maraming tao dito keysa sa parking lot kanina. Yung feeling na parang may concert sa dami. Pati mga lalaki nakikipag unahan.

Pinipilit kong umalis sa pwesto ko dahil nag kakatulakan na, hindi ko naman ginusto dito huhuhu. Bakit ba lagi na lang ako naiipit sa mga sitwasyon na ganito?

Lalo pang lumakas ang sigawan nung lumabas sa kotse si Chaerin. Ah si Chaerin nanaman.

Lumabas si Jiyong sa harapan ko mismo, hindi niya ako nakita dahil bigla akong natumba nung may humila sakin sa likod. Ang lakas ng pag kakahila, yung tipong parang limang tao yung humila saken.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon