Chapter 3

12.2K 275 19
                                    

MBiaFI Chapter 3


Sandara’s PoV

Tulala lang ako sa biyahe. Ano bang meron sa babaeng yun at lagi na lang niyang kasama?

Sobra na akong nacu-curious. Humarap ako kay Hanbin para sana itanong ng maunahan niya akong sumagot.

“She’s Chaerin.. Lee Chaerin. Jiyong’s ideal type, his crush, his love. For short, his everything.”

Pag kasabi non ni Hanbin ay agad akong umiwas ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag kasabi non ni Hanbin ay agad akong umiwas ng tingin. “But.. Chaerin doesn’t like him.”

Teka lang.. anong nangyayare?

Agad akong napatingin kay Hanbin dahil sa biglang pag-iiba ng boses niya. “Bakit naman?” hindi ko alam kung bakit ayun ang lumabas na tanong sa bibig ko. Diba ang dapat kong isagot ay 'Buti naman kung ganun.'

“Chaerin likes me. But I don’t like her.” napakamot ako ng ulo ko dahil sa paikot ikot na nangyayare sa kanila.

“Ahhhhh.” wala akong balak makialam sa mga relasyon nila. Lalo na’t hindi pa naman kami close nitong si Hanbin.

Wala ako sa posisyon para manghimasok sa buhay niya. Tama Dara.. kahit na kating kati ka ng mag tanong tiisin mo na lang. Kusang lalabas din yan sa bibig niya.

Buong biyahe ang nasa isip ko lang ay.. “Chaerin is Jiyong’s everything.”

Paano na ako sa klase nito mamaya? Baka mamaya eto lang ang nasa isip ko. Ayokong mag cause ng trouble na pwede ikahiya ng pangalan ni Jiyong.

“Maiba ako.. napag aralan mo na ba yung binigay ko handout sayo kanina?” biglang tanong ni Hanbin na naka focus lang sa daan.

“Ay hindi pa.” inilabas ko ang notebook na binigay niya kanina saken nung biglang nag vibrate ang phone ko. May text message galing kay Jiyong.

From: Jiyongie 🐲❤

What are you doing in Hanbin’ car?

Bigla naman akong kinabahan. Anong gagawin ko? Nakita niya palang kasama ko si Hanbin. Baka magalit siya. Kakausapin ko na lang siya sa bahay mamaya.

“Why?” nahalata ata ni Hanbin na medyo kinakabahan ako. Bigla kasing hindi ako mapakali dito sa upuan. “Wala.” sagot ko na lang.

“You need to focus on your study, Sandara. Strict si Mr. Lim when it comes to recitation.” sabi ni Hanbin na nag bibigay ng tips.

“Eto na.. mag rereview na nga eh.” Hanubayan second day pa lang review na agad. Inilabas ko na ang handout ng di ko namamalayang nandito na pala kami sa parking lot.

Pag kalabas namin ni Hanbin ng sasakyan, “Salamat.” sabi ko.

Nginitian niya lang ako sabay angat nung shades na suot niya. Ikaw na gwapo!

Tumabi ako ng kaunti nung nag park ang itim na sasakyan ni Jiyong.

Biglang bumaba ng sasakyan si Jiyong, inaantay kong bumaba si Chaerin pero wala na ata siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Biglang bumaba ng sasakyan si Jiyong, inaantay kong bumaba si Chaerin pero wala na ata siya. Baka doon na siya binaba ni Jiyong sa tapat ng school. Buti pa siya.. nagagawang ihatid ng boyfriend ko.

“Hi Jiyong.” ngumiti ako at kumaway sa kanya kahit pilit na pilit yung ngiti ko ginawa ko pa rin. “N-nauna pa ako sayong makapasok dito. S-sabi ko sayo sumabay ka na saken eh.” sabi ko. Wala naman siyang reaksyon nakataas lang ang kilay niya.

“Halika na, Sandara. Male-late ka na sa klase mo.” biglang yakag ni Hanbin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palayo kay Jiyong.

“H-hoy ano ba—”

“Hands off, Kim Hanbin.” napatigil kami sa pag lalakad nung biglang nag salita si Jiyong.

” napatigil kami sa pag lalakad nung biglang nag salita si Jiyong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“H-huyy hands off daw.. Hanbin.” mahinang bulong ko kay Hanbin pinilit kong alisin ang kamay niya pero mahigpit ang pag kakahawak niya sa kamay ko.

“Why? Ayaw mo naman sigurong matikman ang sermon ni Mr. Lim sa second day mo dito sa school, diba?” tanong ni Hanbin sakin.

“Jiyong, mamaya na lang tayo mag-usap kung may sasabihin ka ha? Male-late na kasi talaga ako. Babye!” Kumaway kaway na ako kay Jiyong hanggang sa makalabas na kami ng parking lot.

“Hanbin bakit ba ang hilig mong mang hila?”

“I don’t know. I think it’s a habit everytime I’m with you. I don’t know so stop asking me why.” ang sungit naman nito bigla. Nag i-ingles pa bigla bigla. Pwede namang pure tagalog na lang.

“Okay po.” sagot ko.

Madami kaming pasikot sikot na dinaanan bago marating ang room ko. Habang nasa hallway kami ay maraming babae ang nakapalibot samin. Malamang, naiinis nanaman sila saken dahil kasama ko si Hanbin.

“Sige na don ka na.. pinag titinginan na tayo oh. Salamat pala.” ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay naka pout ng di ko naman alam ang dahilan.

May bigla siyang nilabas na sticky note sa bulsa niya at may sinulat na kung ano. Bigla niyang dinikit yun sa noo ko at nag simula akong makarinig ng mga bulung bulungan sa paligid.

Is that Kim Hanbin's number?!

She is so lucky. I'm so mad right now.

Don't worry girls.. akong bahala diyan.

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Pero di ko na lang inintindi. Tinanggal ko ang note na nasa noo ko at may digit number na nakasulat don. “Para saan ‘to?" tanong ko.

“In case of emergency. Everytime na naliligaw ka, nabu-bully at nalulungkot. You can call me anytime. I’m your tour guide, right?” ngumiti siya at lumabas nanaman ang cute niyang dimples. “Go.. go! Enjoy your class. Yung mga bilin ko ha?”

“Okay po.” ginulo niya ang buhok ko at umalis na. Bago pa ako bugbugin ng mga babae dito sa labas eh dali dali na akong pumasok sa loob ng room.

Wala pa si Mr. Lim habang hinihintay namin siya ay biglang nag vibrate ang phone ko. May text message ulit galing kay Jiyong.

From: Jiyongie 🐲❤

Meet me at the court later. 6pm.

My Boyfriend is a Famous Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon