MBiaFI Chapter 24
Sandara’s PoV
Mahigpit na nakayakap pa din saken si Jiyong nung kumalas ako. Gusto ko pa sanang enjoyin yun pero may gumugulo kasi sa isip ko. Kanina lang, ang sabi niya si Chaerin ang gusto niya, si Chaerin lang at wala ng iba.
Tumingin ako kay Jiyong na nakataas ang isang kilay na para bang tinatanong niya ako kung bakit ako kumalas sa pag kakayakap niya.
“Ano kasi— uh inaantok na ‘ko. Oo! Inaantok na ako.” dahilan ko.
Bigla naman siyang tumawa. "It’ okay. I know that you’re shy.” sabi niya sabay kindat sakin. “Ihahatid na kita.”
“Hindi na kailangan baka may makakita pa satin eh.” sabi ko.
Tumayo na ‘ko at mabilis na tumakbo papasok sa loob. Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag naaalala ko yung kiss ni Jiyong!!
Paano ko na lang siya haharapin sa mga susunod na araw?! Eh hindi naman lasing si Jiyong, hindi naman siya lasing!!
Napapaisip ako, anong ibig sabihin no’n? Ayos na ba kami? Ang gulo.
Nung nasa tapat na ako ng room 308 hindi ko mahanap ang key card ko. Nasaan na ba ‘yun? Kinapa kapa ko pa yung bulsa ng jacket ko pero wala talaga.
“Looking for this?” napalingon ako nung may biglang nag salita sa likod ko.
“Hanbin?" gulat na tanong ko.
Napatingin ako sa hawak niya, key card kong nawawala. “Paano napunta sayo ‘yan, Hanbin?” tanong ko.
Lumapit siya sakin. “Nakita kitang tumatakbo papasok sa lobby kanina at nakita kong nahulog ‘to.” paliwanag niya sabay abot nung keycard sakin.
“Nandon ka sa lobby? A-anong ginagawa mo do’n?” kinakabahang tanong ko.
Nakita niya kaya?
“Why? Bumaba lang ako for coffee. May hindi ka ba ginawang maganda?” tanong niya sabay ngiti.
“W-wala naman. Sige na bumalik ka na sa kwarto mo, Hanbin. Goodnight! Salamat.” paalam ko.
Hindi naman na siya sumagot kaya pumasok na ako sa loob. Dahil baka mamilit pa ‘yun na makakuha ng sagot.
➖➖➖
Hanbin’s PoV
Dahil hindi ako makatulog ay naisipan ko munang bumaba. Napansin kong wala din si Jiyong sa kwarto.
Nasaan kaya ang mokong na yun?
Naupo muna ako dito sa lobby habang hinihintay yung coffee na pinakuha ko do’n sa isang staff. Nag mumuni muni lang ako nung makita ko si Sandara na nag lakad. Nakayuko siya at mukhang malalim ang iniisip, mukhang malungkot nanaman. Kaya siguro hindi niya ako napansin.
Tatayo sana ako para sundan siya nung nakita ko si Jiyong na nakasunod sa kanya. Kumunot ang noo ko sa nakita ko. Tumayo na ako para sundan sila.
“Ahhh!! B-bakit ka nandito?” narinig kong sigaw ni Sandara habang nakatago ako dito sa may gilid malapit sa kanila.
“I can’t sleep. Ikaw din? Okay ka na?” tanong ni Jiyong.
“Okay na ‘ko.” sagot ni Sandara.
“Why are you so cold to me?” tanong ni Jiyong na napaka obvious naman ng sagot kung bakit.
“So, ako pa yung cold ngayon, Jiyong? Sino kaya ‘tong ayaw umasta ng ayos. Ako yung ugali ko lang yung nagiging cold, Jiyong! Pero ikaw alam mo kung ano? ‘Yang puso mo!" sigaw ni Sandara.
![](https://img.wattpad.com/cover/63766221-288-k390092.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Famous Idol
Roman d'amour(Currently editing) Naranasan mo na bang mag kagusto sa isa sa pinaka sikat na estudyante sa school niyo? Naranasan mo na bang mag mahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik? Eto si Sandara, ang babaeng naka arranged relationship sa isang leader...