Hokage Chapter 11

33 4 0
                                    

CONTINUATION

Reigne: Baby, uy baby.

Hindi pa rin siya nilingon ni Arnim. Kasalukuyan siyang kinakaladkad ni Arnim papuntang parking lot. Ang sweet na sana eh, magkahawak ang kamay pero madilim ang aura ni Arnim. Kasing dilim ng kilikili ni Pepe Dimaligaya.

Sa wakas ay nakarating na sila sa astiging kotse ni Arnim!

Arnim: Pasok.

Nakasimangot na sumunod si Reigne, bukod sa badtrip pa rin siya dahil sa ginawa ni Arnim kagabi ay badtrip rin siya dahil wala man lamang nagsabi sa kaniya na may panis na laway siya nung nakaraang Hokage Chapter.

Umandar na ang kotse.

Reigne: Teka san ba tayo pupunta? Itatanan mo na ba ako, baby? (Sabay kapit sa braso sa nagdadrive na si Arnim)
Arnim: Hindi.
Reigne: Magde date?
Arnim: Hindi.
Reigne: Magpapakasal?
Arnim: Hindi rin.

Napakagat ng labi si Reigne ng may maalala siya kaninang nasa botanical garden sila.

Lalo tuloy siyang nagsumiksik sa tagiliran ni Arnim at pasimpleng chumansing.

Reigne: Alam ko na!

Napatingin si Arnim sa kaniya pero ibinalik rin ang atensyon sa daan.

Arnim: Ano?

Nag count down sa isip niya si Reigne.

4
.
.
3
.
.
2
.
.
1

Reigne: MAGSES*X NA TAYO!

Kasabay ng pag anunsyo ni Reigne sa makapahindik balahibong testamento ay siya ring pagkauntog ni Reigne sa dashboard dahil sa biglaang pagpreno ni Arnim.

Reigne: Aray ko naman, oh. Pucha, sarap na sarap ata yung dashboard sa noo ko ah.
Arnim: Ano bang iniisip mo, Reigne Forest?!!!

Muntik ng mapa 'huh?' si Reigne kay Arnim, buti na lang napigilan niya dahil tanging mga bobo at tanga lang ang gumagawa nun. Pero dahil may isat kalahating kabobohan at 1/4 na katangahan si Reigne ay napa...

Reigne: huh?

na lang siya.

Reigne: Duh! Narinig ko kaya kanina yung sinabi mo.
Arnim: And about that! Stay away from that guy!
Reigne: Kay Foto? Mabait naman siya ah!
Arnim: Pinatid ka niya. At kahit hindi ka niya patidin, lalayo ka sa kaniya.
Reigne: Pero sasagasaan ko pa siya ng skateboard!!!
Arnim: No. Lalayo ka sa kaniya.

Nakalabing sumimangot si Reigne at naalala si Pea.

Reigne: Lalayo ako kay Foto pero lumayo ka rin sa pabebe, malandi at makating Pea na yon.
Arnim: DON'T CALL HER LIKE THAT! WALA KANG KARAPATAN!!!

Tila nakita ni Reigne na inaatake na ng China ang Pinas dahil sa reaksyon ni Arnim na iyon. Doble doble pa sa Goodbye Philippines na sumabog sa harap niya kagabi.

Ngayon niya lang nakita si Arnim na ganito. As in yung ganitong galit. Kahit kasi anong klaseng pamemeste niya kay Arnim noon ay hindi siya ginanito ng lalakeng minamahal niya.

Tila natauhan naman si Arnim ng makitang nangilid ang luha ni Reigne.

Arnim: Shit. I am sorry Reigne.

Akmang yayakapin na sana ni Arnim si Reigne pero bago pa man iyon magawa ni Arnim ay mabilis na lumabas si Reigne sa sasakyan at tumakbo.

This time hindi na parang takas sa mental o hinahabol ng mga halimaw sa wrong turn ang pagtakbo niya.

Dahil sa kauna unahang pagkakataon...

Tumatakbo si Reigne na umiiyak at bigo dahil sa lalakeng pinakamamahal niya.... si Arnim.

:'(

***
Ano na kaya ang mangyayare sa istoryang ito? Mawawalan na ba talaga sila ng napakatamis na FOREVER? Nagdilim rin ba ang mundo niyo dahil sa pag aaway nila? Weh? Mas madilim pa sa kili kili ni Pepe Maligaya?

ABANGAN SA SUSUNOD NA HOKAGE CHAPTER NG 'The Hokagirl (Ang Alamat)'

The Hokagirl (Ang Alamat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon