Hokage Chapter 13

38 3 0
                                    

CONTINUATION

Imbes na maghuramentado sa sahig ng mall dahil sa nakita ni Reigne ay mas pinili na lang ni Reigne na yumuko sa balikat ni Foto at tahimik na umiyak.

Selos na selos na kasi siya unang pagkakita niya pa lang noon kay Pea. Para bang kahit anong ibato niya kay Pea na pasaring ay hindi pa rin non mababago na mas pipiliin pa rin ni Arnim si Pea kesa sa kaniya.

Foto: Hoy umiiyak ka ba? O ihi mo lang iyon? Bakit ang init?
Reigne: H-hot kasi ako. Huwag kang m-magulo inaantok ako.
Foto: So panis na laway mo lang iyon?

Sa halip na sumagot ay sinapok na lang ni Reigne ang likod ni Foto na puno ng maskels.

(Mcdonalds, nasa tapat ng cashier)

Sa wakas ay bumaba na si Reigne mula sa pagkakakarga kay Foto. Nandidiri namang tinignan ng cashier ang balikat ni Foto na basang basa dahil sa luha, sipon at panis na laway ni Reigne.

Reigne: Anong tinitingin tingin mo diyan?
Cashier: Uhm Ma'am wala po. Ang ganda niyo po kasi.
Reigne: Sus maliit na bagay.

Lihim na napangiti si Foto. Iba talaga ang klase ng self confidence ng babaeng ito! Abot hanggang Mars.

Foto: Ano ang gusto mo?
Reigne: uhmm, isang chickenjoy, tsaka jollihotdog at tsaka samahan mo na ng Cokefloat.
Cashier: Ahh ehh, Ma'am wala po kasi kaming ganun eh.
Reigne: Foto oh, ayaw akong pagbentahan ni Ate.

Pagsusumbong niya kay Foto. With matching turo pa sa pimple ng cashier sa noo. Ang mean talaga niya!

Pinitik naman ni Foto ang noo ni Reigne.

Foto: Tigilan mo ako sa kalokohan mo, Reigne. Nasa Mcdo tayo.
Reigne: Eh trip ko nga e, papalag ka?. Tsk! Bahala ka na nga jan. Pupunta na ako sa table.

~

Foto: Hinay hinay lang.

Hindi sumagot si Reigne. Lamon lang ng lamon ang gaga.

Hanggang sa...

Arnim: Pwede bang makiupo.

Halos masamid si Reigne sa kinakain niya ng makita si Arnim kasama si Pea na nakakapit sa braso ni Arnim. Asar!

Foto: Isa na lang ang available na upuan. Kaya hindi pwede.
Reigne: Oo nga, at saka nakakaistorbo kayo sa amin.

Hindi pinansin ni Arnim si Reigne sa halip ay pinaupo niya si Pea sa nagiisang bakanteng upuan at...

Arnim: Kung ganon ay kakandungin ko na lang si Reigne.

At wala pasabing binuhat si Reigne at kinandong sa kandungan niya.

Manginig nginig tuloy na humawak sa kutsara niya si Reigne.

Reigne: Waaahh! Ibaba mo ako! Isusumbong kita kay Kuya Dark!
Arnim: Hindi ako takot kay Dark. Kumain ka na. Gusto mo pa bang subuan pa kita, babe?

Hindi na nakasagot si Reigne ng pabalang ng agawin sa kaniya ang kutsara at sinubo ni Arnim sa kaniya ang overload na kutsara sa bunganga niya.

Foto: Leave her alone, Arnim.
Arnim: You leave us alone.

Si Pea naman ay hindi na halos makakain. Halos ng mga napapadaan rin sa table nila ay nakyu curious sa kung ano ang kaganapan sa table na iyon.

Sa wakas ay nalulon na ni Reigne ang sinubo sa kaniya ni Arnim!

Reigne: Foto! Tulunga---

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng isubo ulit ni Arnim ang overload na kutsara sa kaniya.

Pea: Arnim, kailangan mo na akong ihatid.

Sa wakas ay nagsalita na si Pea. Na killjoy sa subuan na nagaganap kina Reigne at Arnim.
Mataman siyang tinignan ni Arnim.

Arnim: Ihahatid ka na ni Foto. Kailangan kong maiwan dahil may patiwarik na ibibitin pa ako na bata.

Sabay tingin sa kawawang Reigne na punong puno ng Chicken sa bunganga.

At boom! Naging cast si Ma'am Virgine sa 'Jane the Virgin'

***
Ilang pimples kaya ang mahahanap natin sa mukha ng cashier? Bakit walang tindang Jollihotdog sa Mcdo? Naubusan na ba ng stock? Bakit hindi nag enjoy sa kandungan moment si Reigne? Papayag kaya na ihatid ni Foto ang kawawang si Pea na nireject ni Arnim? At higit sa lahat....

Sino ang ibibitin ng patiwarik?

ABANGAN SA SUSUNOD NA HOKAGE CHAPTER NG 'The Hokagirl (Ang Alamat)'

The Hokagirl (Ang Alamat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon