Hokage Chapter 8

60 3 2
                                    

CONTINUATION

(UNEDITED

(Hallway)

Karay karay ni Reigne ang dalawang timbang tubig. Huwag kayong maawa sa kaniya dahil nakasalabay naman siya kay Elec na mukhang matandang huklubang camel na dahil sa bigat ni Reigne, dagdag pa ang dalawang timbang hawak nito.

Habang ang mga estudyanteng nadadaanan naman nila ay wirdong nakatingin sa kanilang dalawa.

Reigne: Waah! Grabe talaga yung nangyari kahapon, Elec!!! Pa murder mo na yung hayop na Pea na iyon!!!
Elec: Ano ba girl! Tama na ang pag iyak, matutuluan ng uhog mo yang maligamgam na tubig ni Ma'am Virgine!!!
Reigne: Ayoko na, Elec!! Mag poporn star na talaga ako!!!
Elec: Wow! Good idea girl! I-recruit mo si Ma'am Virgine ng makalasap naman ng talong yung tahong niya.

Mala mental patient na naman ang dalawa sa halakhakan nila. Habang ang mga estudyante na dinaraanan nila ay kulang na lang kumuha ng shield para maging ligtas mula sa dalawang mental patient.

Suminga si Reigne sa kamay niya. Nandiri siya ng makita ang sipon niya sa kamay niya. Sa halip ay pasimpleng ginawa niyang gel ang color yellow green na sipon sa buhok ni Elec.

(Nang makapasok sa room)

Ma'am Virgine: You two are late again!
Reigne: Peace na tayo, Ma'am. Nagdala pa kasi ako ng mainit na maligamgam only for you.
Elec: Kaya nga po! Tsaka po nakakafresh ng tahong iyang mga tubig na iyan, Ma'am!

Nag apir pa ang dalawa sa harap ng klase.

Ma'am Virgine: Ahh ganoon ba? O sige pasado na kayo ngayong sem na ito!

Lihim na napahagikhik ang dalawa.

Nang makaupo si Reigne ay nalanghap niya agad ang ibang klaseng hininga ni Pepe.

Pepe: Hi Reigne!
Reigne: Tatahimik ka o ipapamumog ko sa iyo ang pinagkawkawan ni Ma'am Virgine?!

Magsasalita pa sana si Pepe ng pinanadilatan siya ni Reigne. Yun! Natahimik si Gagu. Nakasimangot na nakinig na lamang si Reigne kay Ma'am Virgine, badtrip pa rin kay Pea, Arnim at Pepe.

(Canteen)

Reigne: Isa nga pong order ng malanding spaghetti tapos po isa pong higad na orange juice tapos isa rin pong slice ng mang aagaw na chocolate cake.

Halos lumingon lahat ng tao kay Reigne ng sinabi niya iyon sa pobreng cashier sa canteen.

Naniningkit naman niyang tinignan ang katabi niyang si Pea na obvious naman na siya ang pinariringgan ni Reigne.

Cashier: A-ah sige, hija.

Iniabot ng cashier sa kaniya ang 'order' niya.

Taas noong bumalik siya sa table nila ni Elec. Ang ganda na sana eh! Pero bigla siyang natisod sa umaandar na skateboard at yun! Nadapa ang gaga.

Umupo siya mula sa pagkakadive ng mukha niya sa sahig at parang bata na lumingon, left to right. At pumalahaw ng iyak na kasing lakas ng atomic bomb.

Unknown: Oh shit! I am sorry Miss.

Kasabay ng pag hawak ng estranghero sa humawak sa braso niya ay siya ring paglaglag ng panty niya dahil sa kagwapuhan ng estranghero.

***
Natamaan kaya si Pea sa mga pasaring ni Reigne sa kaniya? Paano napunta ang skateboard sa paanan ni Reigne? Tumambling o gumapang? Sino naman ang estrangherong nakapaglaglag sa panty ni Reigne? Hmm...

ABANGAN SA SUSUNOD NA HOKAGE CHAPTER NG 'The Hokagirl (Ang Alamat)'

The Hokagirl (Ang Alamat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon