Page Three: ANJ

18 5 0
                                    

"Okay, you can now introduce yourself to your new classmates" The moment na inangat niya ang ulo niya para mag introduce. Napahawak nalang ako sa bibig ko.

Sa dinami dami naman ng tao sa mundo na magiging bagong classmate namin.. Bakit siya?

Bakit siya pa?

"Hi. My name is Ace Nathaniel Jimenez, a transferee." Sabay pagbow na parang Japanese. Hindi pa rin pala siya nagbabago, kahit kailan. Ang mga kinikilos niya, yung attitude, mga charactiristics at pati mukha niya, wala pa ring nagbago. Ang gwapo pa rin niya. Natatandaan pa kaya niya ako?

"Hayy, Buhay parang Life.." Bulong ko sa sarili ko.

Yung mga kaklase kong babae, nagtitlian na. Well, kasi naman eh. Sinong hindi magtitili kapag ang isang gwapong katulad niya ang dadaan sa harap mo.

"Ang gwapo niya noh?"

"Dream boy friend ko.."

Hay nako, unahin muna kasi ang pag aaral bago ang boyfriend - boyfriend na iyan. May boyfriend nga ako. Pero hindi ko naman masyadong inaalala iyon. Sabi kasi ni Mama na patikim lang iyon. Para daw hindi ako masyadong maging obsess. Hindi ko naman sila pinipigilan, ako nga may boyfriend eh. At hindi mo talaga maiiwasan na ma inlove. Pero infairness, talagang mas pumogi siya ngayon kumpara noon. Aaminin ko na, hindi naman completely walang nagbago. Kasi mas matured na siya ngayon, at masasabi kong mas resoponsable siya ngayon. Kumpara noon.

"Okay Ace, rplease sit on the vacant seat at the back" sabi ni Maam. Nagtinginan agad sila sa akin, lalo na yung mga babae. Tumingin ako sa paligid ko, narealize ko na katabi ko pala yung vacant seat na tinutukoy ni Maam. Sinunod niya naman si Maam at umupo katabi ko. Umupo siya na parang wala lang. Parang di kami magkakilala. O hindi niya talaga ako naaalala. May amnesia??! May sakit??!

——

Natapos na ang dalawa naming subject sa umaga. Wala tuloy ako masyadong naintindihan sa mga sinabi at tinuro ng prof namin. Correction po.. WALA TALAGA akong naintindihan sa mga sinabi niya. Yung parang papasok sa tainga mo at lalabas naman sa kabila. Distracted kasi ako kakaisip ko kung naaalala pa ba niya ako. At kung naaalala pa ba niya yung mga nangyari noon. Dami kong memories na nagawa kasama siya. Hindi nga talaga ako makapaniwala na magkikita kami ngayong araw na ito. After all these years, sa UE lang siya nag aaral, sa kabilang kanto lang iyong gate nila eh. Kung lalakarin mo lang, hindi lang aabot ng limang minuto, andun ka na.

"Jarielle!!" Natauhan kaagad ako sa pagtawag sa akin si JL. "Kanina ka pa namin tinatawag. Ano ba talaga ang iniisip mo? May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang leeg ato noo ko." Wala ka namang lagnat eh. Ano ba ang nangyayari sa iyo ha?"

Pre- occupied na naman ang isip ko... Ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Simula nung dumating siya kanina, di na ako mapakali. Ano bang nangyayari?

"Gutom lang siguro to. Hindi kasi ako masyadong nakakain ng almusal kasi nagmamadali akong pumunta dito. Punta nalang tayo sa canteen" Tumango nalang sila at sumunod sa akin na pumunta sa canteen.

Bumili ako ng isang burger. Nagsimula na rin si JL mag kwento.

"Hindi ko na nakikita ang crush mo. Kailan ba kayong huling nagkita."

"Oo nga naman Jarielle! Ano nga pala---" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya kasi may narinig kaming nagtitilian at nagsisgawang mga babae sa labas. Parang may artista. Tumayo kami at tiningnan mung anong nangyayari. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako chismosa at pati na rin si Ronan, pinilit lang talaga kami ni JL.

"Ano bang nangyayari dito" napasilip ako.

Sa nakita ko, biglang may pumatak na galing sa mga mata ko.

Ano bang ginawa ko para gawin mo to sa akin??

——

Author's Note:

Eyy!! Musta na? Di muna ako makapagdedicate ngayon at sa mga susunod na chapter dahil gabi na. At may pasok pa po ako bukas. 10:32 na po sa gabi. May curfew kasi ako. At dahil wala pa akong mahanap na taong karapat-dapat kong e dedicate. =) Kahit nangako ako na magde-dedicate every chapter. At patawarin niyo rin ako dahil hindi ako nakapag update in the past weeks, or months :) sorry po. At yun lang.  Sana maintindihan niyo po. Mahirap po ang buhay estudyante. Juskooo!! Pressures po kami dito. At alam ko kayo rin (kung nag-aaral man kayo) naiintindihan ko po kayo. Gomennasaii!! [Sorry]  Yun lang. Mwahh.

*peace out*

Falling for You (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon