Page Four: It's Over

18 5 1
                                    

Si France....

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may nakalagay ng super glue sa mga paa ko. Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Parang magkakaroon ako ng heart attack. Napatingin nalang ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang napakainosente. Nagtama ang mga tingin namin. Napupuno na naman ng luha ang mga mata ko. Bakit mo to kailangan gawin sa akin. Saan ba ako nagkulang?

Tinulak niya yung babaeng kani-kanina lang ay nakadikit sa kanya na parang linta. Sarap sapakin. Ang sarap ipa-ambush. Chop-chopin, ilagay sa isang sako, at ipatapon nalang kahit saan.

"Jarielle, sandali lang!" Hinawakan niya kaagan ang kamay ko. Iyang kamay na iyan. Ang mga kamay na palagi kong hinahawakan. Ngutin maghinawakan nang kamag kanina.

"Ano!?" Napataas ang boses ko.

"Let me explain! Please."

"Explain!?? Kitang kita ko sa dalawang mata ko ang mga pinag gagagawa ninyo! Sa tingin mo ba, maniniwala pa ako sa EXPLANATIONS na sinasabi mo!?"  Ano wala kang masabi ngayon?!! Walang explanation na lumalabas sa bibig mo. "Sabihin mo sa akin. Paano pa nga ba ako maniniwala sa iyo?? Paki- EXPLAIN nga? Di ko kasi naiintindihan eh. Why is it easy for you to break a promise?? Ganyan ba talaga ang mga lalake?? Sasabihin niyong 'ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay, pangako' tapos di tutuparin?  Tapos kami naman mga babae, mga tanga! Maniniwala sa lahat ng sinasabi ninyo kahit nasasaktan na. Sinira at sinayang mo lang ang tiwala ko sa iyo eh!!" Kumawala ako sa hawak niya ngunit di ko magawa. "Ano ba!?! Bitiwan mo nga ako!!?? Di mo ba ako naiintindihan? IT'S OVER FRANCE!! Tapos na tayo kaya bitiwan mo ako." Akala ko ba, di ko siya sineseryoso. Peeo bakit ganito ang epekto sa akin?? Bakit napakasakit?? Bakit parang pinipiga yung puso ko. Bakit parang tinutusok-tusok at parang tinu-torture?? Di ko na kaya, kailangan kong ilabas lahat ng mga nararamdaman ko ngayon. Wala na akong pakealam sa mga tumitingin sa amin. Wala akong pakealam kung magviolate man ako ng rule dito.

Tumakbo nalang ako nang tumakbo. Di ko alam kung saan na ako pupunta ngayon. Ang alam ko lang kailangan ko nang makalayo sa kanya."Uy! Okay ka lang ba?" May pumigil sa akin."Huwag ka nang umiyak!!" Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Yung yakap na nakakagaan ng loob. Yung yakap na nakakalimutan mo lahat ng problema mo, kahit gaano man kalaki o kaliit, nakaklimutan mo. Yung yakap na si Ronan lang ang makakagawa. "Kailangan mong magpakatatag" At dun na ako humagulgol ng iyak.

Maya maya lang ay dumating na rin si JL . " Huwag ka nang umiyak. Pumapanget ka eh, may klase ka pa mamayang hapon. Namamaga na yung mata mo. Pati ilong mo namumula na rin, para kang si rudolph, pulang pula ang ilong" Napatawa nalang ako ng konti. Kahit kailan talaga, they never failed to make me laugh.
"Magkita nalang tayo sa coffee shop namin. Diyan lang naman sa tapat ng school natin eh. Punta agad kayo pagkatapos ng mga klase ninyo. Libre ko, promise" sambit ni Jaslyn. Tumango nalang ako.

Pumunta na kaagad ako sa room ng next subject-- sa Math. Hay, buhay talaga oh. Pambihira. Pati pa naman dito. Pati pa naman sa Math nandito siya. Sinisira lang niya araw ko eh. Sirang sira na siya. Hindi ko na lang siya papansinin. EVER!

Kinamumuhian ko siya.

Buti nga nakasagot pa ako sa mga tanong ni Maam ngayon. Naku!! Hindi ko pa ron ako maka get over sa mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa mga ginawa niya sa akin. Hinding hinding hindi ko talaga siya mapapatawad. Kahit lumuhod pa siya, kahit anong gawing niya. Well, except kung itatapon niya sa dagat yung babaeng kahalikan niya kanina. Djk lang.

---

Natapos na pala ang klase ko ngayong hapon. Wala masyado ako naintindihan.. Wait correction lang please Wala TALAGA akong naintindihan dahil sa kanya. Masyado na ata lulmulutang ang isip ko kanina. Sarap manapak ng tao. Nanggigil na ako, kanina pa.

Pumunta muna ako sa library para isauli yung hiniram kong libro. May nagtext kaagad sa akin.

From JL:

Saan ka na Jarielle. Andito na kami sa coffee shop namin. Kasama ko na ngayon si Ronan.

Oo nga pala, ngayon ko pang naalala. Kakain nga pala kami sa coffee shop ng family ni Jaslyn. Nakalimutan ko.

Agad agad akong lumabas sa campus namin para pumunta na doon. Ayoko silang pinaghihintay.

——

Author's Note:

Andito na naman akooo!!! Maraming salamat po sa lahat nang nagbabasa ng story ko. Kahit di siya masyadong interesting. Or should I say, hindu talaga interesting. Okay lang po ba?? Please let me know through comments.

This Chapter is dedicated to—

BADUMBADUMBADUM (sfx ng drums) CHANDARARAAN

@

-

Falling for You (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon