Page Six: Apology

17 5 2
                                    

"Iuuwi ka nalang namin sa bahay niyo."

"S-salamat T.T"

Nagkwentuhan muna kami bago ako nila hinatid sa bahay namin.

"Salamat sa paghatid niyo ha! Maasahan ko talaga kayo." Hinintay ko muna silang maka alis bago ako pumasok ng bahay. Pagkapasok ko, dumiretso na agad ako sa kwarto ko.

"Anak kain ka muna, ipinaghanda kita ng hapunan" masiglang sabi ni mama.

"Kumain na po ako ma, kasabay ko sina Ronan at Jaslyn. Una na po ako. Pagod po kasi ako galing sa school eh. Marami po kaming ginawa eh."

"Sige anak, pahinga ka muna ha." Bakas sa boses ni mama ang pag aalala. Ngumiti nalang ako.

One fake smile.

Dyan naman kaming mga babae magaling. Magaling kaming magtago ng nararamdaman. Ayoko silang mag alala para sa akin kaya hindi ko dapat ipakita sa kanila ang sakit na nadarama ko.

Humiga ako sa aking malambot na kama. Pagod na pagod na ako. Hindi lang ang katawan ko, pati na rin ang puso kong durog na durog. May tumulo na luha na galing sa mga mata ko. Ayan na naman sila, kailan ba ako mawawalan at mauubusan ng luha? Pagod na akong umiyak. Ayoko na. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

KRRIINNGGGG

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Tinignan ko ang alarm clock ko na nasa tabi ng phone ko. 10:02 na ng gabi, sino ba ang magte-text sa akin sa ganitong oras? Pambihira naman oh! Ganda na ng tulog ko. Sinira pa niya!

Nakita ko ang pangalan niya. Nairita tuloy ako. Anong bang problema niya. Maya maya tumawag siya sa akin. May kung  anong nag tulak sa akin para sagotin  ang tawag niya.

"Hello, salamat naman at sumagot ka sa tawag ko. Nakailang miss calls na ako sa iyo."

"Anong ba ang kailangan mo ha?"

"Namiss lang kita."

"Namiss? Kailan mo ba ako namiss? Milagro ata ang nangyari? Anong nakain mo? Asa ka naman na maniniwala ako sa iyo. Sa kabila ng mga ginawa mo sa akin, maniniwala pa ako??"

"Baby, sorry na! Bati na tayo! Plss!" Pagmamakawa niya. Para siyang bata.

"Baby mo mukha mo!! Sorry? Bati? Naririnig mo ba ang sarili mo?Sa ginawa mo kanina sa tingin mo matatanggap ko pa sorry mo? Sa tingin mo ba, ganun-ganon nalang iyon? Sa tingin mo madalali lang magpatawad? Babalewalain ko nalang ba ang kasalanan mo?"

"Sorry na nga eh diba? Di ko naman sinasadya eh!"padabog niyang sabi. Aba, siya pa ang nagdadabog ngayon. Eh siya nga 'tong may kasalanan eh!! Kapal rin ng mukha niya.

"Ah, di mo sinasadya. France! Naghahalikan kayo sa harap ng maraming tao tapos hindi mo sinasadya? Ayos ka rin eh no?"
Para na akong baliw dito sa kwarto ko, naiiyak na natatawa.

"Babe, let me explain. Pls, give me chance"

"Let me explain. Isang sikat na linya ng mga babae at lalake na nasa isang relasyon na hindi nagkakaintindihan, lalo na kapag ang dalawa ay nasa sitwasyon kung saan malapit na sila mag break. Kagaya sa atin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ganito kasi ang mangyayari, mage-explain ka sa akin then I will listen to your explaination, and maco-convince ako sa rason mo. Tapos magiging tayo ulit and gagawa ka ulit ng ikasisira ng relasyon natin and then balik sa una and again and again. Ayan nagets mo? Parang cycle lang iyang eh"

"Ano ba! Jarielle, seryoso ako!"

"Ikaw seryoso? Kailan ka pa ba naging seryoso sa akin? Ni hindi ka nga nage-effort eh. Ako lang naman ang palaging seryoso dito!"

"We were just playing Truth or dare Jarielle! Kaya nagawa ko yun!"

"Sige, pagbibigyan kita, naglaro kayo kanina di ba? Edi maglaro rin tayo ng truth or dare. I dare you to leave me alone . Simple lang naman eh. Tsaka nagawa mo naman ang dare ng barkada mo na halikan ang babaeng yun, edi magagawa mo rin ang dare ko sa yo. Patas na tayo."

"Okay fine, pano kung hindi ko magawang layuan ka?"

"It's so simple France. Kung di mo magawa. Edi break na tayo"

"Kung iyun ang gusto mo, gagawin ko. Para sa iyo lahat gagawin ko, maging masaya ka lang"

Tss. The Famous line.

"Para sa yo lahat gagawin ko" minemorize niya ata lahat ng mga sikat na linya para makuha ang mga babae. Hindi gagana sa akin yan.

Ibinaba na niya ng phone. Ganon na ba kasama sa akin ang tadhana? Ano ba naman ang nagawa ko sa iyo?

Ayoko na. Susuko na ako. Kaya ngayon kailangan ko lang ng kaibigang masasandalan.

——

Falling for You (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon