Pagdating ko sa Coffee Shop ng family ni Jaslyn, nakita ko agad sila sa may VIP corner.
"Uy! Jarielle! Dito!"
Umupo ako agad sa tabi ni Jaslyn. "Dito ka lang sa tabi ko! Miss na kita eh!" Paglalambing ni Ronan. "Ayoko sa iyo. Ang panget mo eh. Tsaka, kanina palang tayo nagkita, miss na agad?"
"Edi wag" Ayun nagtampo.
"By the way, ano palang nangyari kanina? Ba't ka umiyak?" Taning ni JL na walang kaalam alam sa nangyari kanina. Di niya siguro nakita. Sa dinami-dami ng tao kanina? Makikita pa niya lahat ng nangyari?? Naalala ko na naman ang nangyari kanina... Parang maiiyak na naman ako. Ano ba?! Hindi mo ba ako tatantanan, Luha? Please lang wag ka nang tumulo.
Hindi ako nakasagot. Ayoko sagutin.
"Uy wag ka nang umiyak!! Nandito lang kami para sa iyo. Sabihin mo na kasi sa amin yung nangyari kanina, para naman mabawas bawasan ang bigat ng nararamdaman mo." Im so lucky that I have my bestfriends. Swerte ako na sila yung naging mga kaibigan ko. Masasandalan kahit kailan. "Pero bago yan mag-o order muna ako. Dyan lang kayo ha!" Umalis na kaagad si Jaslyn at kaming dalawa lang ni Ronan ang naiwan dito.
Hindi pa rin humihinto sa pagtulo ang mga luha ko. Ayoko nang umiyak pls!!! Ayoko na! "Uy tama na! Wag ka nang umiyak! Sige ka! Papanget ka lalo niyan!" Natawa ako sa sinabi niya. Loko talaga. Kahit ang hirap hirap na nang pinagdadaanan ko, sinasabihan pa rin ako ng panget. Mas panget pa nga siya sa akin. "Ano ka ba! Di ba , dapat e comfort mo ako!! Bakit parang ini-insulto mo ako!"
"Oo nga Jarielle, papanget ka lalo kapag di ka tumigil sa pag iyak! At, tama na ang drama, naiiyak na rin ako eh" Biglang singit ni JL. Aba ang dali maka order!! Nakakatawa talaga tong mga mokong na to. Nagagawa pa akong pagsabihan ng ganyan kahit may problema ako. Kaya nga mahal na mahal ko sila eh.
Kumain nalang ako ng kumain pero hindi masyado. Baka tumaba ako. Mahirap pa naman magpa payat sa panahon ngayon. "Ngayong maayos na ang pakiramdam mo at hindi na madrama, itatanong ko na kung ano ba talaga ang nangyari kanina. Iniwan mo lang kami ng walang pasabi."
"Sorry talaga ah, nadala lang ako sa emosyong ko. Di ko pa kasi gusto na may kayausap sa mga panahong iyon. Gusto ko kasi munang mapag isa kanina." Pinigilan kong umiyak kaso ayaw talaga magpapigil ng luha kong tumulo."Ano ba kasi talaga ang nangyari kanina? Di ko kasi nakita, daming mga epal eh. " Diretsuhang tanong sa akin ni Jaslyn
" Si France... Si France
k-kasi eh.. B-break na kami..." Sa sinabi ko. Tuloy tuloy nang tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko patungo sa mga pisngi ko. Ayaw talaga eh.. Ayaw nilang magpaawat kaya hinayaan ko nalang."ANO?! Break na kayo!??" Pasigaw niyang tanong. Sa pagkakagulat niya, napatayo siya .At sa lajad bg pagkakasabi niya na kulang nalang ipa-announce niya sa radio o sa tv, halos lahat ng mga tao sa Coffe Shop tumingin sa amin. Eh kasi naman, ang coffee shop pinupuntahan para makapag relax, di para magsigawan. Agad naman siyang pinaupo ni Ronan.
"Anong nangyari?"
"Yung pinagkakaguluhan ng... ng mga tao k-kanina... Siya yun. At--" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko. Humahagulgol na ako sa pag iyak.
"Hindi ko na kaya!! Ayoko na!!Ayoko na!! Mga manloloko sila! Silang lahat!"
"Tahan na Jarielle. Nandito lang kami para sa iyo. "
"Iuuwi ka nalang namin sa bahay niyo."
"S-salamat"
——Author's Note:
Kumusta na po kayo?? Andito na naman ako. Para magdedicate at magbibigay na mensahe. And speaking of mensahe, ito na ang message galing sa inyong minamahal na author.Okay lang?? Hindi pa boring? Maiksi lang ba yung mga chapters?? Madali bang basahin yung mga pangyayari?? Hindi ba masyadong cliché? At kung sa tingin niyo ay cliché man, okay lang ba sa inyo? Kung gusto niyong sagutin ang mga katanungan na ito, please let me know your answers through comments, thank you. Hindi iyon exactly message but questions from me about what you think on my korni at cliché story.
At ito na, ang pinakahinihintay niyo!! The Dedication Ceremony ( ngayon ko lang to naisip kaya wala sa previous chapters)
DUGUDUGUDUG. ( drums sfx)
CHANTARARAAAAAN!!Dedicated to jazette_143 . Ikaw ang aking napili para sa Chapter na ito. I dedicated this to because you are my first reader. At IKAW rin ang unang nagvote sa storyang to! At dahil diyan, thank you very much!! Arigatou Gouzaimasu!! Love you Onee-chan!!
(Dont forget to vote, dahil malaking bagay na iyon sa akin.)
At iyon lang ang aking mensahe. Ang mensaheng galing sa pinakamamahal niyong author ( kung sakaling mahal niyo ako, pero kung hindi okay lang naman. Hindi ako nag-eexpect na may magmamahal pa sa akin)
Japanese 101
Sa mga nagtatanong po. Ang Tomodachi (di ko alam kung tama yung spelling) means friend or companion or comrade or pal ar something (sa pagkaka alam ko lang po iyan)*peace out*