Page Thirteen: Stay

7 2 0
                                    


Nagising ako na pinagpapawisan sa isang kwarto na alam ko na hindi naman sa akin. Ginala ko ang aking mga mata. Malaki ang kwarto, makikita mong pangmayaman talaga. May mga vase, maliliit, malalaki. May picture frame din sa may kama kung saan ako ngayon nakahiga. May kama rin na kulay red at violet ang color scheme. Ang kyut! Kaninong kwarto kaya to? May table rin katabi ng kama ko. May juice at tinapay. Nagtangka akong bumangon para sana ikutin pa ang kasuluk-sulokan ng kwarto, ngunit napansin ko na may paparating kaya nagpanggap akong tulog.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Ano kayang gagawin niya?

"Hindi po siya kumain." I expected a deeper voice, instead, nakarinig ako ng boses ng matandang babae. Not the creepy type, pero yung sweet at nakakakalma sa pakiramdam.

"Palitan mo, I don't want her to eat cold bread. Toast it, lagyan mo na rin ng asukal at margarine." Boses ng lalaki ang narinig ko. He don't want me to eat cold bread? Nai-imagine ko pa lang yung toasted bread na may margarine at asukal, nagugutom na ako. "Sige po." Sabi naman ng matanda. Siguro katulong yun dito. Naghintay muna ako ng ilang oras bago ko narinig ang pinto na sumarado. Medyo nakahinga naman ako dun.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na naka balot sa akin at tumayo. Ngayon ko pa talaga narealize na malaki talaga ang kwartong to. Pumasok ako sa banyo nila. Nagulat ako sa nakita ko. Mas malaki pa yata yun banyo nila kaysa sa kwarto ko! Pagpasok ko, nakita ko ang shower, yung toilet at yung bathtub. May tuwalya rin don. Yung banyong makikita niyo sa magrandeng hotel, iyan yung nakikita ko ngayon. Ang bango-bango pa, parang air-freshener sa kwarto ko. Naisipan kong lumabas na sa banyo dahil baka makatulog na ako ron.

Pagkalabas ko sa banyo, nakita ko agad yung pinto ng kwarto na bumukas. Bumungad sa akin ay isang matanda na may dalang pagkain at juice. Siya siguro yung narinig ko kanina. Galing sa pinto hanggang sa banyo na mga 6 meters siguro ang layo ay maamoy mo na ang toasted bread na dala dala niya. "Kumain ka muna iha." Sabi niya sa akin sabay lagay sa pagkain sa maliit na mesa katabi ng kama. Kahit gustong-gusto ko na kumain, pinipigilan ko ito hindi dahil nahihiya ako, kundi sa dahilan na hindi ko sila kilala. "Sino po ba kayo?" tanong ko sa kaniya. "Ah, hehe. Katulong lang ako dito iha." Sagot naman niya sa akin. "Nasaan po ba ako?" tanong ko naman ulit. "Nasa pamamahay ka ni Iel. Kahapon dinala ka niya sa ospital dahil nahimatay ka daw sa school niyo. Hindi naman niya alam ang address mo kaya inuwi ka niya dito."

"Iel po? Di ko po siya kilala eh. At kailangan ko na po umuwi, baka hinahanap nap o ako ng ma magulang ko. Nag-aalala na po sila para sa akin. Sige po." Kahit gusto ko na talagang kumain, aalis nalang ako. Totoo naman ang sinabi ko eh. Baka pinahanap na ako sa mga pulis. 24 hours na akon nawawala. Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko, "Ah, aray~ ang sakit!! Masakit!!" Ang sakit ng ulo ko. Sa sobrang sakit ay napahiga ako sa sahig. Napapikit ako sa sakit. Gusto kong umiyak. Di ko kaya. Ang sakit talaga. Bakit ba ganito? "Iel! Iel, anak!! Pumunta ka dito dali!" sigaw niya. Narinig ko ang mga yapak na papalakas nang papalakas. "Sumakit na naman ang ulo niya, dalhin mo na siya sa ospital ngayon din." NA NAMAN? Ibig sabihin, sumakit ang ulo ko kahapon? Ano bang nangyayari sa akin? May sakit ba ako? Ano? Sabihin niyo sa akin?

Pinilit kong buksan ang aking mga mata. Nasa isang sasakyan ako. "Kuya Den, sa pinakamalapit na ospital po." Sabi niya sabay pasok sa sasakyan at tumabi sa akin. "Sumakit na naman ang ulo niya, pang ilan na yan ngayong araw?" PANG-ILAN? Ibig sabihin sumakit rin ang ulo ko kanina? "Pang-apat nap o ngayong araw, sabi ng doctor kung aabot sa panglima sa isang araw, malala na daw. Kaya kailangan na talaga dalhin sa doctor. Hindi masyadong malakas ang sigaw niya kanina, ibig sabihin, mas masakit ito ngayon." Sabi ni IEL. Pang-apat ngayong araw? PLEASE EXPLAIN! WHAT IS HAPPENING TO ME?!

Nakarating na siguro kami kasi huminto ang sasakyan. Ngunit napansin kong hindi pa kami bumababa sa sasakyan. "Dammit! Bakit ngayon pa?" Narinig kong napamura siya ng marami dahil sa nangyari. Di ko alam kung ano. Traffic or nasira ang sasakyan? Medyo nawala na yung sakit ko sa ulo kanina nung bumabyahe kami. Pero bumalik ulit yung sakit, ngunit ngayon, mas malala kaysa dati. Mas masakit kaysa kanina. "ARAAAAAYYY!!! AHHHHH! MASAKIT ULO KOOO!!" sigaw ko sa sakit. Ayaw ko na. Gusto kong umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa mga mata ko. "Kuya malapit na po ba tayo sa ospital?" tanong ni IEL. "Malayo-layo pa tayo Iel." Sagot naman nung driver. Lumabas siya ng sasakyan at mukhang titingnan kung gaano kalayo ang ospital galing sa pwesto naming sa traffic. Pumasok siya ulit sa sasakyan. "Kuya, lalakarin ko nalang po. Magparking nalang kayo sa ospital. Itext niyo lang ako pag nandoon na kayo." Lalakarin niya? Nagulat ako nang buhatin niya ako at nagsimulang maglakad. Seryoso ba siya? Handa niya akong tulungan kahit di niya ako kilala? Narinig ko ang pagsinhot niya sa sipon niya na tila pinipigilan niya ito sa pagtulo. Umiiyak siya. Nararamdaman ko ang paghihirap niya dahil lang masakit ang ulo ko.

Kung makakatulong lang sana ako. Pero ako ang dahilan ng paghihirap niya eh. Kahit di niya ako kaanu-ano o kilala, handa siyang tumulong. Gusto kong bumaba sa pagkakakarga niya sa akin dahil nga nahihirapan na siya pero wala akong lakas para tumayo mag-isa. Unti unting nagiging malabo ang paningin ko.

Nakarating na kami sa ospital at tumawag agad siya ng emergency. Tinulungan naman din nila ako. Inihiga ako sa kama at inexamine ang aking mata. May mga sinabi yung doctor sa kay IEL pero di ko maunawaan sa sakit ng ulo ko. Sa sobrang labo ng panginin ko, di ko na makilala kung sino yung lumapit sa akin pero alam ko na si IEL yun kasi siya lang naman yung kasama ko papunta dito. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Jarielle, wag mo akong iwan, ha?" sabi niya habang naiiyak na? O umiiyak talaga siya? Di ko alam kung anong ibig sabihin niya doon. Di ko na talaga kaya, namamanhid na aking katawan. Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata.


Falling for You (On- Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon