Chapter ten
~*~
Herxhiene
Pagpasok na pagpasok namin ni Rona sa dorm nila Lux at Victorique sumalubong samin ang itim na usok na nanggaling sa isang silid malapit sa sala. Parang pang halloween ang datingan ng kanilang dorm.
"Anong potion nanaman kaya ginagawa ni Zayn. " sabi ni Rona habang nakatingin sa silid na pinanggalingan ng itim na usok.
"Bakit siya gumagawa ng potion?" tanong ko. Witch ba siya?
"'Yon kasi ang kakayahan niya. Gumawa ng ibat-ibang potion, in short witch siya. " nakangiting paliwanag ni Rona.
May sinabi pa siyang ilang detalye, naputol lang ng may magsalita na isang babae.
"Nandyan na pala kayo," sabi niya pag kalabas ng kanilang silid. Kung saan nanggaling yung black smoke kanina.
"Sila Lux and Victorique?" tanong ni Rona do'n sa babae.
Wala kasi silang dalawa, samantalang sila ang nag imbita sa amin dito. Nakakahiya na pumasok kami ng walang paalam pero sabi ni Rona ay okay lang daw ang ginawa namin. Magkakaibigan naman daw sila.
"Pumunta sila sa Academy. May hihiramin daw na book si Victorique. Sinamahan nalang ni Lux may hihiramin din daw siya." 'yung babae at tumingin sakin.
"Sino nga pala siya?"- tanong niya kay Rona. Ngumiti siya sa akin.
"Ay! Siya si Herxhiene. Bagong bestfriend ko!"
"Hi Herxhiene! I'm Zayn," naglahad siya ng kamay at agad kong tinanggap.
"Kyaaahh! Nandito na pala kayo!"
"Sshh! Lux huwag ka na sumigaw."
Pumasok ang dalawa bitbit ang nagkakapalang mga libro. Binabasa kaya nila lahat 'yan? Sa tingin pa lang ay parang nakakalula na.
"Oo na! Tss. Ate Rona umupo kaya muna kayo? You know nakaka ngawit tumayo. Don't worry free umupo sa sofa namin." sarcastic siyang tumawa pero natigil ng batukan siya ni Victorique.
"Ikaw talaga Lux, Tss."
Umupo kami sa sofa at naghanda naman ng cookies at juice si Lux. Nag play sila ng classical music para daw relaxing habang nagku kwetuhan.
Marami rami silang mga binabanggit na pangalan kaya hindi ako makasunod. Habang nagtatawanan sila isang babae ang biglang pumasok sa dorm. Padabog ang bawat kilos niya. Itim na itim ang pananamit niya kaya nakakatakot yung aura niya.
Tuloy tuloy siyang naglakad papasok sa isang silid at parang hindi kami nakita. Nagkatinginan lang sila Lux at Victorique at nag kibit balikat.
"Badtrip na naman yata. Hayaan niyo na." sabi ni Zayn. Kumuha ng cookies at muling kinausap si Victorique.
"Nga pala Herxhiene 'yon si Ate Keirna Vedra. Mukha lang mataray pero mabait naman siya kapag nakasama mo na ng matagal." paliwanag ni Rona.
Tumango nalang ako sa kanya dahil hindi ako sigurado kung totoo ngang mabait ang tinutukoy niya o para lang hindi ako matakot.
BINABASA MO ANG
Royals Of Veirsaleiska
FantasyVEIRSALEISKA KINGDOM SERIES #1 In 160 old era, a conflagration begun in the centrè of Veirsaleiska Kingdom. Royalties was in feud because of the enormous hatred, envious and obsessiveness that they have in their hearts. The archenemy showed no mercy...
