Chapter eight
~*~
Herxhiene
Pagkalabas namin ni Miyukii sa palasyo ay nagtungo kami sa dorm nila.
Malaki siya at maganda ang kulay half pink half blue. Halatang may dalawang taong kontra sa isa't isa. Bakit hindi nalang nila ginawang rainbow? Joke. Pero bagay naman ang kulay.
Sa kwarto ay may apat na kama dalawang kulay blue at dalawang pink din. Sa sahig ng kwarto ay nakalatag ang carpet na brown na mabalahibo. Mayroon ring mini table at unan na para upuan sa sahig.
Kumpleto sa gamit ang dorm nila.
Apat na cabinet na mukhang antique pero bumagay pa rin ang kulay sa pastel blue at pink. Pinalagay na sa akin ni Miyukii ang gamit ko kaya nilagay ko na. Spacious ang loob ng cabinet. Sa gilid ng bawat cabinet ay ang mga vanity table na nilalagyan ng mga essentials. Ang apat na bedside table ay parang sa hospital lang, plain na kulay light brown.
May mini sala sa labas ng kwarto.Kumpleto rin sila sa appliances. Flatscreen TV, sofa-bed na nagpapahiwatig na may tamad rin siyang kasama. Center table na may maliit na flower vase pero walang flower. Fireplace? May winter kaya rito?
Pumunta naman kasi sa kusina. Hindi ito gaanong malaki ang kumpara sa sala. Siguro dahil mukhang si Miyukii lang ang nagluluto. Sakto lang ito pero kumpleto pa rin sa gamit. Refrigerator, oven, etc.
Meron din palang veranda may upuan at table din do'n. Kaso sarado na ang glass door kaya hindi ko na nilabas.
Tinignan ko rin ang cr at may bath tub pa.
Dorm ba talaga to? Mukhang pang mayaman.
"Mamili ka lang sa dalawang kama sa gitna kung saan mo gusto. Kumain ka na rin pala. Nasa ref yung mga pag kain, iinit mo nalang. Aalis na ko may kailangan pa akong asikasuhin. Kapag dumating si Rona pakainin mo na rin. Aalis na ako, " mga bilin ni Miyukii matapos niya akong ilibot.
Tumango nalang ako sa kanya. Bahagya siyang yumuko upang magbigay galang ata? Bago siya nagteleport umalis. Nagchant pa ata siya bago magamit ang teleportation.
Nang makaalis na siya ay nahiga muna ako sa kama katabi ng isang pink na kama. Sino kaya natutulog dito sa pink na kama? Yung kama ni Miyukii ay kulay blue katulad ng sakin.
"I'M BACK!"
Nakarinig ako ng sigaw mula sa sala at bigla nalang umulan ng snowflakes sa kwarto kaya lumabas ako.
"WAAAAHHHH!" sigaw ng babaeng sobrang puti at may kulay asul na mga mata.
Amerikana kaya siya? Kailangan ko ba mag english? My ghad, sana ay kaya niyang magtagalog.
Magsasalita sana ako ng biglang lumitaw si Miyukii sa harapan namin.
"Napaano ka Rona?'" tanong nito.
Paano naman siya biglang napunta rito? Kaalis niya lang, ah?
"Sino siya? Miyukii bakit may ibang Immortal dito?"
Hayst! Thank you, G! Nagtatagalog siya!
"Tss. Akala ko naman may nangyaring hindi maganda. Siya si Herxhiene, bagong ka dormmate natin." paliwanag ni Miyukii.
BINABASA MO ANG
Royals Of Veirsaleiska
FantasiaVEIRSALEISKA KINGDOM SERIES #1 In 160 old era, a conflagration begun in the centrè of Veirsaleiska Kingdom. Royalties was in feud because of the enormous hatred, envious and obsessiveness that they have in their hearts. The archenemy showed no mercy...
