CHAPTER 29

9.8K 256 1
                                    

Herxhiene

Pagkalipas ng tatlong taon.

Marami ang nangyari. Marami ang nagbago. Ilang mga bagay ang hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko, at sa iba.

Ilang buwan matapos ang kaguluhan, napag desisyonan nila Rona at Hyrum ang mag-isang dibdib. Lalo pa't nagdadalang imortal na rin si Rona no'ng mga panahon na 'yon.

"Huwag kayong mag takbuhan." mahinahong saway ni Rona sa mga bata.

"Cloud." tawag ni Hyrum sa anak ng hindi ito nakinig sa kanyang ina.

"Princess Herxhiene! Nakaayos na ang lahat." pagbabalita ng nag oorganisa sa akin.

"Mauupo na rin kami do'n, Herxhibest. Congratulations ulit." ngumiti si Rona sa akin bago sila umalis.

Bahagya kong inayos ang suot kong gown. Sinabihan na akong pumasok kaya sumunod na ako.

Habang naglalakad sa isang carpet, ang mga imortal ay yumuyuko upang magbigay galang. Hanggang ngayon ay hindi ako masanay sanay na ginagawa nila 'yo'n.

Nang makarating ako sa dulo kung nasaan sina Mama, Papa at Dylan ay napangiti ako. Kahit sila ay naluluha.

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko at hinaplos ang aking mukha.
"Ang ganda naman ng magiging reyna ko." pang bibiro niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran pero hindi naman siya nasaktan dahil makapal ang tela ng kanyang coat.

"

Ngayong araw ay masasaksihan natin ang pag iisang dibdib nila Princess Herxhiene Elleine at Prince Dylan Clyde Harvaux. Ang seremonya na ito ay binigyang basbas nila Queen Xenna at King Grantson ng Veirsaleiska, at, Queen Diamond at King Cyrus ng mga Sphyrian." anunsyo ng oracle.

Tumayo ang mga hari at reyna na nabanggit. Malawak silang nakangiti sa lahat.

Lumapit na sina mama at papa sa amin upang isagawa na ang pinaka ritwal ng pag iisang dibdib.

Aubrey Valdez

Ang sweet naman! Grabe hindi ko akalain na sila ang magkakatuluyan sila. Akala ko noon ay si Miyukii ang makakatuluyan ni Dylan dahil lagi silang magkasama. Ngunit masakit sa ulo kapag nagkataon na nagkagusto nga sila sa isa't isa. Ayaw ng mga Sphyrian sa wizards. Pero masaya ako na kay Herxhiene siya ikinasal. Sigurado akong magiging masaya sila.

"Aubs! Gusto mo bang magpakasal na rin tayo? Para isang seremonya nalang." ngiting tanong ni Russelle.

Inismiran ko lang siya. Panira naman ng lalaki 'to. Kahit kailan ay hindi siya marunong bumasa ng sitwasyon. Magpasalamat siya at hindi ko pa rin siya iniiwan sa kabila ng pambu bwiset niya sa akin lagi.

"Manahimik ka nga!"

"Nagta tanong lang highblood ka naman agad." umakbay nalang siya sakin. Nakinig na muli kami sa seremonya.

Sana nga kami na ang sumunod. Aalipinin kita habang buhay, tsk.

Ayesha Jade Cruz

Royals Of Veirsaleiska Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon