Chapter 5

15.6K 484 9
                                    

Chapter five
~*~
Herxhiene

Gabi na. Yari nanaman ako kay tita ne'to. Letse naman kasi si Bryan eh! Sinusundan ako! Hindi pa nakuntento sa pangungulit niya sa akin sa room.

Hindi na nga ako tinantanan ng masasamang titig ng mga kaklase ko. Dumagdag pa ang ilan sa mga ka school mate ko. Ang bilis naman kasi nilang sumikat sa school. Parang ginawa silang artista.

Hinihingal ako pagkadating ko sa tapat ng bahay. Ngunit naagaw ng taong nakatayo malapit sa poste ang atensyon ko.

"Anong drama niya?"

Bakit naka cloak siya at kulay itim pa man din? May cosplay kaya siya? Or halloween? Pero, malayo pa 'yon e'. Hindi rin siya gumagalaw aa kinatatayuan niya. Wala naman siguro siyang gagawing masama, 'no?

Pumasok na ako sa loob ng bahay pero laking gulat ko ng makita si Bryan. Talagang hindi niya ata ako titigilan.

"Ikaw na naman?!" halos mapasigaw ako ng makita siya.

"Hoy! Herxhiene gabi ka nanaman ng uwi! Tsaka sinong kausap mo dyan?" tanong ni tita Gina.

"Tita, siya po." tinuro ko ang pwesto ni Bryan pero kinunot lang ni tita ang noo niya.

Ang ibig sabihin ba no'n ay...

"Pambihira kang bata ka! Nababaliw ka na ba at pati halaman kinakausap mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Tita.

Nanlaki naman ang mata ko. Paanong hindi niya nakikita si Bryan? Naka invisible ba siya? Pero nakikita ko siya... Nasisiraan na nga ako ng bait!

"Tita hindi halaman yung kinakausap ko. Siya yung kaklase ko." hindi ko inaalis ang pagkakaturo kay Bryan baka sakaling makita siya ni tita.

"Manahimik ka! Kung hindi ka tatahimik tatawag ako sa mental. Kung ano anong naiisip mo. Kumain ka na dun at linisin mo yung kwarto ni Sam!" pasigaw na utos niya muli.

"Opo."

Wala na kong nagawa kundi ang sumunod kay Tita. Kahit anong paliwanag ko ay hindi niya ako paniniwalaan. Maski sarili ko ay ayaw ko ng paniwalaan. Ano ba kasing nangyari sa akin? Pumayag nalang kaya ako sa alok ni tita na tatawag siya sa mental? Baka may masagot ng mga psychiatrist sa nangyayari sa akin. Baka alam nila ang mga dapat gawin.

Hayst. Yumuko ako pero kahit na nakayuko ako nakikita ko parin si Bryan na nakangisi. Ano bang balak niya hanggang sa loob ng bahay ay sinundan niya ako? Huwag lang talaga siyang magkamali na gumawa ng kalokohan.

Kumain muna ako bago ko nilinis yung kwarto ni Sam na as usual masyadong marumi pa rin. Binilinan ko ulit siya na itapon sa trashcan ang mga basura niya bago ako lumabas.

Pumunta ako sa kwarto ko. Hindi na ako nagulat ng makita si Bryan na nakaupo sa study table ko. Alam kong pepestehin niya ako hangga't hindi siya nasa satisfied.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero ngumiti lang siya sakin.

Kanina pa siya ganyan. Simula ng makasabay ko sila nung break time hindi na niya ako tinantanan. Feeling close na.

"Sabi na nga ba hindi ka ordinaryong tao. Hindi ba isa kang imortal?"

Lumapit siya sakin kaya humakbang ako paatras. Bigla akong dinapuan ng kaba. Anong gusto niyang gawin? Ang creepy niya na, hindi na nakakatuwa.

"H-huwag kang lalapit..."

"Hahah! Easy, okay? Bakit ka nandito sa mortal world may misyon ka ba?" tanong niya ulit.

Royals Of Veirsaleiska Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon