CHAPTER 26

9.5K 251 3
                                        

Third Person

Lahat ay abala sa pakikipaglaban. Ang mga Visarians ay pursigidong matalo ang mga Dark Shadows. Nais nilang ipaghiganti ang pagkawala ng iba sa kanilang mahal sa buhay. Samantalang ang iba ay nais protektahan ang kanilang minamahal.
Habang nagaganap ang digmaan sa labas ng palasyo. Pinasok nila Ezekiel at Dylan ang dungeon kung saan nakakulong ang mga Visarians na nahuli ng mga kalaban. Marami silang nakasalubong na Dark Shadows pero agad naman nila itong natalo.

'Hindi ko inaasahan na mahihina lang ang makakaharap natin dito.' sabi ni Dylan sa isip.

'Huwag kang magpa kampante.' sagot ni Ezekiel sa kanya.

Dumiretso sila sa isang madilim na kulungan kung saan naroon ang reyna at ang mama ni Miyukii.

"Tita..." halos paos na sabi ni Ezekiel ng makita ang mama ni Miyukii.

Magkamukha ito kaya lalong lumungkot ang mukha nito.

"Nasaan ang anak ko? Ezekiel, nasaan si Miyukii?" napayuko lamang si Ezekiel at umiling.

"W-wala na po siya." pinipigilan ng binata ang mapa iyak.

Nasa gitna kami ng digmaan. Walang oras para sa amin ang pag iyak. Alam kong ayaw rin ni Miyukii na maging mahina ako sa oras ng labanan.

Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na huwag unahin ang emosyon.

Ang ginang ay tahimik lang. Hindi tinatanggap ng kanyang isip ang narinig na balita. Agad itong niyakap ng reyna.

"Mas mabuti pang lumabas na tayo rito. Upang makita mo siya." sumang ayon siya sa sinabi ng reyna.

Nagcast si Miyurii ng spell upang mabilis na makalabas sa palasyo ng mga Dark Shadows.

Napadpad sila kung nasaan saan nawalan ng buhay si Miyukii. Nakaupo pa rin doon si Herxhiene na patuloy sa pag iyak.

"Miyukii... anak." mahinang bigkas ni Miyurii.

Nakatingin siya sa dugo na nakakalat sa sahig. Lumapit doon si Miyurii kahit wala na ang katawan ng kanyang anak. Bahagyang lumayo si Herxhiene upang hayaan ang ina ni Miyukii.

"Prinsesa ko." napalingon si Herxhiene sa kanyang Ina. Agad niya itong hinagkan.

"Mama..." umiiyak na sabi niya.
"S-sorry p-po... hinayaan kong p-pangunahan ako ng emosyon. A-ako po ang dahilan kung bakit nawala si Miyukii." tuloy tuloy na sabi niya kahit nababasag ang kanyang boses.

"Ako ang dapat humingi ng tawad anak..."

Napuno ng iyakan ang paligid. Naglalaho na ang katawan ng mga napaslang na Visarians kasama ang pinaka mahalagang bagay na mayroon sila.

"Ang iyong ama? Nasaan siya?" tanong ng reyna.

Napailing lang si Herxhiene bilang sagot. Hindi niya sigurado kung nasaan ang kanyang ama sa mga oras na ito.

Sa kabilang banda.

Patuloy na naglalaban ang ibang Dark Shadows at White immortals.Pursigido na ubusin ang bawat panig. Lalo na't malaki ang poot na nararamdaman nila.

Royals Of Veirsaleiska Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon