Chapter two
~*~
Herxhiene
"Princess Herxhiene gumising na po kayo."
Naalimpungatan ako ng may malumanay na boses na nanggigising sakin. Dahan dahan minulat ko yung mga mata ko.
Agh! Nakakasilaw! Teka... Nasaan ako?
Tumingin ako sa paligid hindi ko kwarto ito.
Bakit ako napadpad dito?
"Princess Herxhiene kailangan niyo na pong magsanay."
"Ha? S-sino ka? At bakit mo 'ko tinatawag na princess tsaka anong sanay sanay?" litong tanong ko.
"I'm Miyukii Ayelle Frost, your future keeper." sabi niya at bahagyang yumuko.
Keeper? Ano bang pinagsasabi niya?
"Teka! Ano bang ginagawa ko dito?" tanong ko ulit.
Tumayo naman siya at hinila ako palabas ng silid. Dinala niya ako sa isang open field. Sa palabas ko lang nakikita ang ganitong kalawak na field. May maliliit na damo at fresh ang hangin. Pero hindi dapat ako nandito!
"Teka! Miyukii, umuulan! " sabi ko at hinihila siya pabalik. Nababasa na ang damit niya pero ang sa akin ay hindi. Panaginip nga lang talaga ito.
"Princess Herxhiene, hindi po umuulan. Meron lamang pong nagsasanay na water elemental holder." paliwanag niya.
Pero ano daw? Water elemental holder?
"Nasaan ba ako?! Bakit ako nandito?" ulit ko ng tanong dahil hindi pa nasasagot.
"Princess Herxhiene nandito ka sa Veirsaleiska. Dinala kita dito upang makapagsanay ka kahit papaano. Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero maiintindihan mo rin pag dating ng panahon. Sa ngayon kailangan mong kontrolin ang pag gamit ng fôrtià mo."
"Fôrtià? Ano 'yon?"
"Iyon ang natural energy na tinataglay nating mga imortal. Iyon din ang dahilan kung bakit tayo may kapangyarihan."
"Imortal? Ibig sabihin ay hindi ako mamatay? At may kapangyarihan ako? Paano..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Panaginip nga lang pala ito.
Nanahimik nalang ako at nakinig sa kanya. Mukhang magandang panaginip naman ito. Hindi naman siguro ako binabangungot. Ang ganda naman ng kasama ko, e.
"Sa pagkontrol ng fôrtià mahal na prinsesa dapat ay kalmado ang kalooban at pag iisip mo. Kailangan hindi kayo kinakabahan at importante rin pong huwag kayong magpapadala sa emosyon mo upang hindi magwala sa katawan mo ang mga natural energies mo. Magfocus ka lagi mahal na prinsesa."
Tumango nalang ako sa kanya hindi ko alam kung bakit ako interesado sa mga sinasabi niya. May parte sa akin na naniniwala sa kanya. Siguro ay resulta 'to ng pagkahilig ko sa mga supernatural fiction novel at manga.
"Telekinesis ang tawag sa pagpapalutang ng bagay gamit lang ang isip o pagkumpas ng kamay. Isa itong basic skills na taglay ng bawat isa. Ngunit, may iba pa rin na hindi ito kayang gawin dahil hindi sapat ang fôrtià nila. Pero nasisiguro ko na kaya niyo itong gawin kaya subukan niyo po, mahal na prinsesa."
BINABASA MO ANG
Royals Of Veirsaleiska
FantasyVEIRSALEISKA KINGDOM SERIES #1 In 160 old era, a conflagration begun in the centrè of Veirsaleiska Kingdom. Royalties was in feud because of the enormous hatred, envious and obsessiveness that they have in their hearts. The archenemy showed no mercy...
