Fourth Beat: The Past

2.1K 25 0
                                    

Fourth beat: [The past]

Archeius’ pov

“Di mo ba talaga matandaan?” Nagtaka naman ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ng wala sa oras…

“Ano ibig mong sabihin??” At dun ko lang napansin, naluluha siya…

“Arc, masakit na dito oh!” sabay turo niya sa may puso niya…

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya dahil di ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya…

“Sa tuwing naaalala ko na di mo na nga pala ako natatandaan... Masakit Arc! At sa tuwing lagi mong sinasabi na di mo nga alam ang ibig sabihin ng 548, nasasaktan ako… Sobra akong nasasaktan…*sobs*”

“Hindi kita maintindihan…” sabi ko sa kanya, dahil totoo naman…

Napangiti naman siya ng mapakla…

“Diba may amnesia ka?” tanong niya habang naka-tingin ng diretso sa mga mata ko…

“Oo, pano mo nalaman yun?” tanong ko na may halong gulat…

“Girlfriend mo ‘ko Arc…*sobs* Ang saya-saya natin noon…*sobs* Pero biglang poof! Sumingit si ex mo at pinakidnap ako… Ayun dahil sa mahal mo nga ako, syempre… Gagawa ka talaga ng paraan para mailigtas ako…At dun ka napahamak… Binugbog ka ng mga kasamahan ng Kuya niya sa frat, pinagpapalo ka sa ulo… Masakit sa tuwing nakikita kitang hinahampas ng bakal at kahoy, sinusuntok… Halos mapunit ang puso ko… Sa bawat araw na nakikita kitang naka-ratay sa hospital bed… Halos di na ako makakain, dahil ikaw lang ang nasa isip ko…” Tumigil siya saglit at niyakap ako ng mahigpit…

Di ko alam, pero… Unti-unting nagfa-flashback ang mga panahong yun… Nasasaktan ako sa bawat ala-alang naaalala ko…

Pakiramdam ko napakasama kong boyfriend…

Dahil wala akong magawa ng mga panahong yun…

Di ko napapansin tumutulo na rin pala ang luha ko…

548 HEARTBEATS: A Math Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon