Fifth Beat: The 548

3.1K 28 2
                                    

Fifth Beat: [The 548]

Archeius’ pov

 

*flashback*

 

“Arc naman! Ano ba kasi talaga meaning ng 548 na yan?! Nakakabaliw na siya!” pangungulit sakin ni Axis…

 

“Gusto mo talaga malaman??”

 

“Oo!! Sige na kasi! Sabihin mo na!!” Sabi niya pa habang hinihila ang sleeve ng t-shirt ko…

 

“Sige, tuturuan muna kita ng Math. Yung limits as x approaches to a value.” Sabi ko sa kanya ng naka-ngiti ng malapad… Alam ko kasing ayaw niyang sinasali pa yung Math pag ganitong nangungulit siya…

 

“Wala!! Madaya kaa!! Sabihin mo na kasi!!” Pangungulit niya ulit…

 

“Bahala ka, yun lang ang way para malaman mo ang meaning ng 548…”

 

“Ang sama mo talaga…hmpf! Fine!” pag-payag niya kahit halatang napilitan lang siya…

 

Kumuha naman ako ng papel at lapis at nilapag yun sa mesa…

 

“Ganito kasi yan. Tandaan mo lang na tingnan mo yung equation. Tapos kung ang denominator naman ay hindi zero, pag pinalitan mo yung ‘X’ dun sa value, okay lang dahil as is na yun. Pero pag zero, tingnan mo kung may kailangan kang iconjugate or ifactor.” Pag-explain ko sa kanya habang nagsusulat… Nakikinig naman siya ng maayos…

“Okay, eto example. Limit of ‘X’ squared plus two ‘X’ plus one all over ‘X’ plus one as ‘X’ approaches to negative one.” Pag-tuloy ko sa pagtuturo sa kanya…

“Okay…” sabi niya habang nakatitig talaga sa papel…

“Pag nilapat mo yung negative one dun sa ‘X’ denominator magiging zero kaya magiging undefined.”

 

Tiningnan ko naman siya, at tumango-tango lang siya habang naka-tingin parin dun sa papel…

 

Nagpatuloy naman ako sa pagturo sa kanya…

 

“’Tong numerator, pwede mo siyang gawing ‘X’ plus one times ‘X’ plus one tapos ca-cancel mo lang yan. So ang matitira ay ‘X’ plus one. Lapat mo na. Tapos ang magiging limit ay zero na lang…”

 

“Ohh, okay…”

“Gets mo na?” tanong ko sa kanya…

 

“Oo,” sabi niya habang tumatango…

 

“Okay good. Eto, kung ‘X’ approaches to infinity tapos ang equation ay ganito…” tapos nagsulat ako, at sinadya kong gawing eight yung infinity…

 

“Oh? Akala ko ba infinity? Bakit eight sinulat mo?” tanong niya na may halong pagtataka…

 

“So, na gets mo na?” tanong ko…

 

“Ha? Anong na gets?” mas lalo namang kumunot yung noo niya…

 

“Hay nako! Ang slow!”

 

“HA?!”

 

“Ganito nga, ‘X’ approaches to infinity tapos ganito nga!” sabay sulat ko ulit nung symbol ng infinity as eight…

 

“’Di naman ganyan yung symbol ng infinity! Eight yan eh!” sabi niya sabay kamot sa ulo…

 

Kinuha niya naman yung lapis sa kamay ko at sinulat yung itchura ng infinity symbol…

 

“Yan!! Yan ang infinity!!” Natatawa naman akong naka-tingin sa kanya…

“Hay nako, ang slow talaga ng mahal ko…” Natatawa kong sabi… sabay ginulo yung buhok niya

 

“Eh ano ba kasi?! Di na kita maintindihan!” Halata naman sa itchura niya dahil gulong-gulo na talaga siya…

 

Napa-iling na lang ako na may halong tawa…

 

“O sige, ganito… Pano kung ang love over Axis and Arc approaches to positive infinity?”

“UGH! Di na talaga kita maintindihan! Bahala ka na nga jan!” Sabi niya at akmang magwo-walkout na sana… Pero hinawakan ko kamay niya…

 

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at sinabi yung tatlong numerong nagpapabaliw sa kanya…

 

“548”

“Isa pa yan!! Nakaka-bobo na!” Halata naman sa mukha niya na naiinis na siya…

 

Yumuko naman ako…

 

“Kanina ko pa nga ine-explain eh… Yung eight, infinity yun… Wag mong bibilangin kung ilang letters meron ang infinity, dahil mawawalan ng essence ang ibig sabihin ng infinity… Oh ano? Gets mo na ba?” Paliwanag ko sa mababa na tono… Ayoko kasing naiinis siya sakin…

 

“Eh yung 54??” Para namang humupa na yung inis niya…

 

“Mahal Kita…” sabi ko…

 

Dumaan ang ilang Segundo niyakap niya naman ako…

 

*end of flashback*

548 HEARTBEATS: A Math Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon