"When a guy gets jealous over you, that's a guarantee he likes you." -Namjoon
Annika's P.O.V."Ay weeeeeeh Seryoso ka talaga?" Lumaki ang mga mata ko sa sinabi nitong echoserang babaeng kaklase namen na si Uban.
Pinalo niya ng mahina ang hangin na malapit sa mukha ko,
At oo okay talaga ako. Okey na okey yung naiinis kong mukha sa kanya, kung hinawakan niya ang mukha ko baka mas lalong rarami ang uban niya sa buhok niya.
"Oo nga prend, sinabi nga ang balitang yun ni Jenny, saksi daw siya."
Si Jenny?
Tinaas ko ang kilay ko, "Jenny? Si Jenny MadlangPusitTutay ba?"
At tumango siya.
Yung ex ni Jungkook na yung ayaw na ayaw ni Bespren?
Pfft. Baka gawa gawa lang yun."Hindi daw gawa-gawaang storya. Tawagan nga nila babe eh." Anya pa niya, "diba gurls?" Tapos tumango ang mga aliping kuto niya.
Si Jungkook at Raven? Isang himala dapat ang mangyayari doon.
Sasalita sana ako nang maalala ko yung sinabi ni Raven kahapon, Liligawan daw siya ni Jungkook pero biro lang. Pero paano naging sila noong nakaraang linggo?
HAAAYS ANG GULO.
"Teka nga, diba bespren ka ni Raven? Baket hindi mo alam?" Tinaas ako ng kilay nung isa sa mga alipin ni Uban at tinarayan ako.
ABA, TITIRISIN KITANG MALAKING KUTO KA.
susugurin ko sana siya nang biglang mahagilap ko ang prinsipe ng buhay ko. <3
Ang bAb3 MapAgmUhUl ng Buhay ko.
Dahil andyan padaan dito ang hubby ko, inirapan ko na lang ang kutong ito at diretso patungo kay Jin.
"Hi Seokjin." Halos ipitin ko ang boses ko para maging cute yung tono nang pananalita.
At Salamat kay Lord, Lumingon siya sa akin at Ngumiti. NGITI NI JIN AY NAKAKASILAW <3333 "Hi.. Annika Yu, Tama ba?"
"Yes, and will be a Kim someday."
Kitang nalilito ang pagmumukha niya kaya napakamot siya sa sinabi ko, "Ha?"
Sabi ko Manhid ka, MANHID YU.
Ngumiting umiling ako. "Wala, sabi ko tama yung sinabi mo."
ngumiti siya at nilapit ang mukha niya sa akin at OKAY NA OKAY TALAGA AKO. JUICECOLORED I NEED AIR , OXYGEN WER NA U?!?!
"M-may kulangot ka sa mukha." Tapos lumayo sa mukha ko at nilagpasan ako.
Tinanggal ko agad yung kulangot at namula ang aking mga pisngi sa nangyari.GOSH PWEDE NIYO NA AKONG ILUNOD O KAYA ILAGAY SA SINAPUPUNAN NG NANAY KO.KAHIYAAAAAA
✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿
Raven's P.O.V
Naglalakad lakad sa hallway , umaasang makita ko ang magaling kong kaibigan dahil langya siya, nakalimutan niya akong ilibre ng pagkain.
Asan na ba kasing bruhang yon?! Gutom na ako!
Habang hinahanap siya, nahagilap ko si Jimin na naglalakad.Nagbabasakaling alam niya, "HOY JEMEN NAKITA MO BA SI ANNIKA?! SAGOT KA O SASAPATUSIN KITA."
Napahinto siya ng marinig niya ang sigaw ko, "O, Raven. Hinahanap kita kanina pa." at naglakad papalapit sa akin.
"AT BAKET?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.Ano nanaman kaya kailangan nito lalakeng toh? "WAG MONG SASABIHIN IRA-RAPE MO KO?! TATAWAG AKONG DSWD."
BINABASA MO ANG
Her Quotes
Teen Fiction"Kalimutan, ang salitang madaling bitawan pero mahirap panindigan." basa ni Jungkook sa isang pink na notebook na naglalaman ng mga quota. Pinagpatuloy niya pa rin ang pagbabasa nang-- "Hoy Ilong! bakit nasa iyo yan?! Akin yang notebook na yan!" Yan...