Ankomst

914 49 29
                                    


"Hello Manang"

"Eho, mabuti naman at sinagot mo na."

"Bakit Manang? Pasyensya na po. Na silent ko po ang phone ko."

"Kanina pa kami tawag ng tawag sayo."

"Ano po ba ang nangyari Manang?"

"Yung asawa mo eho, nandito sa hospital."

"ANO!? Kumusta na sya? Anong nangyari sakanya? Okay naba sya?"

"Okay na sya. Nahimatay kanina sa school ni Kate. Ang Doctor nalang ang magsasabi sayo."

"Sige Manang, pakikiusapan ko nalang ang mga ka meeting ko na makauwi na ako ngayon. Gagawin ko po lahat makauwi ako."

"Sige, eho. Ako na ang magbabantay sakanya. Kailangan pa natin pasalamatan yung taong nagdala sakanya dito."

"Sige Manang. I'll be there in 3 hours."

Bumalik naman si Manang sa loob.

"Pauwi na si Sir Vince." Sabi nito sa lahat ng nasa loob ng room

Sa kabilang banda naman. Pinakiusapan naman ni Vince ang kanyang mga ka meeting na  sa online nalang sila mag uusap, naipaliwanag naman ni Vince ng mabuti ang nangyari at naintindihan naman nila ito. Nandun naman ang si Rince ang VP nito para mag presenta para sakanya. Nagpa book kaagad naman sya flight pauwi. Di naman ito mapakali. Kung anong nangyari kay Tricia. At bigla lang itong nahimatay.

Sa Hospital

"Manang, gusto nyo po ba kumain? Bibili lang po ako." Tanong ni Ian kay Manang

"Sige, eho. Coffee at bread lang akin. Ikaw na ang bahalang pumuli sa mga bata."

"Sige, Manang babalik po ako agad."

"Sige, nga pala. Maraming maraming salamat."

"Walang anuman po."

At lumabas na ito palabas. Medyo natagalan si Ian pagbalik kasi biglang tumawag si Michelle. At sinabi nya ang lahat ng nangyari kay Tricia. Pupunta daw ito para bumisita. Nasa loob na sila ng room. Pagkalipas ng dalawang oras dumating na si Michelle galing sa breakfast meeting nito.

"Hon, anong nangyari kay Tricia?"

"Nag collapse kanina sa school ng mga bata."

"Okay lang ba sya?"

"Oo, normal lang yun. Kasi nag dadalang tao sya."

"Kaya pa. Nagkakilala kami noong isang araw sa grocery. She look pale that time."

"Nagkakilala na kayo?"

"Oo, pero mabilis lang. Mag hahangout kami pag may time na. Medyo busy pa ang schedule namin dalawa."

"Ahhh.. Nga pala si Manang sya yung katiwala nila sa bahay. Manang asawa ko po si Michelle." Pakilala ni Ian sakanila

"Hello Eha, ako nga pala si Manang Rose. Katiwala nila sa bahay. Saakin narin lumaki si Kate."

"Hi po Manang. I'm Michelle Veneracion, Mommy po ni Diego. Ikinagagalak ko po kayong makilala" at nakipag shake hands

"Ako rin Eha."

"Manang, ano po yung ibig nyong sabihin na sayo na lumaki si Kate?" Tanong ni Ian sa matanda

"Ako po kasi ang kinalakihan ni Kate. Muna ng bata pa sya. Noong isang taon pa po nagising si Ma'am. Na comatose po sya, noong pauwi sila ni Sir galing honeymoon. Dahil sa accidente." Paliwanag ng matanda sakanya

"Na accidente po sila?"

"Opo Sir, si Sir Vince po ang nagmamaniho galing sila sa Batanes. Mabuti nga po at di nawala sakanila si Kate. Noong time na yun. Buntis po sya ng mangyari ang accidente."

"Ganun ba Mana---"

Di na natapos ni Ian ang kanyang sasabihin ng bumukas ang pinto.

"Hon, Trish!!"

++++++
Sorry for the short update, wrong spelling/typos and grammar. ✌🏻️😁

Hiiii 😁 Okay lang ba ang gaganap bilang Michelle Veneracion ay si Ms. Agot Isidro? Kasi para saakin perfect fit sya sa character. Comment nalang kayo kung ayaw nyo. O, di kaya. Suggest nalang kayo. Thank you for reading 😁

Using Norwegian  for titles. ✌🏻️
#Bisaya #Tagalog #English #Norwegian #Danish

#cornsoup 🍵

What Was ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon