Bangtan Academy [9]

190 9 0
                                    

PLEASE PLAY THE PIANO COVER "BUTTERFLY" ON THE MULTIMEDIA. THANKS

A/N:

Hello gais. I'm finally back. Nung una im not planning to continue this story kasi parang panget na and lalo na antagal kong di nag-update and decide na sana na i-delete ko e dahil medyo na-edit ko na 'to bago ata mag-new year tas ayun itutuloy ko na hanggang sa matapos HAHA Senysa na medyo pabebe lol. So sana naiintindihan niyo pa sana 'tong story. Medyo bitin 'to haha Enjooy :-)


*****


"Sila mommy pati daddy." Yumuko naman ako ng marinig kong wala sila.


Nakita kong nakangiti si yaya kaya tinulak ko siya at akala ko na niloloko niya lang ako.


"Yaya naman, hindi uso saakin ang april fools noh!" Sabi ko naman at ngumiti saka tinulak siya pero tumulo lang lalo yung mga luha niya.


Yaya naman, hindi pwede 'to, wag mokong niloloko.


"Wala na sila kyungmi, patay na sila." Napaluhod nalang ako at umiyak ng umiyak.


Humagulgol ako habang umiiyak at hinahawakan ang mga kamay ko.


"Kyungmi tumayo ka diyan." Sabi ni yaya pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.


Hindi ko na kaya 'tong mga nangyayari saakin, hindi ko na kaya.


Dapat pala ako nalang yung nawala. Pinabayaan nalang sana ako nila jungkook.


Diba uuwi pa sila mommy pati daddy, diba mamamasyal pa kami, diba papakilala ko sakanila mga kaibigan ko, diba sasabihin ko pa sakanila ano yung mga achievements na nakuha ko, dibaㅡ


"Tahan na, alam kong masakit pero kailangan nating labanan 'to. Magpahinga ka na, hindi 'yan makakabuti sa'yo baka mabigla ka may tama ka pa naman sa tiyan mo. Sino bang gumawa sa'yo niyan ha?" Sabi naman ni yaya habang hinahaplos yung likod ko.


Kailangan kong magpakalakas pero sa nangyayari 'to? Kaya ko pa kaya magpakalakas. Mga magulang ko nawala, ako eto nabaril, tapos hindi namin alam ni yaya saan na kami kukuha ng makakain namin, ano na ang pagbabayad namin sa lahat ng bayarin.


"Yaya, paano na tayo? Paano nawala sila mama at papa, bakit hindi nila sinabi saakin na uuwi pala sila. Bakit yaya? bakit!?" Napasigaw ako sa harapan ni yaya at pinagsusuntok ang sahig.


May pag-asa pa bang mawala 'to. May pag-asa pa bang mawala ang mga problema kong ito? Alam ko may pag-asa pa pero parang hindi ko na talaga kaya.


"Don't lose hope because remember i'm jhope!"  Natandaan ko naman yung sinabi ni hoseok saakin nung tinatakbo nila ako papunta hospital kahit wala nakong malay ay naririnig ko parin sila.


Kakayanin lee kyungmi, kaya natin 'to.


Bangtan Academy {BTS Fanfic}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon