Chapter One

137 41 82
                                    

"Koro! Koroooooo!" Tawag ko sa aking munting alaga. Inikot ko na ang buong kabahayan ngunit wala pa ring Koro ang lumalabas.

'Asan na ba ang pusang 'yun?! Si Koro ay ang alaga kong itim na pusa. Kahit itim at madalas na sabihan ng malas ng mga kapit-bahay namin si Koro ay mahal ko 'yun!

Porke itim malas?

"Koro! Asa'n ka ba?" Tawag ko ulit.

"Oy Calvin, tumigil ka nga d'yan sa kako-koro mo! Babalik naman 'yun. Kaingay-ingay eh." Suway ni Ate Karen sa akin.

"Hindi mo naman kasi pusa ang nawala eh!" Pagkontra ko naman.

"Eh, wala naman talaga akong pusa no. Saka ano ka ba, bata na umiiyak dahil lang sa pusa? Disi-sais kana Calvin. Binata ka na!" Mahabang litanya ni Ate. Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin saka lumabas ng bahay.

Palibhasa kasi ayaw sa kanya ng mga hayop lalo na ng mga pusa! Lagi kasi s'yang ina-angilan ng mga pusa kapag nakikita s'ya.

Naglakad ako sa mga kalapit-bahay baka sakaling mahanap ko si Koro. Asa'n ka na ba kasi Koro?! May maliit na bell na nakatali sa leeg 'yun kaya mabilis ko lang s'yang maki-kilala.

Koro magpakita kana. Hindi na kita aawayin, please.

Nalibot ko na ang buong subdivision namin ngunit 'di ko pa din makita si koro. Baka nakuha na s'ya ng mga batang naglalaro ah.

Hindi! Koro! Koro!

Meow~

Mabilis kong nilingon ang aking likuran.

"Koro?" Bulong ko habang nakatingin sa pinanggalingan ng tunog. Hindi ko na narinig muli ang meow pero may narinig akong pagkalansing ng bell. Sinundan ko kung saan nangga-galing ang tunog ng bell na 'yun hanggang sa mapunta ako sa playground ng subdivission namin.

Doon ay may nakita akong dalaga na nakaupo sa malaking bato. Tila pinapakain nito ang itim na pusa na nasa harapan n'ya.

Itim na pusa... teka... si Koro 'yun ah! Mabilis akong tumakbo sa pwesto nila at kinuha si Koro saka ito niyakap.

"Koroooooo! Na-miss kita! Ba't ka ba umalis ng bahay? Nag-alala ako sa 'yo." Masaya kong saad kahit alam kong hindi naman makaka-sagot si koro.

"Hindi mo kasi ako pinapakain." Saad ng isang tinig. Napatingin ako kay Koro.

"Koro, ikaw ba'yun?" Nagtataka kong saad.

"Oo," Sagot nito ulit. Nagtaka ako dahil hindi naman bumubuka ang bibig ni Koro at sino namang maniniwalang kayang magsalita ng pusa?! Na-alala ko na may kasama nga pala akong iba dito sa playground.

Nilingon ko 'yung babae. Sa tingin ko ay nasa edad bente na ito. Ka-edad na pala ni Ate Karen. Pero, ngayon ko lang s'ya nakita dito. Siguro bagong lipat sila.

"Si Ate naman niloloko ako. Hehe." Bahagya pa akong tumawa.

"Uto-uto ka kasi. Pusa mo ba 'yang si Chico?" Tinuro n'ya si Koro na buhat-buhat ko.

Teka, sinabi ba niyang uto-uto ako? "Chico? Koro pangalan n'ya." Pagta-tama ko.

"Koro? Ang pangit naman. Mas bagay ang Chico." Lumapit s'ya sa akin at kinuha si Koro.

"Mas pangit nga ang Chico eh! Saka akin na nga si Koro!" kinuha ko ulit si Koro mula sa babaeng nagmamagaling."Hindi naman sa'yo ang pusa ko kung maka-Chico ka."

"Umalis s'ya sa inyo meaning ayaw na n'ya sayo." Walang pakundangan niyang sabi. Ni hindi manlang kumurap.

Bakit ba ang kulit ng babaeng 'to?! Saka bakit ba'ko nakikipag talo? Hindi ko nga alam pangalan n'ya eh tapos aawayin niya ako?

"Mawalang galang na Ate. Kahit anong sabihin mo d'yan. Akin si Koro. Okay? Akin s'ya." Niyakap ko ng mahigpit si Koro para hindi niya makuha kung sakali mang magtangka siya.

Sandali kaming nag-titigan ni Ate. Maya-maya ay lumapit s'ya sa akin. Napa-atras tukoy ako. Pinagmasdan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Anong trip nito?

"Ilang taon ka na totoy?" Bigla n'yang tanong sa akin.

Totoy?! Gusto ko Sana siyang batukan kaso babae eh. Saka mas matanda sa akin. "Si-sixteen! Bakit?" Sagot ko na lang. Nakita kong pagngisi n'ya. Medyo lumayo na siya sa akin ng kaunti.

"Akala ko kasi twelve ka pa lang. Sige na totoy. Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng Nanay mo." Saad nito tsaka tumalikod sa akin at naglakad palayo.

Twelve?! Aba't tignan mo 'yung manang na 'yun. Muka ba 'kong twelve?!

"O-oy! Sandali! HOy!" Tawag ko sa kanya. Hindi na n'ya ako nilingon at dumiretso na sa paglalakad.

Pinagmasdan ko na lang ang likod nito. Natatangay ang itim at mahaba nitong buhok ng hangin. Napansin ko rin na parang nahihirapan s'ya sa paglalakad. Hindi kasi pantay ang mga binti niya. Tila nasasaktan siya sa tuwing humahakbang.

Pinagmslasdan ko siya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

Pinagmasdan ko si Koro. Iba na ang bell na nakalagay sa leeg n'ya. Kulay pulay na ito at hindi asul.

Yung manang na 'yun! Pinalitan n'ya 'yung bell ni Koro at kinuha ang asul. Pero nakapagtataka na nandito s'ya sa playground gayong mukang may iniinda siyang sakit. Muka s'yang malungkot kanina n'ung una ko s'yang nakita. May problema kaya si Ate? Pinalayas? Lumayas? Naliligaw?

Ay ewan! Ba't ko ba iniisip ang masungit na ale na 'yun?!

Napatingala ako. Pinagmasdan ko ang unti-unting paglagas ng mga dahon sa puno.

Pero sana... nalaman ko manlang 'yung pangalan n'ya.

********


LoveTechnician

Heal My Heart #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon