#4
Dumaan ang mga araw na wala pa ding kaibigan si melody. Binabansagan na nga s'yang "queen of ice" dahil sa kalamigan ng boses. Hindi manlang mangiti. Kahit 'yung slight lang e ayaw. Minsan nga hindi ko napapansin na nasa room na pala s'ya. Kung hindi kasi s'ya nakaduk-dok, madalas ay nakayuko at hawak ang cellphone.
Hindi na din naman s'ya pinapansin ng mga ka-klase namin. Parang nakasanayan na na gan'un talaga s'ya. Kapag uwian ay nauuna s'yang umalis. Kapag naman sa umaga ay una din s'ya. Para talaga s'yang may sariling mundo.
Nasa bleachers ako ngayon. Pinanonood kong magpractice ng basketball si ashley. Member kasi s'ya ng women's basketball team sa school namin. Si raf naman ay sa men's basketball. Ako? Syempre wala. Hehe. Mas angat naman ako pagdating sa academics. Hindi man ako biniyayaan ng pang sports na katawan, mero'n naman akong utak na maaasahan. Haha.
Break namin ngayon sa p.e kaya ako nakakanood kay ashley. Exempted na sila sa p.e ni raf dahil kasali naman sila sa sports club. Ako lang tuloy ang mag-isa.
Ay hindi. Si melody din pala mag-isa. Ah! Naalala ko. Hindi nga pala s'ya kasama sa p.e! Exempted din pala s'ya. Ang duga naman! May valid reason ba para hindi s'ya sumali? At anong valid reason naman 'yun?
Pinagmasdan ko si melody sa 'di kalayuan. Nakaupo s'ya habang may nginunguyang bubble gum. Nakatuon ang atensyon n'ya sa mga naglalaro. Kung pagmamasdan, parang ang bait naman n'ya. Parang hindi s'ya nagsusungit.
Kung makikita ko lang sana 'yung ngiti n'ya.
.
.
.
.
0_0Halos maging kwago na ako dahil sa paglaki ng mga mata ko. Nagulat ako kasi biglang. . . Biglang ngumiti si melody! Ay hindi lang pala ngiti ku'ndi tumawa pa!!!
Grabe. Nalaglag ata 'yung puso ko d'un. Ay joke. Pero hindi ko inaasahan 'yun ah.
Bigla kasing nadulas 'yung isang ka-laro nila ashley habang ipapasa 'yung bola. Ang nangyari tuloy e naiba 'yung direction ng bola at napunta d'un sa coach nila.
Hayy. . . Yun lang pala ang makaka-pagpatawa sa'yo ha. Try ko kayang gawin 'yun baka mapatawa ko s'ya.
Pupuntahan ko sana s'ya ng mapansin kong bigla n'yang hinawakan 'yung kaliwang dibdib n'ya. Para s'yang nasasaktan.
Anong nangyayari d'un? May kinuha s'ya sa bag n'ya saka tumayo at umalis. Sinundan ko na lang s'ya ng tingin. Hindi ko na naituloy ang paglapit ko sa kanya.
Bakit ba sa tuwing lalapit ako sa'yo, lumalayo ka?
[MELODY]
Nasa gitna ako ng pagtawa ng biglang sumakit ang aking dibdib.
Sh*t naman! Bakit ngayon pa? Dali-dali kong kinuha ang gamot ko sa bag at umalis sa bleachers. Dumiretso ako sa banyo para d'un inumin ang mga gamot ko. Ayokong may makakita sa pag-inom ko ng gamot. Ayokong may makaalam sa kalagayan ko.
Mabuti na lang at walang gaanong tao sa c.r. Kinuha ko 'yung mineral sa aking bag at uminom. Akala ko mawawala na ang sakit pero nand'un parin ito. Napahawak ako sa aking dibdib habang humihingal. Halos nakasalampak na ako sa tiles ng c.r dahil sa sakit.
"Ah.... h-huh...h-huf. . " pinilit kong maginhale-exhale. Gan'un parin.
Humawak ako sa sink at pinilit tumayo. Kinuha ko ang aking cellphone para sana i-dial si mama pero bigla itong nalaglag. Lumuhod ako para sana abutin ito pero hindi na kinaya ng mga tuhod ko at napasubsob ako sa sahig.
I need to call mom.
"Oh my god! Anong nangyari sa'yo?!" Nakarinig ako ng boses ng isang babae. Marahan kong dinilat ang aking mga mata para tignan ang babae.
Namukhaan ko s'ya. Kasama s'ya sa mga naglalaro ng basketball kanina. Sa pagkakatanda ko ay ka-klase ko s'ya. Itinayo n'ya ako ngunit ibinababa rin ng maramdamang hindi n'ya ako kakayanin.
"Ate wait lang ha. Tatawagin ko lang 'yung kaibigan ko. Sandali lang ha. Sandali lang." Natataranta s'yang tumakbo palabas ng c.r.
Unti-unti naman ng nagdidilim ang aking paningin. Napangiti ako ng mapait. Bakit ba kasi ako tumawa kanina e. Kung hindi lang sana ako natuwa edi hindi sana ako nasasaktan ngayon.
Hindi sana ako nahihirapan.
Calvin
Natanaw ko sa 'di kalayuan si ashley na tumatakbo palapit sa akin. Hingal na hingal s'ya ng makalapit sa akin.
"Ba't ka tumatakbo" tanong ko sa kanya.
"N-n-huh-matay..."
"Huh? Sinong namatay?!"
"Siatemelodyhinimatay!" Mabilis n'yang sabi. Hindi ko tuloy naintindihan.
"Ano? Bagalan mo nga." Kinalma n'ya muna ang sarili bago ulit nagsalita.
"Si. Ate. Melody. Nahimatay." Mabagal n'yang saad. Tumango ako.
Ah, si melody----
Napatingin ako kay ashley.
"Ano?! Simelodynahimatay?" Sunod-sunod na tumangi si ashley.
"Nasaan na s'ya?"
"Nasa c.r. s'ya. Hindi ko s'ya kayang buhatin kaya tinawag kita. Tara na! Baka kung ano ng nangyari d'un" nag-aalalang saad ni ashley.
Tumakbo na kami papunta sa c.r kung saan nand'un si melody. Nang makarating kami ay nadatnan kong nakahiga na sa sahig si melody. Wala s'yang malay.
Agad ko s'yang binuhat habang si ashley naman ay dinala ang mga gamit ni melody. Lumabas kami ng c.r at nagmamadaling nagpunta sa clinic. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante saka magbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso lang sa pagtakbo. Pinagmasdan ko si melody.
Ano bang nangyari sa'yo?
END
BINABASA MO ANG
Heal My Heart #Watty's2016
Novela JuvenilAno ba ang gusto mong marating? Gustong maging? Gustong makuha? Ako kasi. . . Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko dito sa mundo. Wala akong pangarap. Hindi ko naman kasi alam kung matutupad ko pa ito. Previous title: My twisted love...