CHAPTER TWO

133 39 84
                                    


#2

Nana-nahimik lang ako ng dumating s'ya... wala akong ibang iniintindi kun'di ang pusa ko lang na si koro at ang pag-aaral ko. Pero nang dumating s'ya, ang tahimik kong buhay... gumulo.

****

"Calvin! Bilisan mo. Nandiyan na sila Raf saka si Ashley." Sigaw ni Mama mula sa sala. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nagpose ako na parang model saka nag-pogi sign.

Nang mapansin ko ang aking height ay bigla akong napasimangot. Kailan ba 'ko tatangkad? Hindi naman ako gan'un kaliit pero kung titignan kasi sa edad ko ay hindi angkop.

Kaya ako nasasabihan ng totoy at mukang twelve years old eh.

"Calvin! Bumaba ka na nga d'yan!" Sigaw ulit ni Mama.

"Eto na nga!" Balik kong sagot sa masungit kong Nanay."Bye Koro!" Kinuha ko na 'yung bag saka bumaba. Nakita ko si Ashley at Raf na nakaupo sa sofa. Ang aga naman kasing mga magsi-pasok ng mga 'to.

"Pasok na po kami." Paalam ni Ashley kay Mama. Tumango lang s'ya.

Lumabas na kami ng bahay saka naglakad papunta sa sakayan ng bus. Medyo malayo kasi 'yung school namin sa bahay kaya kailangang magbus. Mahal kasi kapag tricycle. Mainit naman kapag jeep kaya bus na lang.

Nakatayo lang kaming tatlo sa may waiting shed para mag-antay ng bus na darating. 4th year higschool na kaming tatlo. Next year ay graduation na kaya kailangang pagbutihin ang pag-aaral.

"Calvin, nakakatakot pa rin 'yung Mama mo. Lalo na kapag sumisigaw." Biglang saad ni Raf.

Haha! 'Di pa sila nasanay eh simula bata pa kami gan'un na 'yun. Kahit nga ako minsan natatakot sa kanya, eh.

"Hindi nga ako makatingin sa mata n'ya ng maayos eh. Sa susunod nga agahan mo na ang gising Calvin." Komento naman ni Ashley.

"Ahaha. Isusumbong ko kayo kay Mama!" Biro kong saad. Para naman silang namutla. Takot talaga sila kay Mama ha? Ayos palang pang blackmail si Mama e!

Napahinto ako ng may mahagip ang aking mga mata. Ang mahaba at itim nitong mga buhok. Ang walang buhay nitong mga mata. Hindi ako maaaring magkamali. S'ya 'yun!

Si... si Ateng nasa playground 'yun ah. Nakasakay s'ya sa itim na kotse. Du'n siya nakaupo sa may backseat. Madali ko siyang nakita kasi nakabukas 'yung bintana kung saan s'ya nakaupo. Parang nilalanghap n'ya 'yung hangin.

Nagulat ako ng bigla s'yang tumingin sa gawi ko. Hindi ko malaman kung ngi-ngiti ba ako o magku-kunwaring hindi s'ya nakita. Sa huli ay nag-titigan lang kami. Wala kaming ibang ginawa. Hindi nag-ngitian o nag-tanguan. Nagti-tigan lang kami. Hindi namin iniwas ang aming titig habang umaandar palayo ang sasakyan n'ya. Palayo sa aking mga mata hanggang sa tuluyan ko na itong hindi nakita. Para akong tanga na humakbang papunta sa direksyon ng sasakyan para lamang sundan ito ng tingin.

"Tabi!" Sigaw ni Raf at hinatak ako pabalik. Napabalik tuloy ako sa wisyo.

"Gago 'to. Bigla na lang tatawid e kung nasagasaan ka?" Galit at nagtataka na sermon nito. Ako naman ay muling tumingin du'n sa daan na dinaanan ng sasakyan nu'ng babae.

"Calvin... ano ba 'yung tinitignan mo?" Takang tanong ni Ashley saka sinundan ang tinitignan ko.

"Ah... wala. Tara na." Painosente kong sagot. Inakbayan ko na lang silang pareho saka umakyat na sa kadarating na bus.

Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ba parang interesadong-interesado ako d'un sa masungit na aleng 'yun? Kinalimutan ko na lang ang nangyari at nakita. Iwinaksi ko siya sa aking isipan.

Pero... I wonder... magkikita pa kaya kami? Gusto ko kasing malaman ang pangalan n'ya.

****

Pagdating namin sa room ay nagkaka-gulo na ang mga ka-klase ko. Parang may balitang pinag-uusapan. Kay aga-aga e tsismisan agad ang hanap.

Naupo na'ko sa pwesto ko at dumukdok. Inaantok pa talaga ako eh.

"Ang aga namang daldalan n'yan!" Napa-angat ang ulo ko ng marinig ang boses ni Ma'm Ces. S'ya ang Class Adviser namin at English Teacher.

Ang kaninang maingay na paligid ay naging tahimik. Medyo may pagka-terror kasi si Ma'am Ces. Kalahati ng klase namin ay takot sa kanya. Kasama ako. Nakikita ko kasi sa kanya si Mama. Palaban na hindi ka tatantanan.

"May sasabihin ako. May transfer student at dahil lahat ng room ay puno na maliban sa atin, dito s'ya papasok." Paunang sabi ni Ma'am.

"Ma'am! Babae po ba?" Biglang singit ni Kean. 'Yung self proclaimed bad boy ng classroom.

"Kean... hindi pa 'ko tapos magsalita. Baka gusto mo munang makinig?" Ngumiti si Ma'am kay Kean na parang binabalaan siya. Natahimik naman si Kean at nakinig. Medyo creepy 'yung ngiti ni Ma'm ha. Kahit hindi naman ako 'yung nginitian niya parang kinilabutan ako.

"Nag-stop s'ya ng ilang taon because of personal reaaon. 'Wag n'yo s'yang bu-bwisitin ha." In-isa-isa kami ng tingin ni Ma'am na parang binabalaan na 'wag gumawa ng masama. Grabe naman. Ang babait kaya namin.

Tumingin si Ma'am du'n sa may pinto na parang may pinapa-pasok. Lahat naman kami ay nakatuon ang tingin sa pinto para abangan kung babae o lalaki. Maya-maya ay may pumasok na estudyanteng suot ang uniform ng mga babae. Mahaba at itim na itim ang buhok n'ya. May nakalagay na kulay blue na headband sa tuktok buhok n'ya. Lahat kami ay tahimik lang hanggang sa makarating s'ya sa gitna.

"Yahooooo!" Sabay-sabay na sigawan ng mga ka-klase kong lalaki. Agad din naman silang pinatahimik ni Ma'am Ces.

Ako naman ay parang binarahan ng kung ano sa lalamunan. Hindi ako makapagsalita.

Talaga bang... pinagtatagpo kami ng tadhana?


********

Heal My Heart #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon