Kabanata 13

197 8 0
                                    

Flashback #3

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari. Mabuti na lamang ay hindi ko iyon masyadong dinamdam. Kinuha ko ang bag ko at naglakad papunta sa school. Tumingin ako sa gilid ko nang may bumusina.

"Sakay na," Eleazar said and smiled at me.

Pumasok ako sa shotgun seat. May kinuha si Eleazar mula sa likod at ibinigay iyon sa akin. Iyon ay isang malaking paper bag.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Buksan mo, regalo ko yan sa'yo."

"For what? Wala namang okasyon ah." Saad ko.

Sisimulan niya na sanang magmaneho ngunit napatingin siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon.

"Yvette, its the tenth day of September. Birthday mo." Saad niya habang umiiling- iling.

Ibinaba ko ang paperbag at tumingin sa kanya.

"I don't celebrate birthdays." I frankly said to him.

Natahimik naman siya at sinimulan nang magmaneho. Nang makarating sa parking lot ng school ang kotse niya ay hindi na muna kami bumaba. Hinihintay ko pa siyang bumaba.

"I don't celebrate birthdays but I really appreciate the effort." Saad ko at nginitian siya. Tumingin siya sa akin.

"Really?"

"Thank you," Saad ko.

Bumaba na kami sa kotse. Dinala ko naman ang regalo niya sa akin. Simpleng araw lamang iyon. Aral dito, aral doon, sulat dito, sulat doon. Nang matapos ang klase ay pumunta ako sa office ng isa kong professor dahil pinapatawag niya raw ako.

Kinausap niya ako tungkol sa mga grades ko. Nagtaka ako dahil maganda naman ang mga grades ko. Ganon rin naman dati ang mga grades ko pero 'ni kailanman ay hindi niya ako pinatawag. Tumayo siya mula sa swivel chair niya at umupo sa harapan ko.

Dahan- dahang lumapit ang kamay niya papunta sa hita ko. Habang papalapit iyon ay palayo ako nang palayo mula sa kanya.

"You'll enjoy it." Saad niya.

Umiling- iling ako. Nakapitan niya ang hita ko at hinipo niya iyon. Nasapak ko siya dahil doon. Nanginginig ang buong sistema ko. Kinakabahan ako, natatakot ako. Unti- unting tumulo ang luha ko.

Napalayo ang professor ko nang biglang lumipad sa mukha niya ang isang kamao. Habol- habol ko ang hininga ko habang umiiyak. Lumuhod sa harapan ko si Eleazar at kinapitan ang mukha ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Hinawi ko ang kamay niya. Kinuha ko ang paperbag na dala ko at tumakbo palabas. Tumakbo ako nang tumakbo habang umiiyak ako. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang papatak pa lamang mula sa mata ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero tatakbo ako. Tatakbo ako palayo. Tatakas ako. Napatigil ako sa pagtakbo nang manghina ang mga tuhod ko. Napaluhod ako at mas lalong humagulhol.

This was the biggest mistake I've ever done.

Hinabol ko ang hininga ko. Napahilamos ako sa mukha ko habang naaalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko mahawakan ang ibang parte ng katawan ko sa sobrang pandidiri sa sarili.

"Are you okay?"

Napatingala ako nang may tumanong sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawi ang buhok ko.

"I guess you're not," Saad ni Isaiah.

Dahil sa sobrang dala ng damdamin ay niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.

"Isaiah,"

Napatigil ako sa pagiyak at napahiwalay sa yakap nang marinig ang boses ni Eleazar. Napatayo ako at humarap sa kanya. Lumapit sa kanya si Isaiah at may binulong dito. Tumango naman si Eleazar.

"Let's go home." Saad sa akin ni Eleazar at kinapitan ang kamay ko. Napatingin ako kay Isaiah na lumalakad na palayo.

"Ayoko pang umuwi, Eleazar." Saad ko sa kanya at tiningnan siya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin. Tumalikod siya sa akin at sumandal sa kotse niya.

"Then, we'll go somewhere else." Saad niya habang hinihingal.

Kitang- kita ko sa mata niya na namumugto na ito. Hinawakan ko ang mukha niya.

"Hey, I'm trying to be okay. Don't worry." Pagkasabi ko noon ay tumulo na ang luha niya. Napasandal ulit siya sa kotse niya at sinuntok- suntok iyon. "Don't be like this, Eleazar, please."

Huminga siya ng malalim. Pinunasan niya ang mga luha niya at pumasok na sa kotse niya. Ako naman ay sumunod sa kanya. Habang nagmamaneho siya ay napatulala ako sa bintana.

Napapikit ako nang maalala ang nangyari kanina. Nagsimula na naman akong umiyak.

"Don't cry.
To be lonely is to be human." Pagbanggit ni Eleazar ng isang sikat na Korean Poem.

"To go on living is to endure loneliness.
Do not wait in vain for the phone call that never comes." Pagdugtong ko sa tula habang pinupunasan ang mga luha ko.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Binaba niya ang bintana ng kotse nang masilayan na namin ang dagat. Inilabas ko ang ulo ko at pumikit. Dinarama ko ang hangin mula sa labas ng kotse.

Itinigil niya ang kotse maya- maya. Lumabas kaming dalawa. Tumakbo ako papunta sa dagat at siya naman ay sumunod sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya. Napatulala ako sa kanya habang tumatakbo siya at nakangiti sa akin.

I feel safe when I'm with you, Eleazar. I really do.

Matapos iyon ay hinatid niya ako sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto ko at naligo. Habang naliligo ay napatingin ako sa kanang hita kong nakapitan ng professor ko. Hinilod ko iyon nang hinilod, namula pa iyon. Nang matapos maligo ay binuksan ko ang laptop ko at binuksan ang blog ko.

Sana'y sa paglipas ng buwan
Ikaw pa rin ang masasandalan
Ikaw pa rin ang magliligtas sa akin
Sana'y sagipin pa kahit lumipas pa ang ilang taon

Napatigil ako sa pagtype nang sumagi sa isip ko ang ibinigay sa akin ni Eleazar. Kinuha ko ang paperbag na iyon. May kahon pa iyon sa loob. Kinuha ko ang kahon at binuksan iyon.


Sasagipin Kita (LADS#2) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon