Pumasok ako sa café at nakita ang mga ngiti ng mga datihang empleyado. Lumapit sila sa akin ay bumati.
“Good morning din! Kamusta na kayo?” Saad ko sa kanila.
“Ay okay lang po, Ma'am. Ikaw po?”
“Okay lang din.”
Matapos ang batian at kamustahan ay nagsibalikan na rin sa kanya- kanyang trabaho at gawain ang lahat. Ako naman ay pumunta sa office ko. Bumuntong- hininga ako bago gawin ang mga ginagawa ko para sa café. Bumukas ang pinto at iniluwan nun si Daddy. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako.
“May pinapaggawa tayong hotel nearby. Baka gusto mong bumisita sabi ni Mommy mo, pumunta ka na lang daw dun.” Saad niya.
“Sige po, send niyo na lang po sa akin ang location.”
“Sige, goodluck dito sa café.” Pagbibiro niya at tumawa.
Nagpaalam kami sa isa't isa at umalis na rin siya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Maya- maya ay bumukas ulit ang pinto.
“Pupunta po ako—” Naputol ang sasabihin ko nang iangat ko ang tingin ko at nakitang si Papa iyon at hindi si Daddy Gregory. Ngumiti siya sa akin.
I think its time to reconcile and hear his realizations.
Umupo siya sa visitor's chair. Inilibot niya ang paningin sa opisina ko. Bumaling siya sa akin kalaunan at ako naman ay iniwas ang tingin sa kanya para hindi tumama ang tingin namin sa isa't isa.
“I'm here to tell you about something, Yvette.” Saad niya. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa pader na nasa bandang harapan niya. “Our family business is sinking. Nababaon na tayo sa utang, anak.”
Family... Anak... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ngayon dahil ginamit niya ang mga salitang iyon o magagalit dahil ginamit niya ang mga salitang iyon kasi may kailangan siya.
“Ano pong gagawin ko doon?” Malamig na saad ko.
“You just need to do something for our family.” Hindi ako sumagot at hinintay siyang magsalitang muli. “Break up with Eleazar.”
Napangisi ako nang marinig iyon. Ang galing kong magexpect.
“Kailangan magpakasal ni Desa kay Eleazar, yun lang yung bagay na kaya nating gawin para mabayaran yung utang ng pamilya natin.”
“Hmmm? Yun lang po ba?” Tanong ko.
“Oo, yun lang.”
“Magkano po ba yung utang niyo?”
“Anim na bilyong piso,”
“I see,” Saad ko at kinuha ang cellphone ko. “Six billion pesos lang?”
“Lang?”
“Oh bakit po? May problema po ba tayo dun?” Saad ko at tumawa. Idinial ko ang number ni Eleazar para magkunwari kaming dalawa. “Hello? Is this—”
Binanggit ko ang isang partikular na bangko.
“Hi, this is Eleazar and I'm not a bank. But I can give you money, just give me the digits.”
“Pwede bang magpaready ng cheke ngayong araw? Kukuhain ko bukas.”
“Magkano ba?”
“Six billion pesos,”
“Yun lang? Ayaw mong dagdagan?”
“Thank you.” Saad ko at ipinatay ang tawag.
“Saan ka naman makakakuha ng ganon kalaking pera?” Saad ni Papa at ngumisi.
“Ganon po ba kababa ang tingin niyo sa akin?” Tanong ko at ngumisi rin.
“Hindi naman, nakakapagtaka lang.”
“Kanino po ba kayo nagkautang?” Tanong ko.
“Sa ama ni Eleazar.” Sagot niya. “Natalo ako sa sugal.”
“Ano pong mangyayari kapag nabayaran ko ang utang na yun sa tatay ni Eleazar?”
“Magiging masaya kami.”
“Kami? Kayo nila Desa? Paano naman ako? Hindi rin ba ako makakaramdam ng saya sa buhay kahit papaano?” Tanong ko at pinipigilan ang mga luha na pumatak.
“Syempre, magiging masaya ka rin kasi makakahanap ka rin ng iba.”
Gusto kong magmura. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Pero hindi pwede. Hindi maaari.
Bumuntong- hininga ako at umiwas ng tingin. Tumayo siya.
“Kahit naman bayaran mo ang tatay ni Eleazar, magpupursigi pa rin kami na ikasal silang dalawa ni Desa.”
Lumabas na siya at talagang kinalampag pa ang pinto. Hinilamos ko ang mukha ko. Gusto kong umiyak pero walang tumutulong luha mula sa mga mata ko. Dahil doon ay sumisikip na ang dibdib ko. Kinuha ko ang telepono at tumawag sa kitchen.
“Give me water.” Utos ko at ibinaba na ang tawag.
Sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ang sintido. May kumatok sa pinto at bumukas iyon.
“Ma'am, ito na po yung— okay ka lang po?”
Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang isang empleyado. Tumango ako sa kanya at kinuha ang tubig. Ininom ko iyon at huminga ng malalim.
“Namumutla ka po, Ma'am.” Saad niya. “Okay ka lang po ba talaga?”
Tumango ako at pinaalis na siya. Nag- aalinlangan pa siyang umalis pero lumabas din. Pinalo ko ang lamesa ko at napahilamos ng mukha.
Hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari. Ano bang naggawa ko para gawin nila ito sa akin? Bakit ipinagkakait nila sa akin ang kasiyahan ng buhay? Bakit naman ganon? Bakit kailangang manira ng ibang tao para maging masaya sila.
Naramdaman ko na unti- unting umiikot ang paningin ko dahil sa sobrang pag- iisip ng mga bagay- bagay. Ito ang ayaw ko kapag may mga bagay na ganito eh. Nahihimatay na lang ako bigla sa sobrang pag- iisip o kapag may sobrang dinadamdam.
“Hey, are you okay?”
Iniangat ko ang tingin ko. Naroon si Eleazar sa harapan ko. Mas lalo kong naramdamab ang panghihina ng katawan ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Nilapitan ako ni Eleazar. Inikot niya ang upuan paharap sa kanya at lumuhod siya sa harapan ko. Kinapitan niya ang mukha ko.
Pipiliin ko na ba ngayon ang kasiyahan ko?
Unti- unting bumabagsak ang katawan ko at maya- maya'y lumabo na ang paningin ko. Naramdaman ko na para akong nakalutang sa hangin at dumilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Sasagipin Kita (LADS#2) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #2) Si Yvette Muñoz ay isang babae na maraming pagsubok ang hinarap sa buhay. Sa pagharap niya sa mga ito ay laging nasa tabi niya si Eleazar. Hindi akalain ni Yvette na darating ang araw na kailangan niyang tumayo at lumaba...