Natapos ang auction nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ni Eleazar gayong ako'y naman ay sulyap nang sulyap sa kanya. Lumabas na kami ni Isaiah sa venue.
“Tita Yvette!”
Napatingin ako sa batang sumigaw at si Diana iyon. Nakangiti ito sa akin at kumakaway. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya para lumebel ang tingin namin. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
“I miss you po!” Masiglang saad niya. Humiwalay na kami sa yakap.
“I miss you too.”
“Kung ganon po, why are you not visiting us?” Saad niya at ngumuso.
“Busy lang si Tita kaya ganon.”
“Tita, dun tayo oh!” Saad niya at tinuro ang restaurant sa katabi ng venue.
“Gutom ka na ba?” Tanong ko at tumango naman siya. Tumayo ako at bumaling kay Isaiah. “Magpapasundo na lang ako kay Tito Gregory. Mauna ka na.”
“Hindi, okay lang—”
“Sige na.”
“Sure ka?” Tanong niya.
“Oo, sige na.”
Nagpaalam si Isaiah sa amin at umalis na rin. Kinapitan ko ang kamay ni Diana at pumasok kami sa restaurant na iyon. Tinanong ko siya kung anong gusto niya at inorder iyon.
“How are you na po, Tita?”
“I'm fine, ikaw?”
“Okay lang din po ako. Tita, sino po yung kasama ni Tito Eleazar kanina sa auction?” Batid kong si Desa ang tinutukoy niya.
“Ay! Hindi ko alam kung sino yun.” Pagsisinugaling ko.
Dumating na ang pagkain niya at kumain naman siya. Minsan pa nga ay sinusubuan pa niya ako ng waffles na kinakain niya. Kanina ay binalewala ko na magkasama si Desa at Eleazar ngunit ngayon ay nabagabag ulit ako nang nagtanong si Diana tungkol sa kanila. Pinanood ko lamang ang pagkain ni Diana at hindi maiwasang bumuntong- hininga.
Naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Desa at ng stepmother ko. Hindi ako sapat kaya ata'y iniwan ako ni Eleazar. Hindi ata ako naging sapat. Natapos nang kumain si Diana at nag- usap pa kami tungkol sa mga bagay- bagay.
“Diana, hinahanap ka na ni Mommy mo.”
Napatingin ako sa pamilyar na boses na iyon. Si Eleazar iyon at nasa likod niya si Ate Luna.
“Halika na, anak. Uuwi na tayo.” Saad ni Ate Luna. Bumaling siya sa akin. “Sorry sa abala ha?”
“Okay lang po, Ate. Wala pong problema.”
“Asan na pala si Isaiah?”
“Pinauwi ko na po, magpapasundo na lang po ako.”
“Eh kung ihatid ka na lang kaya ni Eleazar?” Saad ni Ate Luna.
“Ay huwag na po, baka makaabala pa po ako kay Eleazar. Magpapasundo na lang po ako.”
“Hindi 'no? Eleazar, ‘diba hindi naman istorbo sayo si Yvette?”
“Sige na, Ate. Umalis na kayo, kailangan mo pang patulugin ang mga bata. Anong oras na oh?” Inis na saad ni Eleazar. Tumayo ako at nagbabalak nang umalis.
“Mauna na kami.” Saad ni Ate Luna at umalis na sila ni Diana.
Ako naman ay naglakad na palabas. Binlisan ko ang lakad ko at nakalabas na ako ng venue. Magtataxi na lang siguro ako. Pumara ako ng taxi pero hindi iyon tumigil. Nakita ko si Eleazar na tumawid papunta sa kotse niya. Dire- diretso lang ito at hindi man lang tumingin sa akin. Napaurong ako nang biglang umulan ng malakas. Pinanood ko ang pagpatak ng mga butil ng ulan. Napatingin ako sa kotse ni Eleazar at napaawang ang bibig nang unti- unti na itong lumayo.
Ilang minuto akong nakatayo doon at nabalik sa reyalidad nang natapos ang ulan. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpasundo kay Tito Gregory. Nang dumating ang kotse ay sumakay ako doon at natulala na lang sa mga tanawin sa labas.
I can't believe that Eleazar could do that!
Nakakagalit, nakakapakulo ng dugo, nakakainis! Bumaba ako ng kotse at pumunta sa kwarto ko nang nakakunot ang noo. Sinindihan ko ang mga kandila sa banyo. Inilagay ko ang bathbomb sa bathtub at hinubad ang mga damit ko. Sinarado ko ang ilaw sa banyo at sumulong na sa bathtub. Hinilot ko ang sentido ko para kumalma ang sistema ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari!
Unang- una ay ang pagsama niya kay Desa. Pangalawa ay ang pag- agaw niya sa akin nung painting! Pangalawa ay ang pagbalewala niya sa akin. Sa totoo lang ay gusto kong maggalit pero hindi ko maggawa at yun ang nakakainis sa lahat. Bakit ba hindi ko maggawang magalit sa kanya? Ano bang meron sa kanya?
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinagpatuloy ang paghilot sa sentido ko. Ano na bang nangyayari kay Eleazar? Hindi naman siya ganito dati eh.
Nang matapos ako ay nagdamit na ako at natulog na rin kahit nababagabag ang buong isipan ko. Hindi ko talaga matanggap na ganito na ang nangyayari. Ano bang naggawa ko para maging ganito kami? Ano bang mali ko? Hindi ba ako naging sapat? Kasalanan ko ba? Bakit kailangang iwan at iwasan ako?
Ano siya? Ghost? Edi awuuu!
Kinaumagahan ay kinuha ko ang painting na portrait ko at inilagay iyon sa ibaba ng kama. Kinuha ko rin ang kahong may lamang mga letters ni Eleazar at kahong may payong na galing ulit kay Eleazar, at inilagay din iyon sa ibaba ng kama.
Mag- move on na tayo!
Tinawagan ko si Sabelle sa telegram.
“Asaan ka?” Tanong ko sa kanya.
“Girl! Nasa ibang bansa ako. Bakit?”
“Gusto ko sanang gumimik.”
“OMG! Totoo ba yan? Baka pinagloloko mo ako ha.”
“Totoo nga.” Saad ko at napasapo sa noo.
“Ay teh hindi kita masasamahan at nasa ibang bansa nga kasi ako. Ano ba kasing problema?” Tanong niya.
“Huwag na nga. Sige na, babye!” Suminghal naman siya at nagpaalam na rin.
Bumaba ako at pumunta sa harapan ng ref. Binuksan ko iyon at nakita ang ilang alak doon. Kumuha ako ng dalawa. Kumuha rin ako ng ilang chips at dinala iyon sa kwarto ko. Ginugol ko ang araw ko sa pag- inom at pagpanood ng isang palabas na by episodes. Habang nanonood ay nagring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot habang ang mata ay nasa TV.
“Hello?” Saad ko. “Sino po ito?”
“So you deleted my number? Huh?”
Nabitawan ko ang cellphone ko at napatingin doon. Nakita ko na si Eleazar pala ang tumawag at nakalagay iyon sa name ng contacts. Napasapo na lang ako sa noo.
BINABASA MO ANG
Sasagipin Kita (LADS#2) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #2) Si Yvette Muñoz ay isang babae na maraming pagsubok ang hinarap sa buhay. Sa pagharap niya sa mga ito ay laging nasa tabi niya si Eleazar. Hindi akalain ni Yvette na darating ang araw na kailangan niyang tumayo at lumaba...