Sinimulan na akong ayusan ng make- up artist na kinuha ni Mommy. Nang matapos iyon ay sinuot ko na ang damit na susuotin ko ngayong Auction. Champagne spaghetti strap top iyon at tsaka antique gold chiffon skirt na floor lenght. Nagsuot rin ako ng gold stilettos. Saktong paglabas ko sa CR ay naroon na si Isaiah.
“Let's go?” Saad niya.
Tumango naman ako at kinuha ang clutch bag ko. Bumaba kami at tuwang- tuwa naman si Mommy sa itsura ko. Napangiti ako sa reaksyon niya. Nang ngumiti ako ay tumulo ang luha niya.
“Bakit ka umiiyak, Mommy?” Tanong ko.
“Basta!” Singhal niya at tinalikuran kami.
Umiling- iling si Tito Gregory at sinundan si Mommy. Natawa na lang ako. Lumabas na kami ni Isaiah at pumunta na sa venue.
“Wow ha! Nagpagupit ka na ng buhok.” Saad ko.
“Ayaw ni Misis na mahaba ang buhok ko eh.” Saad niya at nagtawanan naman kaming dalawa.
“Under ka masyado ah.” Pagbibiro ko.
“Sinabi mo pa,”
“Bakit di mo pala sinama si 'misis' mo?” Tanong ko at diniinan ang salitang 'misis'.
“Ayaw niya sa mga ganito.” Saad niya habang umiiling- iling.
Nang makarating kami sa venue ay inalalayan ako ni Isaiah. Walang masyadong meda dahil private auction iyon. Pumasok na kami sa venue at naroon ang ilang mga pamilyar na mukha sa akin sa business industry. Ngunit isang lalaki ang nakapukaw ng pansin ko. Lumapit siya sa akin at binati ako,
“Good afternoon, Ms. Muñoz.” Saad niya at ngumiti.
“Good afternoon,” Pormal na saad ko sa kanya.
“Excuse me,” Sabi ni Isaiah.
Umupo na kami ni Isaiah sa may bandang gitna. Nagulat ako nang umupo ang bachelor sa kabilang gilid ko. Siya iyong bachelor na kinausap ako sa café dati!
“I'm Bradley Uri Caison.” Saad niya at inilahad ang kamay. “Ate Luna's cousin, father side to be exact.”
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi tinanggap ang kamay niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“I have a—”
“I'm sorry but I'm not interested, Mr. Caison.” Masungit na saad ko dahil nakakairita ang lalaking ito.
“Really, soon- to- be Mrs. Caison?” Paghamon niya sa akin.
“Tol, kapag sinabi ng babae na hindi siya interesado sa'yo, tama na.” Saad ni Isaiah. Suminghal ang bachelor at umalis na. “Napakakulit talaga ng batang yun!”
“Ilang taon na yun?”
“Bente- singko.” Sagot ni Isaiah.
Napailing na lamang ako dahil parang Ate na rin ako ng bachelor kapag edad ang paguusapan. Bente- nuwebe na ako samantalang siya naman ay bente- singko, apat na taon ang agwat namin. Pumukaw ulit ng tingin ko ay ang babaeng ang buhok ay hanggang sa pang- upo niya at nakasuot ngayon ng black gown na may slit sa kanang bahagi. Nangibabaw ito sa lahat dahil sa mga ngiti niya.
“Do you know Desa Muñoz?” Tanong ni Isaiah.
“Oo,”
“Ang ganda niya ‘no? Pero mas maganda ang misis ko.”
“Tsk,” Singhal ko.
“Kaano- ano mo pala yun?”
“Step- sister,”
“I see.”
Nang matapos ang maikling usapan namin ay nagsimula na ang event. Nagspeech muna si Ate Luna at nagsimula na ang auction. Napukaw ng lahat ng tao ang kakapasok palang na si Eleazar. Galing siya sa backstage. Nakasuot siya ng maroon na suit. Nakakapanibago siyang tingnan sa mahaba at kulot niyang buhok. Umupo siya sa lamesa na kung saan ay naroon sila Ate Desa, Papa at Mama.
Nawasak ang puso ko dahil doon. Samantalang ang utak ko naman ay gulong- gulo. Anong nangyayari? Napailing na lamang ako at itinuon ang pansin sa auction. Maraming paintings na ang nasold pero wala pa rin akong natitipuhan.
“The next two paintings are the most prestigious. The first one is called ‘Coziness’...” Patuloy na idinescribe iyon ng announcer ngunit binalewala ko iyon at tinitigan ang painting.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang painting. Ang babae doon ay nakapayong at ang lalaki naman ay basang- basa habang nakatalikod sa babae. Nagsitaasan ang balahibo ko nang makita pa na umuulan ang background ng subjects. Napaka- ironic! Coziness ang title pero mapanakit ang idea. Bigla kong naalala ang mga nangyari sa amin ni Eleazar at ang librong sinulat ko. Napatingin ako kay Eleazar. Nasa kanya ang unang copy ng librong yun!
Tumingin ako kay Ate Luna na siyang gumawa ng painting at nagpangalan nun. Nakatingin din siya sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin.
“Starting price is 5 million pesos, additional amount will be 5 million pesos only.” Saad ng announcer. May tumaas ng numeron nila. “10 Million pesos”
“15 million pesos”
“20 million pesos”
Itinaas ko ang numerong kapit ko, “25 Million Pesos”
Napatingin ako sa gawin nila Eleazar. Itinaas ni Desa ang numerong kapit habang nakatingin sa akin at nakangisi. Nananadya! Itinaas ko ulit ang numero ko.
“30 Million Pesos”
Itinaas naman ni bachelor ang numero niya. Nakikisawsaw!
“35 Million Pesos”
Itinaas ko ulit ang numero ko.
“40 Million Pesos,”
Itinaas ni Eleazar ang numero niya at sinaad niya, “Forty million...”
“... US dollars.”
Natigilan ako dahil sa binid niya. Ikinompute ko yun gamit ang utak ko. Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong mahigit dalawang bilyong piso ang binid niya!
“Wow,” Sabay na saad namin ni Isaiah. Napatingin kami sa isa't isa at nag- apir.
Natapos ang pag- bid sa painting na iyon at nabili iyon ni Eleazar. Tinapunan ko siya ng tingin pero hindi niya man lang maggawang tumingin sa gawi ko. Dahil doon ay tumingin na lamang akonsa harapan. Ang sunod na painting naman ay ang babae ay nagpeperform sa teatro at ang lalaki naman ay nanonood pero shadow lang niya ang kita.
“Magugustohan ‘to ni misis.” Rinig kong saad ni Isaiah.
Sumama si Isaiah sa mga nag- bid sa painting na iyon at napanalo naman niya iyon. Nabili niya ang painting sa halagang 50 million pesos.
“Saan mo naman kukunin yung perang yun?” Pang- aasar ko sa kanya.
“Sa bulsa ko syempre.” Saad niya.
“Edi sana bahay na lang ang ibinigay mo kay 'misis.'” Pang- aasar ko ulit.
“Nagpapagawa na ako.” Napaawang ang bibig ko at tumingin sa kanya. Kumindat siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Sasagipin Kita (LADS#2) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #2) Si Yvette Muñoz ay isang babae na maraming pagsubok ang hinarap sa buhay. Sa pagharap niya sa mga ito ay laging nasa tabi niya si Eleazar. Hindi akalain ni Yvette na darating ang araw na kailangan niyang tumayo at lumaba...