Kabanata 30

100 4 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang sarili na nasa kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita sa gilid ko si Eleazar. Natutulog siya sa upuan at nakakapit sa isa kong kamay.

Anong mangyayari kapag pinili ko na rin sa wakas ang kasiyahan at pagibig ko? Anong mangyayari kapag pinili na kita, Eleazar?

Umupo ako at pinisil ang kamay niya. Nagising naman siya. Napatingin siya sa akin at ngumiti kahit may pagalala sa mga mata niya.

"Paano kapag pinili kita, Eleazar?" Tanong ko sa kanya. Biglang napawi ang ngiti niya.

"Magiging masaya tayo, hindi ko alam yung ibang tao."

"Selfish ba ako kapag pinili kong maging masaya?" Ngumiti ako sa kanya kahit alam kong makikita sa mga mata ko ang sakit na nararamdaman.

"Hindi, hindi ka magiging selfish kasi ilang beses mo nang piniling maging malungkot para maging masaya ang iba."

"Magiging selfish ba ako kapag pinili kita? Kapag pinili ko ang sarili ko?"

"Hindi, anak."

Napatingin kaming dalawa ni Eleazar kay Mommy na nasa may pintuan. May dala itong tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa study table ko. Kinuha niya ang painting na nandoon. Napatingin ako ky Eleazar ngunit nakatingin siya kay Mommy.

"Kapag sumaya ka, matatapos na ang ulan." Saad niya. "Kapag pinili mo si Eleazar, hindi matatapos ang ulan pero kaya ka niyang sagipin mula sa ulan."

"Hindi ibig- sabihin na kapag pinili mo ang kasiyahan mo ay makasarili ka na. Gusto kong piliin mo ang kasiyahan mo kasi alam ko na ang kasiyahan na yun ay worth it piliin. Kasi yung kasiyahan na yun ay matagal nang naghintay sa'yo. Matagal nang sinasagip ka. Matagal nang nasa tabi mo. Matagal nang naniniwala sa'yo at... Matagal ka nang mahal. Piliin niyo ang mga sarili niyo ngayon."

Ibinaba niya ang painting at iniwan kami ni Eleazar. Napatingin ako kay Eleazar na nakatitig sa kawalan.

Eleazar waited for me. Eleazar saved me. Eleazar believed in me. Eleazar loves me for a long time.

"Eleazar?" Saad ko. Humarap siya sa akin. "Alam mo ba yung utang nila Daddy sa papa mo?"

"Oo," Napatikom ako ng bibig dahil doon. "My Dad is referring to you and not Desa. Gusto ni Daddy na tayo ang magpakasal."

"A-anong ibig mong sa- sabihin?"

"Alam ni Daddy ang lahat ng pinagdaanan natin. Natalo ang Papa mo kay Daddy at kailangan niyang magbayad. He seeked the opportunity. Sinabi ni Daddy na kailangang ikasal ako at ang anak ng Papa mo. We didn't expect na si Desa ang pipiliin ng Papa mo." Saad niya.

"Pwede bang bayaran ko na lang yung utang tapos sa akin ka na lang?"

Natigilan siya. Napatitig siya sa mga mata ko.

"Baby, I'm yours."

"Babayaran ko na lang yung utang ni Daddy-"

"Yvette, calm down. Kalma. Ako na ang kakausap sa kanila. Ako na ang aayos ng lahat."

"Eleazar, hindi mo kailangang gawin ang lahat ng 'to. I can do it on my own."

"Yes, you can do it alone but I want to help you."

Napayuko ako sa sinabi niya. Sa buong buhay ko ay pinipigilan ko siyang tulungan ako pero gagawin niya pa rin. Pinagtatabuyan ko na siya dati pero andito pa rin siya. Akala ko kung kailan kailangan ko siya ay doon siya nawawala pero hindi pala.

"Ako na ang bahala. Huwag mo nang masyadong isipin yun at magpahinga ka na lang. Kailangan mo yun." Saad niya at inayos ang unan ko. Nakatingin lamang ako sa kanya. Kinapitan ko ang mukha niya at natigilan siya.

"Ang swerte ko sa'yo, Eleazar. I'm really lucky to have you."

"Mas swerte ako kasi pinapasok mo ako sa buhay mo." Saad niya.

"Thank you for coming into my life."

"I am honored." Saad niya at ngumiti.

"Matulog ka na muna, kailangan mo yun. Huwag mo nang alalahanin ang mga bagay na yun, ako na ang bahala."

Hinalikan niya ako sa noo at ipinikit ko naman ang mga mata ko. Pagkamulat ko ng mata ay bumangon na ako. Pumunta ako sa CR para asikasuhin ang sarili ko. Napatingin ako sa salamin pagkatapos mag- asikaso.

"No matter what happens, you will be okay." Saad ko sa repleksyon ko. "You'll be happy again."

Lumabas ako sa CR at bumaba. Nakita kong walang tao doon. Umiling na lamang ako at binuksan ang ref. Kumuha ako ng makakain doon at kumain na. Nang matapos iyon ay bumalik ako sa kwarto ko. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang kahon ng mga letters ni Eleazar para sa akin. Napatingin ulit ako sa mga numbers na nandoon. Sinunod- sunod ko iyon according sa number na nakasulat. Napatakip ako ng dalawang kamay sa bibig dahil sa gulat nang makita ang pagkakasunod- sunod ng mga letrang nasa taas.

'Will you marry me?'

Napatingin ako sa date kung kailan niya iyon binigay sa akin. Noong first year college pa niya ito binigay sa akin! 11 years?! Paano siya naging sigurado agad- agad? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

"I'm talking to our fathers right now." Bungad niya.

"Ha- okay. Uhm- pupunta ka ba dito pagkatapos?"

"Oo, I need to take care of you."

"Okay, I also have to tell you about something later eh."

"Why so conyo?" Tanong niya.

"Why are you so inlove sa akin?"

"Aba! Pambihira! Foul!" Singhal niya. Napatawa na lamang ako. Nagpaalam kami sa isa't isa. "Ikaw na ang pumatay ng tawag."

"See you later." Saad ko.

"See you." Pagkasabi niya nun ay pinatay ko na ang tawag.

Kinuhaan ko ng litrato ang mga letters na ibinigay niya sa akin. Ibinalik ko iyon sa kahon. Napatingin ako sa kalendaryo at napagtantong bukas na pala ang kaarawan ni Eleazar.

Sasagipin Kita (LADS#2) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon