Prologue

495 9 0
                                    

Torin Angela Gomez is a typical type of girl. She lives her life to the fullest and grown up appreciating simple things in life. Siya na yata ang nagpatunay na hindi sapat ang yaman para maging masaya, para makamit ang mga pangarap na balang araw, magiging ISA siyang business tycoon na titingalain ng lahat.

Wala sa kalingkingan nito ang salitang "give up" dahil simula pa nung bata siya ay Never give up na ang laging lumalabas sa bibig niya kapag may mga pagsubok man itong hinaharap.

Di makakailang mahirap lang sila dahil simula pa noong five years old siya ay naiwan na siya sa puder ng kaniyang tiya-tiyahin na si aling Cora, di niya kadugo, kasama ang kaniyang bunsong kapatid na si Samantha.

Mahirap sila sa kadahilanang kaylangan niya pang magtrabaho sa mini-kalenderya ng kaniyang tiya-tiyahin para lang may makain silang magkapatid. Simula pa kasi nung bata siya at ng kaniyang kapatid ay pasanin na sila ng kaniyang tiyahin.

Masaya na siya sa buhay niyang iyon sapagkat kahit Hindi nila ito kadugo ay taos puso sila nitong tinanggap. Mabait naman ang tiya nito ngunit may pagka-istrikto.

Lumaki siya na Di kilala ang tunay na mga magulang. Tanging ang litratong binigay lamang ng kaniyang tiya ang tanging alaala ng kaniyang ina.

Ang tiya Cora niya ay matalik na kaibigan ng kaniyang ina noong high school. Dahil nga daw sa maagang nabuntis ang ina nito ay di raw siya natanggap ng ama niya kaya't tinakwil siya nito.

Dahil sa matalik na kaibigan nito si Cora ay sa kaniya inihabilin ang kaniyang dalawang anak. Hindi nito sinabi kung bakit siya mawawala ngunit nakapagpromiso naman ito na babalikan niya ito.

"Babalikan ko sila Cora. Susunduin ko sila sa tamang panahon"

------------------------------

Sa kasalukuyan, nagaaral si Torin sa isang pribadong institusyon. Ang Serano High University. Isang pribadong paaralan para sa high school at college students.

Bakit siya nakapasok sa ganitong prestihyosong unibersidad?

Dahil ISA siyang full scholar at varsity player. Full scholar siya sa unibersidad dahil valedictorian siya nung High School at varsity pa kaya pinagaagawan siya ng mga kalapit na unibersidad. Pinili niya ang unibersidad na 'to dahil walking distance lang ito sa bahay ng tiya niya. At ibig sabihin nun ay libre ang tuition fee nito't lahat lahat kaya't pinagbubutihan niya ang kaniyang pagaaral para Hindi mawala ang pinakaiingatan nitong scholarship . Ang prinoproblema nalang nito ay ang pangkain at pangprojects nito. Kadalasan ay sumaside-line pa ito sa paggawa ng mga assignment ng kaniyang mga kaklase para lang magkapera na siyang iipunin niya in case of emergency.

Magkano lang naman ba sa kanila iyon. Palibhasa ay lumaki silang may golden spoon sa bunganga. Mga mayayaman. Mga mayayaman na minsan ay hinangad din niya.

NASA first year high school ang kapatid nito na si Samantha. Isa ding full scholar sa isang pampublikong paaralan.

Minsan ay napapaisp din siya kung saan kaya nila ito namana? Sa ina kaya nila o sa Papa nila? Basta ang alam niya ay babalikan sila nito. Na magiging kumpleto din ang kanilang pamilya balang araw.

Kapag iniisip nito ang kaniyang mga magulang ay nagiging emosyonal ito. Lalo nat lumalaki na ang bunsong kapatid nito at pansin niyang nagiging pabigat na din sila sa pamilya ng kanilang tiyahin.

Buhay pa kaya sila?

Bakit kinailangan nila kaming iwan?

Babalikan pa ba nila kami?

Kung oo, bakit inabot ng ganito katagal?

Bakit sa dinami rami ng tao sa mundo, bakit ganitong destiny pa ang binigay ng panginoon sa akin?! Sa aming magkapatid?

Iyan lagi ang hinanakit sa puso niya kapag naaalala nito ang kanilang mga magulang.

"Sana Hindi nalang ako nabuhay!"

"Sana namatay nalang ako!!!!!!"

Pagkaisip na pagkaisip nito sa mga katagang yun ay ang kasabay ng biglaang malakas na paghangin ng paligid na para bang tinutukan ito ng isang napakalaking electric fan.

"Be careful what you wish for"

Yun ang mga katagang nagpaulitulit sa tenga nito, na para bang may isang boses na bumulong sa tenga nito.

Dahil roon ay bumalik ito sa realidad at katinuan.

[Chapter ends]


Si Torin/Two ay si Maris Racal po at si Juan Marco po ay si McCoy.

*see characters on multimedia sec :)

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon