Chapter IX: Stay

167 10 3
                                    

Juan

Halos mag-gagabi na nang makarating ako sa bahay. Sinalubungan naman ako ni Manang sexy ng payong. Ang katiwala namin sa bahay.

"Oh iho. Nabasa ka yata. Hala dali nat maligo ka baka magkasakit ka niyan."

Napaka-maalaga talaga ni Manang. Simula bata pa ako ay siya na ang nag-alaga sakin everytime umuuwi kami dito sa Pilipinas. Siya na yung tinuring kong pangalawang mommy.

"Sige po manang sexy. Thanks." biro ko dito. Nakasanayan ko na rin siyang tawaging manang sexy.

"Ikaw talagang bata ka. Hala sige na. Andyan na daddy mo."

Pagkasabi niya nun ay ang biglaang pag-arko ng mga kilay ko.

We're not in good condition with my dad. Mahabang kwento!

"Eh si mommy po manang?"

"Ganun parin iho. Nasa kwarto nila. Ayaw na naman niya magdinner."

"What!?? Na naman? Eh si daddy nasaan?"

"Nasa garden iho. Umiinom na naman."

Lagi nalang silang ganun. Sabagay simula pa nung nagkakamalay ako sa mundo alam ko ng may mali.

Ang alam ko lang ay kaylangan ako ni mommy kaya pinuntahan ko na siya.

"Sige po manang. Pakihanda nalang po yung pampaligo ko sa kwarto, pupuntahan ko lang si mommy."

"Sige iho."

Yun na lamang ang naging paguusap namin ni Manang at dumiretso na ako sa kwarto nila mommy.

And as usual, she's drinking to death again.

Bakit mom? Bakit mo to ginagawa sa sarili mo?

Everytime nakikita kong nagkakaganiyan ang mommy ko ay mas lalo kong kinamumuhian ang daddy ko.

Wala ba siyang paki alam samin? Sa asawa niya!? Lagi nalang ganito.

"Mom." Umpisa ko habang papasok ng kwarto.

"Oh baby. Andyan ka na pala.*huk*" sabi niya sabay hawi sa mga luha nito.

Ayoko ng nakikita ang mommy kong ganito. Naguguluhan na ako.

Diko alam kung saan ba ako magsisimula. Kung bakit bigla nalang nagkaganito ang buhay namin.

"You're drinking again. Mom, are you really okay?" Sabi ko sabay tabi sa kaniya at kinuha yung baso sanang iinumin na naman niya.

Pati ako ay nagiging emosyonal everytime na makita ko siyang umiiyak.

"Yeah. Yeah. Everything is fine baby." usal nito. "By the way, How's school baby? Are you doing fine?" Usal nito sabay haplos sa buhok ko.

Change topic na naman siya. Ganito nalang ba lagi mom? Alam kong may mali e. Sana mali ang kutob ko.

"A-are you getting to divorce mom?" Kahit sana ayaw kong itanong ay kaylangan. Para malaman ko na.

"No baby. Hindi." Umpisa nito.

Alam kong may mali mom. Nakikita ko sa mga mata mo.

"Then what's the problem mom?! Please sabihin niyo sakin kasi ako, sawang sawa na akong makita kang nagkakaganiyan!" halos pagsigaw kong sabi.

"I don't want to see you hurt because of him so please,mom! Sabihin niyo sakin."

Maya maya ay nagulat ako nang biglang pumasok sa kwarto si dad.

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon