Chapter V: Clinic

129 3 0
                                    

Torin

Martes, alas kwatro y media ng umaga. Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock na nakasabit sa ding ding ng kwarto.. Pagbangon ko ay ang kasabay ng pagtilaok ng mga manok ng kapit-bahay.

Ala una na ako nakatulog kagabi so ibig sabihin nun ay talong oras lang ang tulog ko. No choice at kaylangan Ko ng bumangon. Sa pagbangon ko ay ang kasabay ng pagdilat ng mga mata ni Sam.

"Anyare sa mukha mo ate?" Tanong nito na halatang kagigising lang. Dali dali akong humarap sa salamin at laking gulat ko ng makita ko ang mukha ko. Malaki ang eyebags at ang itim ng ilalim ng mga mata ko. Animoy nakadrugs ako sa hitsura ko.

Di rin nakaligtas ang mukha ko kay tiya at napuna rin niya ito. Pagkatapos tumulong ay naligo na ako.

Pagkalabas ko sa banyo ay ang pagbalandra ng kagigising na mukha ni Ella.

"What's with the face? Like a zombie. Err. Tabi ka nga diyan" maarteng sabi nito

Di ko nalang ito pinansin. Wala ako sa mood para sa mga kaartehan niya. Halatang lutang na lutang ako. Kasalanan lahat ito ng Juan na yun!

Pagkatapos Kong ihanda lahat ng kakaylanganin ay tinahak ko na ang kinaroroonan ng university. Alas sais kwarenta(6:40) palang ay naghintay na ako sa harap ng University para sure. Takot ko nalang sa Juan na yun. Wala PA gaanong mga estudyanteng pumapasok at halos kami palang ni manong guard ang present. Umupo muna ako sa mga bench na NASA harap ng University.

----

Kinalaunan ay napansin Kong may yumuyugyog sa paanan ko.

"Hey!" Sigaw ng pamilyar na boses

Diko ito pinansin. Sa ganitong oras ay gusto ko lamang magpahinga.

"Hoy! Gumising ka diyan! Yang laway mo."

Sa oras na yun ay napabalikwas ako. Aktong pupunasan ang laway ko pero ramdam ko namang walang natulo. After all, naidlip pala ako. At itong unggoy na to pa ang nakasaksi sa nakakahiyang pangyayaring yun.

Agad akong tumayo at inayos ang sarili. "A-ah eh. Napasarap ang tulog e. Hehe" Sa oras na yun ay nakatingin parin ito sa mukha ko. "Tara na!" Sigaw ko para maalis ang atensiyon niya rito.

"Hahahaha! You know what? You're funny."

"Tse! Kasalanan mo lahat ng to!"

"Why me?"

"Kung Hindi ka sana tumawa--" Ay mali!!! "I mean kung Hindi mo sana ako pinapunta ng ke-aga aga rito ay Hindi mangyayari yun!"

"I didn't say you come that early! Dummy." Ayan na naman ang pagsusungit nito.

"I didn't say, I didn't say. Paenglish English pa. Tss" bulong ko habang nauna ng maglakad sa kaniya.

"What'd you say?"

"Tss. Wala!"

"Hey! Stop! Can you at least wait for me!? Baka nakakalimutan mong slave kita?!" Napahinto ako pagkatapos niya itong sabihin. Pati ba naman Tagalog niya may accent pa rin? Kainis!

"Oh sorry PO ha? Sorry PO kung Di ko kayo hinintay? Sorry PO kung napakabilis kong maglakad! So ano PO ba gusto niyong gawin ko mahal na hari? Buhatin kayo? Neknek mo! Mas mabigat ka PA sakin e." Pagrereklamo ko.

"What'd you just say? You're talking to your master that way?! Dont foeget that you're just only my slave so you're not expected to raise your voice in front of me!! Understand!??" At this time, halatang namumuo na naman ang kasungitan sa pagmumukha nito.

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon