Chapter IV: One Month Slavery?

121 5 0
                                    

Torin

"Be my slave for one month"

What!!!??? One month Slavery!?? Eh ang hirap hirap na nga ng ginagawa ko bago pumasok dito tapos magiging katulong na naman ako? I was about to react but he caught me first.

"I'm not yet done." he continued

"Let me be close with Beatriz."

After hearing all of that, ewan ko kung Bakit bigla akong nakaramdam ng kirot.

"S-si Triz???" di makapaniwalang tanong ko. Why not? Maganda din naman talaga si maris. Fair skin, matangos ang ilong, pink ang labi at kung titignan mo talaga ay parang isang buhay na manika.

"I don't know but they said she's Beatriz. I ask someone earlier."

"Ah o-okay. Oo! Si Triz yun. Uhh. Di ko alam kung makakaya ko but I'll try my best."

"Don't just try. Do it rather."

Base sa mukha nito ay seryoso naman ito. Love at first sight? Tss! So Hindi pala ako yung tinitignan niya kanina. Hay nako naman! Yan tayo Torin e. Nag-assume ka na naman ng di oras. Darn! But I cannot deny the fact na bagay nga sila kung tutuusin. Kilala sa campus, may hitsura at higit sa lahat, pareho silang may kaya.

"So deal?" ma-awtoridad na tanong nito. As if may magagawa PA ako, sa boses palang niya ay parang sigurado na siyang papayag ako.

"Uhh. I just want some clarifications with that slavery thing. What'd you mean by that?"

"Tss. Slave lang di PA alam. Katulong malamang."

E putragis naman pala tong Juan na to e! Alam pala magtagalog tapos paengli-english pa. Hay nako naman!

"Hindi naman PO sa Hindi ko alam ang Tagalog ng slave, ang gusto ko lang malaman ay kung paano PO!" Sabi ko nang pinagdiinan ang salitang PO.

"Simple lang...." sabay upo sa arm chair ng isang upuan "Do whatever I want.. Or else..."

Bago PA nito tapusin ang whatever na gusto nitong sabihin ay inunahan ko na. Alam ko na kasi ang kasunod nun. "O-okay okay okay! Chill. Maliwanag po ang lahat. Gagawin ko ang lahat ng inuutos niyo,magpapakaslave ako sayo at tutulungan kita kay Triz.Happy?"

Kahit sana gusto Kong umayaw ay Hindi pupwede. Nakasalalay dito ang scholarship ko. Ang kaisaisang pagasa para makaahon kami sa hirap.

"So okay na ba tayo Jua-"

"Ay este mahal na hari? Kung okay na po ay kukunin ko na ang bag ko, uuwi na at gusto ko ng magpahinga!!!"

"Wait. Just one more thing!" Na naman!??? " Don't ever, never call me again Juan de la Cruz. Maliwanag!" halos umalingawngaw ang boses nito sa loob ng room.

Napatungo nalang ako sa sobrang gulat nung pagsigaw niya. Tumayo ito at nagsimula ng maglakad. Dali dali ko namang kinuha ang bag ko para makaalis na sa impyernong ito.

I was about to open the door but he started talking again and again. Kailan ba matatapos tong araw na to, diyos ko! Gusto ko ng umuwi at matapos na to!

"Hey. Catch!"

Sinalo ko naman yung kung anong binato nito. Pagkatingin ko ay isang pain reliever. Aanhin ko to?

"Itapal mo yan sa noo mo. That's effective." pagkasabi nito ay binuksan na niya ang exit door.

"And wait. See you at the gate 6:50 tomorrow. Don't be late or else." banta nito at umalis na ng walang paalam.

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon