Chapter III: Si Juan At ang Bakal na Krus

154 7 0
                                    

Torin

"I'm Juan Marco Serano from New York. Call me Marco! Nice to meet you." ma-awtoridad na sabi nito.

Pagkatapos nitong i-introduce ang sarili ay ang muling pagtili nila Claire. Hanggang ngayon ay nakatingin parin siya sa akin na para bang gusto akong saktan. Oh please! It's not just my fault any way. Kung tumitingin lang sana siya sa daan ay Hindi sana nangyari ang lahat ng to. Iniwas ko nalang yung tingin ko para Hindi magmukhang awkward.

And wait, Juan? Hahahaha! So after all Juan nga talaga ang pangalan niya. Like Juan de la Cruz with his metal sword! Hahaha

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan?" tanong ni Triz na may pagkalagkit ang boses.

Pagkarinig ko ng boses ni Triz ay ang pagbalik ulit ng katinuan ko.

"What? Nakakatawa lang yung pangalan niya. The great Juan de la Cruz! Hahaha"

Nagulat nalang ako nung marinig ko ulit ang boses niya. Yung boses na ayaw ko na ulit marinig sa tanang buhay ko. "What did you say?"

Then suddenly, narealize ko nalang na nakatingin na pala sila lahat sakin. Hay nako naman! Napalakas pa yata ang pagbigkas ko nung The great Juan de la Cruz. Darn!

"Now what torin? Think, think, think!" Sa isip isip ko, hanggang sa makaisip ako ng ideya.

"Ah. No, no, no. Hindi ikaw yun. I was talking to Triz and we were talking about the serye Juan de la Cruz. Diba Triz?" pagpapaliwanag ko. At tiningnan ko naman si Triz ng "um-oo ka nalang look" Letseng buhay to oo, napaenglish PA ako ng Hindi oras.

"Ah, yeah! Yeah! We were talking about that. Fan kasi kami ni Coco Martin. Hehe. Sorry for the disturbance." pagsakay naman sakin ni Triz sabay tingin sakin ng malokong tingin.

"Tss. Whatever."

Pagkasabi niya nun ay narinig ko PA si Claire na nagsalita.

"Papansin." bulong nito pero rinig na rinig ko naman. Sino kaya samin ang nagpapapansin, siya PA nga kanina ang tili ng tili. Hay nako naman!

"So Ms. Gomez, since ikaw na rin ang unang nagsalita at ikaw ang class president ng klase na 'to, please find time to make a tour with Mr. Serano" pambabasag ni sir Epy.

"What!??? No sir. Ayoko po. Si Claire nalang po. Mukhang gustong gusto niya rin naman yata makasama si Juan de la--"

"Oh I mean nitong si Marco po." pagtatama ko. Nagsitawanan naman ang ilan sa mga kaklase ko.

Ako ang magtotour sa kaniya? E baka ano pang gawin niyan sakin e! No way!

"No Ms. Gomez, it will be you and that's final. Mr. Serano, you may take a seat beside Mr. Deza(Jon)."

Sa tabi siya ni Jon umupo. Vacant seat kasi yun. Sa may right side third row sila at nasa left side third row naman kami ni Triz. So ibig sabihin nun ay kitang kita ko parin yung pagmumukha niya.

Teka, e Bakit ba affected na affected ako? Hindi no! Hay nako naman, nababaliw na yata ako!!!

Napaface palm nalang ako sa huling sinabi ni sir. Ano ba namang araw to! Una, nagkabukol ako. Pangalawa, naging kaklase ko pa si Juan de la cruz, pangatlo, ako pa ang magtu-tour? Kung sinswerte ka nga naman oo!

At nagpatuloy na ang lecture hanggang sa matapos ito na wala man lang ako natutunan ni isa.

"Ok. It's all for today. Ms. Gomez, make sure to erase the writings on the board. Ask someone to do it. Goodbye."

And here we go again. Eto ang hirap ng pagiging class president e. Even tho iuutos ko sa iba ang pag erase ng blackboard, di rin lang naman nila yun susundin. Like hello? Tinatanong pa ba yun, rich kid eh. Tsk!

"Two, Mauuna na'ko ha? Naghihintay kasi si Manong Kanor sa kotse, may family lunch kasi kami. Bye" paalam nito kasabay ng pag-wave ng kamay nito.

Tumango nalang ako. "Magiingat ka" pahabol kong sabi. Mayayaman nga naman.

Pagkalabas ng lahat ay dumiretso na ako sa board at nagsimulang magbura. Tiniyak ko munang wala na rito si Juan. Mahirap na.

While erasing the writings on the board, I felt someone entering the room then suddenly close the door with force. I was wrong. He's back there watching.

Nanginig yung tuhod ko nang bigla nalang may bumagsak na libro sa board na kung saan isang inch nalang ay tiyak na natamaan na yung ulo ko.

That made my whole system paralyzed. Di ako makagalaw sa sobrang pangamba sa kung anoman ang kaya niyang gawin sakin at sa pinakaiingat-ingatan Kong scholarship.

He is powerful. He's rich and most, he is related to the president. Ano ba naman ang magagawa ng isang mahirap na tulad ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay kaylangan Kong ingatan ang scholarship ko. Kahit lumuhod sa harap nito ay gagawin ko patawarin lang niya ako.

I was about to face him pero naramdaman Kong palapit na siya sa kinaroroonan ko. That made me feel the liquid running down my face. Oo, aaminin Kong matapang ako sa labas pero ang totoo, mahina ako. Ano ba namang use kung ipapakita Kong mahina ako? Kakamuhian lang nila ako at ipagtatabuyan, kaya kaylangan Kong ipakita na matapang ako. Never give up torin! Kaylangan Kong maging matapang.

Pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko at hinarap siya. Pagharap ko ay nakita ko ang isang mukha. Isang mukhang may bahid ng paghihiganti. Pinagmasdan Kong mabuti ang mukha nito. Di ko makakailang gwapo talaga ito pero mas lalo sanang gwapo kung Hindi nagdikit ang kaniyang mga kilay.

I found myself tracing his whole damn face.

From his undercut hair, black eyebrows, captivating eyes, pointed nose, down to his red sexy lips. He really is the type of guy that makes you fall in love with.

While tracing him, here's this horses again, running so fast as if there is a race inside my heart.

Unti unti ay nasilayan ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. Unti unting naghiwalay ang halos pagkakadikit ng kilay nito at napalitan ng pagtaas ng kilay nito.

"What are you staring at?!" Again, ma-awtoridad na naman na tanong nito.

At dahil dun ay bumalik na ako sa realidad. This time, tumigil na ang pag-iyak ko at medyo tumahan na ang pagkaka-kaba ko. Pinunasan ko ang iilan pang natirang butil ng luha sa mukha ko bago sumagot.

"A-ah. Wala, wala!" Yumuko ako bago ito sabihin. Para bang nahiya ako bigla.

"I was about to say so-sorry. Sorry kanina, Hindi ko naman alam na--"

"Stop."

Napatigil ako nung nagsalita ito. Seryoso na naman ito at diko mawari kung ano ang iniisip nito.

"Only one condition can make me accept your apology" diretsong sabi nito.

"Ano yun? Sabihin mo, kahit ano gagawin ko. Wag lang may kinalaman sa pera." agad ko namang sagot. Kahit ano ay gagawin ko mapatawad lang ako nito kahit Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto nito.

"Do me a favor."

"A-ano yun?"

Huminga ako bago ito nagsalita. Ewan ko kung ano yung consequence nito pero gagawin ko ang lahat lahat para sa ikakapanatag ng loob nito.








"Be my slave for one month"

[Chapter Ends]

*Juan Marco Serano at the multimedia sec

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon