Chapter VII: Stalker?!

126 7 1
                                    

Torin

"Twooooooo!!" Sigaw ni Triz

Halos mapa-slow motion lahat ng nasa paligid ko na pati pagbagsak ko ay naging slow motion sa paningin ko. Hanggang sa maramdaman Kong papatakbong sumunod sakin si Triz.

"Hey! What do you think you're doing? Bitaw!" singhal nito. Napabitaw naman ako ng di oras.

"A-ah! Hehe?? S-sorry." Utal utal ko pang saad sabay bitaw sa paa nito.

"Hey two! Are you alright?"
"Oh two! Okay ka lang?"

Sabay pang tanong ni Jon at Triz. Rinig ko namang napasinghal pa si Triz.

"A-ah oo. Okay lang ako. Hehe. Napatid lang." Sagot ko. Pinagpag naman ni Triz ang palda ko.

"Thanks" bulong ko sa kanya habang pinapagpag ang mga dumi na kumapit sa palda ko.

Maya maya ay napabaling ang atensiyon ko sa biglaang pagtalikod ni Juan at nauna ng naglakad Kay Jon.

"Sige two. Una na kami. Ingat ka next time ok? Bye!" sabi ni Jon at tumakbo para habulin si Juan.

"Wait lang Triz." Sabi ko at walang anu-ano ay agad ko silang hinabol bago pa man sila bumaba sa hagdan.

"Juan!!!" Sigaw ko at halos mapatingin lahat ng estudyanteng nasa hallway sa lakas ng pagsigaw ko.

"Hala. Di na siya nahiya sa fafa Marco natin."

"And what did she just call him, juan? Like duh! Papansin pala yang babaeng yan e."

"No wonder maraming nan-tritrip sa kaniya."

"Tama ka diyan Marie! Napaka-ilusyonada."

"Oo nga eh. Feeling niya siguro magugustuhan siya ni fafa Marco! Feelingera!"

Rinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga babaeng nasa hallway. Sanay na ako sa mga bulung-bulungan at wala akong paki dun. Basta ang importante ay makausap ko si Juan. Ay este marco. 

"Hays! Kaya ka napapahamak Two eh! Juan ka ng Juan! Ugh!" Sa isip isip ko.

Kita Kong napahinto naman sila Juan sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kanila.

Tumingin na muna ako Kay Jon at nakuha naman niya agad ito.

"A-ah maiwan ko muna kayo. Hehe. Hintayin nalang kita sa 2nd floor pare." Paalam nito

"No. You stay Jon. You don't need to go."

"Ehh?" Yun nalang ang nasabi ni Jon.

"Go. Talk. I'll give you 1 minute to talk."

One minute?!!! Eh putragis naman pala to e.

"A-ah ano." Di mapakaling umpisa ko.  "G-gusto ko lang sana magpasalamat sa a-ano. Sà pagtul-"

"Stop. Your one minute is over. Tara na Jon." Sabi nito sabay bumaba sa hagdan.

"A-ano ba!!" Sigaw ko ulit. Napahinto ulit ito pero maya maya ay nagpatuloy na naman ito sa pagbaba.

Sumunod naman ako at nang mahabol ko siya ay hinawakan ko ang kanang braso nito hudyat para mapahinto siya.

"What? Ano bang problema mo?!" Sigaw nito

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!!!" Sigaw ko din sa kanya

"Ha!! Wala naman yata akong naaalalang may ginawa ako sayo miss! And kindly pls remove your hand over mine!" Singhal nito. Napatanggal naman ako ng kamay bigla bigla.

Love Numbers [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon