All Around

11.1K 247 58
                                    

Since silang dalawa ang magkasama sa araw ng pasko, nagdesisyon si Glaiza na isama si Rhian sa bahay nila sa Baguio.

When they've reached the place, manghang-mangha si Rhian sa nakita dahil sobrang laki ng bahay ni Glaiza.

Yep. Dati pa silang magkaibigan pero never pa syang nasama ni Glaiza sa bahay nila dahil malayo nga from Manila. Ngayon lang.

After she parked her car, sinalubong sila ng security guard ng bahay nila at dalawang maid.

Maid 1: "Good morning po maam Glaiza"

Glaiza: "Good morning yaya. Uhm, manang pakitaas nalang po ng gamit namin ni Rhian sa kwarto. Thank you."

Maid 2: "Sige po maam."

Maid 1: "Maam sayang po hindi po kayo nakasama sa Canada kasama sila sir para mapuntahan ang mga ate nyo."

Glaiza: "Oo nga eh. Conflict kasi sa trabaho. Pero di bale babawi naman ako sa kanila. Tsaka masaya din naman ang pasko ko kasi kasama ko 'to kahit papano." sabay turo kay Rhian.

Si Rhian naman ay wala ang atensyon sa kanila dahil nililibot pa rin ng mga mata nya ang bahay ni Glaiza. Actually hindi lang pala bahay ang tawag, mansyon na sa sobrang laki.

Oo malaki din ang bahay nila Rhian pero hindi nya mapigilan ma'amaze sa ganda ng bahay nila Glaiza. Classic white and black.

From furnitures, chandeliers, bonfire place, etc.

Glaiza: "Uy! Psst Rhian! Halika dito. Papakilala kita."

Ngumiti naman si Rhian at lumapit sa kanila.

Glaiza: "Yaya, eto nga po pala si Rhian kaibigan ko."

Maid 1: "Ang ganda nya po maam Glaiza. Parang kayo. Hello po maam Rhian!"

Rhian: "Hi! Aren't you supposed to be with your families? Christmas ngayon ah."

Si Glaiza na ang sumagot, "Actually sinalubong lang nila tayo kasi alam nilang dadating tayo. Mamaya uuwi na sila sa kani-kanilang pamilya."

Rhian: "Meaning tayo lang dito?"

May halong pagka-naughty ang ngiti at tingin ni Rhian kay Glaiza.

Napailing nalang si Glaiza dahil alam nya ang iniisip nito. Nagpakuha nalang muna sya sa kasambahay nila ng maiinom.

Pagkaalis ng maid,

Glaiza: "Ikaw ha! Alam ko yang mga ganyang tingin mo ha."

Rhian: "What? Wala namang masama dun. Tinanong ko lang kung tayo lang dalawa yung andito mamaya. Ikaw kung ano-ano iniisip."

Glaiza: "Hay nako ito-tour nalang kita! Tara!" Hinawakan ni Glaiza ang kamay ni Rhian unconciously at hinolding hands.

Habang papunta sa may pool side ay nadaanan nila ang isang napakalaking white piano. Very elegant ang dating.

Pagkatapos ay napadaan naman sila sa room na parang gaming alley. Tipong mga indoor games. May billiards, darts, air hockey, bowling at table tennis. Glass ang dingding at pinto nito kaya kitang-kita na agad ang swimming pool sa labas.

Rhian can't help but to explore her eyes profoundly. "Wow ah. Halos lahat kumpleto. Ano pa bang meron sa inyo? Kulang nalang tawaging house of asia tong bahay nyo eh."

"Sira ka talaga. Haha parang yung bahay nila hindi malaki."

"That's not the point. Yung bahay nyo may security guard pa talaga mismo. Yung amin security guard para sa buong village na. Not to think baka may hidden cctv cameras pa kayo dito. Wait meron nga ba?"

50 Shades of RASTROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon