Lumingon si Rhian at malungkot na kumaway kay Bianca. From there, alam na ni Bianca na may pinagdadaan ito. Hindi naman kasi sya pupuntahan nito kung hindi mabigat ang kanyang kinakaharap na problema.
Ilang minuto ay pumasok na sila sa loob ng bahay ni Bianca.
Nagtaka si Rhian. Sa sobrang lawak at laki ng bahay ng kaibigan ay tila wala nang ibang nakatira. Tinignan nya ang mga picture frame at hinaplos ang lamesa habang papunta sila sa kitchen.
Rhian: "Nasaan na sila tito at tita?"
Pilit na ngumiti si Bianca ngunit malungkot ang mga mata nito.
Bianca: "Uhh.. They died on a plane crash Rhi. Way back when we were first year in college."
Laking gulat ni Rhian sa narinig at mabilis na niyakap ang kaibigan.
Rhian: "I'm so sorry." Nakapikit nitong banggit. Hindi nya alam na ganoon pala ang nangyari pagkat nawalan na sila ng komunikasyon matapos ang araw ng pagtatapat ni Bianca sa kanya.
Bianca tried to call her a million times pero hindi nya ito pinapansin.
Bianca: "It's okay. It's been 6 years. And I must admit pag minsan namimiss ko pa din sila."
Humiwalay sa pagkakayakap si Rhian.
Rhian: "How'd you manage to live alone? Who took care of your parents' company??"
Only child lang kasi si Bianca.
Naupo si Rhian sa dining table habang kumukuha naman ng beer si Bianca sa ref.
Bianca: "To tell you honestly hindi ko din alam kung pano ako nakasurvive."
Pinatong nya ang mga beer sa table at tinignan mabuti si Rhian sa mata.
Bianca: "That year was too painful for me. I lost you, I lost them. Hindi ko na alam kung pano pa mabuhay, kung ano pa yung rason bakit kailangan pa mabuhay. But then thanks to my relatives, they've manage na patapusin ako ng college. Yung company ng parents ko was slowly declining so they decided na ibenta nalang sa iba na kayang magsalba. Pero you know what? With that experience, I've learned a lot. Natutunan ko kung papaano tumayo sa sarili kong mga paa. I've manage to become an independent woman. Stronger, tougher. Buti nga kahit papano itong bahay yung natira eh. I don't know, this place is just too special for me to let go. I guess kapag nakasanayan at nakalakihan mo na, mahirap naman talagang bitawan diba?"
Nasasaktan si Rhian ngayon sa mga naririnig nya. Nagagalit sya sa sarili nya dahil wala man lang syang nagawa. Wala sya sa tabi ng bestfriend nya nung mga panahong kinailangan sya nito.
Rhian: "I am really really sorry Biancs. If only I could turn back the time, I would."
Bianca: "It's okay. Don't be. That's life. May umaalis, may dumadating. Tulad mo. What brings you here?"
Naguilty naman si Rhian sa tanong ng bestfriend nya. She believe na hindi ito ang tamang panahon para magbukas ng problema sa kaibigan nya. Masyado na itong maraming napagdaanan these past few years. And telling her problem to Bianca would not help. She just feels that it's not the right time to open up. Ang selfish naman nya kung uunahin nya ang sarili nya gayong madami palang pinagdaanan ang bestfriend nya.
Rhian: "Uhh.. Nothing. I just really missed you" napahawak ito sa batok at napatingin sa baba
Bianca: "Oh come on Rhi. Tayo pa ba ang maglolokohan? See what you did there? You're lying."
Rhian: "Wha.. What? What do.. you mean?"
Bianca: "We've known each other for years! Yung bawat galaw mo pa ba ang hindi ko mapapansin? Like how you look down or touch the back of your neck whenever you lie. How you bite your finger nails pag kinakabahan ka, how you roll your eyes pag sobrang naiinis ka na, how you smirk whenever you're being sarcastic. So tell me. What is it?"
Rhian: "I guess you do know me pretty well." Nakatitig sya sa boteng hawak nya ngayon at pinapaikot-ikot.
Tahimik lang din na nakatingin si Bianca kay Rhian na naghihintay mag open up sa kanya.
Rhian: "I don't know Biancs. It feels like I don't know myself anymore. Hindi ko na kilala yung dating ako o kung kilala ko nga ba talaga ang sarili ko."
Bianca: "Hey. What makes you say that?" She reach for Rhian's hand while looking straight at her bestfriend's eyes.
Nangungusap na tingin na pwede syang pagkatiwalaan nito. Na walang nagbago sa pagkakaibigan nila kahit na lumayo ito sa kanya.
Rhian: "Nothing.. it's just that.. I don't think it's the right time to talk about me. Knowing that you went through a lot. We should talk about you more."
Bianca: "Oh please! Seriously? That's all you're gonna say? Rhi, we've got lots of time catching up! Don't mind me. I can talk all day long. Pero this time, yung sayo muna yung pag usapan natin. You, driving all the way here then suddenly ayaw mo nang sabihin yung problema mo?"
Napatawa si Rhian. Bianca's still the tough girl she knew. Ever since, si Bianca na talaga yung taga sagip nya sa mga bagay-bagay. She's always the friend you can count on.
Rhian: "Ok! Ok!"
Huminga muna sya ng malalim bago ituloy ang sasabihin.
Rhian: "I've fallen for someone I never thought I'd fall for."
Napangiti naman si Bianca sa binanggit ng kaibigan.
Bianca: "Let me guess. It's her right?"
Tumingin ang dalawa sa cellphone ni Rhian na kanina pang nagva'vibrate.
Bianca: "And she's straight."
Buong pagtataka naman ang emosyon na makikita sa mukha ni Rhian ngayon.
Rhian: "How did you know??"
Bianca: "Eh kasi Rhian.. Hindi ko rin alam. I just... know. Siguro I can tell just by looking at your eyes. Bakit nga ba hindi mo sinasagot? Kanina pa sya tumatawag oh."
Rhian grabbed her phone and turned it off. Napabuntong hininga na naman sya.
Rhian: "Haaay. Hindi ko rin alam Biancs kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. I just feel na ikaw ang makakaintindi sa sitwasyon ko out of all people."
Bianca: "Rhi, kung mahal mo ipaglaban mo."
Rhian: "How I wish ganon lang kadali."
Bianca: "Kung iisipin mo, mukang komplikado nga. Pero kung titignan mo, simple lang naman."
Napakunot si Rhian sa sinabi ng kaibigan. Parang pareho lang naman yun ah. Ano bang pinagkaiba? Pero knowing Bianca, alam nyang malalim na tao ito. Kailangan mong pag isipan ang bawat kataga na binibitawan nya.
Bianca: "Kaya lang naman kasi nagiging mahirap dahil iniisip mo yung maaaring consequence once na sinabi mo sa kanya."
Unti-unti ay parang naiintindihan na nya ang pinapahiwatig nito.
Bianca: "Bakit di mo subukan wag i-overthink ang mga pwedeng mangyari? Don't jump unto conclusions. Wag mong pangunahan. Ang isipin mo yung sasabihin mo sa kanya. Kung gano mo sya kamahal."
Rhian: "What if hindi mutual yung nararamdaman namin para sa isa't-isa?? What if matulad kami sa kung anong nangyari satin? Yung biglang mawawala lahat out of the blue? What if hindi pa rin ako handa sa nararamdaman ko? Na baka puro emosyon yung pinapairal ko at hindi itong utak ko"
Bianca: "Then maybe your love for her is not bigger than all your hesitations. Maybe she deserves someone who's willing to fight for her eventhough she knows she's difficult to love. And maybe she's just waiting for you."
Kung kayo ang nasa sitwasyon na ito, kaya nyo nga bang isugal kung anong lahat ng meron kayo para sa taong mahal nyo? Kung hindi mo naman alam kung ikaw ay panalo o dehado?
Hanggang saan ka nga ba kayang dalhin ng pag-ibig?
__________________________
MERRY CHRISTMAS REBELS!! I'm so sorry nadelay ang update. Supposedly, I was gonna update this on Christmas day but unfortunately there are a lot of family gatherings so naudlot. But here you go! At least di ko pa din kayo nakalimutan. Nyaha! Hugs and kisses from me! Woohoo! Sino jan ang may gusto ng New Year update??
BINABASA MO ANG
50 Shades of RASTRO
FanfictionThey use each other for sex; for pleasure, satisfaction, a companion for one another. But for love? They are not sure.