Part 4: Roll Call

25 3 0
                                        

Now Playing:
Who Am I to Stand in your Way

"Remember when we first met? Nagalit ka sakin noon dahil nabangga kita dahilan para ma-spill yung hot choco mo sa Shirt mo. Tanda mo pa Leandro?"

Biglang Natawa si Leo sa sinabing yun ni Vivian. "Foundation day at 4:00pm. pabalik na sana ako sa Dorm non pero dahil nga binangga mo ako, ayun, pinagtinginan pa tayo ng mga tao since you made a scene."

"Wow."-di makapaniwalang kumento ni Vivian. "I made A scene? Ang natatandaan ko kasi ikaw yung inis na inis noon?"

Napailing nalang ako habang nakikinig sa mga pinagkekwentuhan nila. Ilang minuto  na. Ay mali, Mag-iisang oras na pala akong nagsasawa sa mga past moments nila na kanina pa nilang pinag-uusapan na para bang silang dalawa lang ang tao dito.

"7:30 pm na pala? Ang bilis ng oras."-pansin ni Vivian nung napatingin ito sa relo nya. "Kaya naman pala unti-unti ng lumalamig."- she added.

"Nilalamig ka?"-Leo asked her as he removed his Leather jacket and gave it to Vivian to cover her skin.

"Thanks babe."-she said to him. "I really don't know what to do without you."

Naninibago ako. Naninibago ako kasi lahat ng mga ginagawa ni Leo noon para sakin ay sa ibang babae nya na ginagawa ngayon. He used to take care of me the way he's taking care of Vivian Right now. He used to make me smile the way he's making her Smile. He used to look at me the way he looked at her. And the moment he kissed her lips in front of me, that's when I know that I'm out of the picture. Hindi nya na talaga ako kailangan. Hindi na ako kailangan ng Best friend kong datiy mahal na mahal ako. Ang sakit. Sobrang sakit Nung time na iniwan ko sya dahil alam kong masasaktan din sya. Sobra kaming nakadepende sa isat-isa noong mga bata pa kami kaya sobra kaming nasaktan nung nagkahiwalay kami. He was my first Love, My First Heartbreak and My Home except from my Family. And now that he's with someone else now, I realized that I'm not what he needed anymore. I was replaced and I become worthless to him. Kasi lahat ng ginagawa ko sa kanya noon ay Ginagawa na ni Vivian sa kanya Ngayon. Aanhin mo pa nga ba naman ang best friend kung may Girlfriend kana diba?

Umalis nalang ako ng walang paalam since mukang nakalimutan na nga ata talaga nilang may kasama sila. Umalis ako kasi nasasaktan na naman ako sa nakikita ko.
Dumiretsyo ako sa likod ng Photography club kung saan ko nakita ang Malaking puno na sinisinagan ng napakalaki at napakagandang buwan. Napaupo nalang ako saka napasandal sa malaking punong ito. Dumampot ako ng bato saka ko ito ibinato sa malayo. Ang sakit. Ayaw ko mang umiyak pero di ko na napigilang ilabas ang nararamdaman ko. Para akong batang humahagulgol sa isang napakaliit na bagay.. Pero Maliit na bagay nga bang maituturing itong nararamdaman ko? Kasi para sakin hindi. Ang sakit. Nasasaktan ako na parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Wala akong pakialam kasi mag-isa lang naman ako dito at walang nakakarinig sakin.

I guess It was really a mistake leaving my school just to come here. I thought that I can catch up with him, turned out I can't. Now I feel like I'm on a race with O% chance of winning. I wish I didn't come here.. Kung alam ko lang na marami na pala ang nagbago, Sana hindi ko nalang naisipang bumalik sa lugar na inakala kong ganon parin tulad ng dati. Sana pala hindi ko nalang binalikan ang taong akala koy mananatiling sya Gaya nung mga bata pa kami. Hindi ko lang mapigilan ang pag-iyak ko knowing na binalikan ko ang taong hindi na pala ako ang kailangan at may ibang kasama na.

"Will you stop crying? Nagpapahinga ako dito pero ang ingay-ingay mo!"

Bigla akong napatunghay at napatigil sa pag-iyak dahil sa boses nayun na bigla kong narinig. Hinanap ko kung nasaan yun nanggagaling pero wala naman akong makitang ibang tao dito kundi ako lang kaya medyo nakaramdam ako ng takot.

The Revenge of an AssassinStories to obsess over. Discover now