+Anastasia Everdeen's
point of view+
_______________________"Is your friend ok?"-I asked brent.
"You mean Zeke?"-Tumango ako saka ngumiwi. "Don't mind him. Ikaw ba naman ang mapagsalitaan ng babaeng gusto mo diba?"
"Gusto nya si Trixie?"- tiningala ko sya para hintayin ang sagot nya at Ngumiti lang naman ito saka tumingin sakin. "We both do."-He said.
Gusto nilang pareho si Trixie Kahn? "Akala ko ba magkaibigan kayo, Tapos ngayon magkaribal pala kayo?"- tanong kong muli sa kanya.
"Yes, we are friends but we don't give limits to each other. Gagawin namin ang gusto naming gawin, gugustuhin ang gustong Gustuhin ng walang pakailamanan."- paliwanag nya. "May the best man win nalang, sabi nga nila."
"Pano naman yung mare-reject?"
"No hard feelings. Ganon lang kadali yun. Kapag pinili ka, maswerte ka. At kapag hindi naman ikaw ang pinalad, tanggapin mo nalang. Ganon lang naman ang buhay. hindi porket natalo ka eh hanggang dun ka nalang. "- napakibit balikat sya saka ngumiti. "Kapag hindi para sayo, hindi para sayo. On my point of view, kapag na-reject ka, Move on nalang sa halip na iiyak mo. Focus on becoming a better person and the right one will surely come on the right time."- he added.
Wow. Ang mature lang talaga nya. I like his point of view. Positive sya mag-isip at kalmado magsalita. Ang relaxing ng pakiramdam kapag sya yung kasama mo. Ang Gaan sa feelings. Sana lahat nalang ng lalaki katulad nya.
"Brent?"- I called out. "Ok lang ba sayo na kinakausap mo ako ngayon? I mean, Look. Lahat ng daraanan natin ay may mga estudyanteng nakatingin."
"They're looking at you."- he said.
"Because I'm with you. and I think its a bad thing."- napatungo nalang ako para itago ang muka ko.
Brent laughed at that. "What makes you think that being with me is a bad thing Anastasia?"-tanong nya sakin.
"Pakiramdam ko kasi any moment susugurin nila ako sa inggit kasi ako yung kasama mo at hindi sila."- napailing ako. "You guys are really famous."-naidagdag ko pa.
"Famous for being Bad Guys, I think."-nakangising pagtatama nya sa sinabi ko.
"You're not one of the Bad Guys."- I confirmed.
"What makes you so sure that I'm not?"- nakakunot-noong tanong nya.
"I - I just know."-tipid kong naisagot. "Nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka masama brent. Eyes don't lie, remember?"
hinintay ko ang sasabihin nya pero Sa halip na sumagot sya ay nanatili lang syang nakatitig sakin. Hinawi nya ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko saka nya inilapit ang bibig nya sa tenga ko. For a moment I thought that he was planning to kiss me pero yun pala mayroon lang syang ibubulong.
"Sab's behind you."-he informed me. "Hug me."- utos nito.
"A-anong sinabi mo?"- hindi makapaniwalang naitanong ko."sino si sab?"- napakunot noo nalang ako.
"Just Do it!"- pagpupumilit nya. "Fvck!"-he said. Hindi na sya nakapaghintay kaya sya na yung humigit sakin para yakapin ako. "Don't say a word."- bilin nya sakin. "Isipin mo nalang Role play ito at ikaw ang Girlfriend ko."
A- Ano ulit ang sinabi nya? Dapat ko ba syang sakyan sa trip nya nato?
"Ace Brent Montgomery!"-pagtawag ng isang babaeng hindi ko kilala sa pangalan ni Brent na ngayon ay nakayakap parin sakin. Nanatili nalang akong nakapikit kasi hindi ko alam kung bat nangyayare to. kinakabahan lang ako sa magiging outcome nitong so called Role play daw sabi ni Brent. Ewan.. Basta ang alam ko lang wala akong ibang choice kundi sakyan ang trip nya.. "Enough! Maghiwalay nga kayo!"- utos nung babae saka nya kami pinaglayo ni Brent. "What the hell is going on here!?"-iritableng naitanong nya kay Brent. "Why are you hugging her! Answer me Montgomery!"- she demanded.