HIMBG 20

11 0 0
                                    


~~Tuesday
* sigh *

"Gia ang aga aga ata ng pagbugtong hininga mo. May problema ba?" nag aalalang tanong ni Manang Felly habang nilalagyan ng pagkain ang plate ko.
"Wala to Manang. May inisip lang" matamlay kong sabi at tsaka muling tinusok tusok ang pagkain ko.
"Gia, mula Saturday hanggang ngayon matamlay ka na. Ako nagpalaki sayo kaya alam kong may problema ka." umupo si manang sa tabi ko
Hayyy wala talaga akong matago sa kanya.
" Eh kasi manang... May pag ka... Ano... Di kami pag kakaintindihan ni... Angelo"  sabi ko habang nakayuko
"Hay sabi ko na nga ba nag away na naman kayong dalawa. Kaya ba di pumupunta si Vince dito?" tanong nya
Nag nod lang ako.
"Iha, matagal nyo ng kilala ang isa't isa at alam mo na di ka matiiis ni Vince" sabi nya habang nakangiti.
Ngumiti ako "thank you manang" at tsaka ko sya niyakap ng nahigpit.
Good thing nandito si manang sa tabi ko.
" o sya sya, kumain ka na at baka mahuli ka eskwela mo" sabi nya at tsaka dumeretso sa kusina

Hayyy siguro tama nga si manang... hindi ako matitiis ni Angelo.

~~School

After akong maihatid ni manong Jo agad akong dumeretso sa building namin. Pag dating ko sa room nandon na si Alex busyng busy sya na nakatitig sa laptop nya habang si Angelo busy sa pagbabasa. Umupo na ko sa upuan ko at binati si Alex ng 'Good morning' she greeted me back at muling tumutok sa laptop nya. Balak ko sanang puntahan si Angelo para kausapin kaso biglang dumating si Mr. Bervel.
Siguro mamaya ko na lang sya kakausapin.

~~ lunch time
"Oh Gia, bat mukha kang malungkot?" tanong ni Alex habang palabas ng classroom.
"Sigh... Eh kasi di pa rin nya ko kinakausap." malungkot kong sabi sa kanya
Inakbayan ako ni Alex "Gia alam mo huwag mo na masyadong isipin yang si Vince. Hindi ka rin matitiis non. Mabuti pa kumain na lang tayo."
"Wala ba kayong meeting? Kaninang umaga busyng busy ka sa laptop mo" tanong ko sa kanya.
"Ah yun ba? Chinecheck ko lang yung mga pinadalang photos ng mga interested na maging photographer." paliwanag ni Alex
"Eh kamusta naman?" Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan na kaming nag lalakad papuntang cafeteria.
"Wala pa kong napipili pero titingnan ko pa yung iba." confident na sabi ni Alex
Wow confident sya. Mabuti naman at bumalik na ang confidence nya. Nitong mga nakaraang araw kasi nag aalala sya kung mananalo sya sa bet nila ni Rafael.

Pagdaing namin sa cafeteria, ang una kong napansin ay si Angelo. Nakaupo sya sa usual seat namin kasama si Calriz. Nagkasalubong ang mga tingin namin pero una syang umuwas ng tingin.
Nakaramdam naman ako ng lungkot.
Hayyyy hindi talaga ako sanay sa ganito waaaahhh Y^Y

"Gia"
Napatigil ako sa pagiisip at nilingon ang tumawag sa pangalan ko.
"Lance" nasambit ko ng makita sya. Naglalakad sya papalapit samin ni Alex.
O___O oh my gwapong nilalang na papalapit sakin.
Dug~dug~dug~dug
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang... Bilis... Ng... Tibok

"Hi Lance" masayang bati ni Alex
"Hi Alex" nakangiting bati naman ni Lance
Humarap sya sakin at ngumiti... At...
At tuluyan na nga akong natunaw. >//////////<
"Hi Gia"
Hayyyyy grabe...
"Gia, hi daw. Magsalita ka"
Natauhan ako ng sikuhin ako ni Alex.
"Ah.. H- hi Lance"
"Ok ka lang ba Gia?" nag aalalang tanong nya
Hinawakan nya ang noo ko dahilan para lalong maginit ang mga pisngi ko.
Gosh >\\\\\\\\\\\\<
"Hindi ka naman mainit pero na mumula ka" pagtataka ni Lance. Inalis nya na ang kamay nya sa noo ko pero ramdam ko pa rin ang malambot nyang palad.
Oh my! Ano ba Gia magsalita ka nga!
"Ah... Ano kasi... Ahmmmm.. Mainit oo tama mainit kasi kaya ehehehe namumula ako" palusot ko.
Mukha naman syang naniwala.
"Sabagay mainit nga... Kakain na ba kayo ng lunch?" tanong nya
"Oo kakain pa lang kami" sagot ni Alex
"Tamang tama kakain pa lang din kami. Sumabay na kayo samin, kung ok lang sa inyo" nakangiti nyang sabi.
Gosh! Ang swerte ko naman ^_______^
"Oo naman ayos na ayos samin. Di ba Gia?" sabi ni Alex habang sinisiko ako.
"Huh... Oo naman hahaha, ayos samin yun Lance" nakangiting sabi ko kay Lance
Lalo syang ngumiti dahil sa sagot namin. "Ok then halika na" yaya nya sa amin.
Sumunod kami ni Alex kay Lance. Nadaanan namin ang table nila Angelo. Hindi ko na tinangkang tingnan sya kasi ... Takot ako eh..
Si Alex naman hindi na nawala ang ngiti sa mga labi. Kinikilig sya samin ni Lance. Eh pano pa kaya ako?! Waaaaaahhhh...
Ng makarating na kami sa table nila Lance agad naman kaming nginitian at binati ng mga ilan sa mga kateam mate nya.
"Hi Alex... Hi Gia" masayang bati ni Mark
"Oh Gia hindi mo ata kasabay si Vince?" tanong ni John
"Oo nga. Mag kaaway ba kayo?" tanong naman ni James.
Oh my nakalimutan ko... Mga chismoso nga pala tong mga to. At hindi nila ako tatantanan. >_____<
Hindi ko pa naman alam sasagot ko.
"Ano ba kayo guys it is normal for friends to have misunderstanding sometimes so tantanan nyo si Gia.  Ok?" pagtatanggol ni Lance
Kyaaaaaahhh why oh why is he sooooo sweeeet?! Lalo akong naiinlove.
"Oo na, eto namang si Lance humuhugot" biro ni Mark
Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Mark.  Sa mag kakabarkada etong si Mark ang pinakabaliw sa lahat. Hahahaha

"Sorry guys if I'm late"
Napatigil kami sa pagtawa ng dumating si Rafael.
"It's ok dude di pa rin naman kami nag start kumain" - John
"Ano ba yan. Anong ginagawa dito ni yabang. Psh kainis"
Napalingon naman ako kay Alex na bumubulong.
"Oh hi Gia" bati sakin ni Rafael
Nginitian ko sya "hi"
"Oh pare di mo man lang ba babatiin si Alex?" tanong ni James
Tiningnan naman ni Rafael si Alex na kasalukuyang nakasimangot.
"Oh sorry di kita nakilala... You look worse than the last time i saw you" sabi ni Rafael at tsaka nag smirk
"What did you say?!" galit na tanong ni Alex
Oh no hindi maganda pakiramdam ko dito. O___O

"And now you're deaf?... Hahahaha" pang aasar ni Rafael
"Arghh pwede ba yabang HUWAG mong sirain ang araw ko!" - Alex
Oh my galit na nga si Alex
"Ikaw naman masyadong mainit ang ulo mo... So kamusta ang paghahanap mo?... Alam mo, your life will be much easier if you will just accept that you can't find a photographer who is greater than me" - Rafael
"Alam mo YABANG malapit na kong makakuha ng kapalit mo! At after one week hindi ko na kailangan pang mag tiis dyan sa pag mumukha mo! YABANG" -Alex
"oh well let's see after one week" confident na sabi Rafael
"Talaga! At pag ako na nanalo isasaksak ko dyan sa kayabangan mo!" - Alex
Sasagot pa sana ai Rafael kung hindi lang sya pinigilan ni Lance. Lahat kasi ng students dito sa cafeteria nakatingin na samin.

This is not good. O____o

HE'S INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon