HIMBG 33

1 0 0
                                    

"Oy Angelo bat di ka pumasok kahapon huh?" tanong ko sa kanya ng maabutan ko sya sa living room ng bahay nila habang nagbabasa.
Hindi nya ko nilingon at pinansin.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya. Pabigla akong umupo para malakas ang impact dahilan para gumalaw sya.
"Ano bang kailangan mo pandak?!" iritado nyang tanong.
Prolema nito? Ang ganda ganda kaya ng pagkakatanoong ko sa kanya.
Hmph!
"Dahil umabsent ka kahapon ng walang pasabi. Psh ipapahiram ko sana sayo tong mga notes kaso wag na lang!"
Isinara nya ang libro na binabasa nya at hinarap ako.
"Hindi ko kailangan ng notes mo."
"Grabe ka! Ako na nga tong nag aalala sayo. Inayos at ginandahan ko pa ang pagsusulat ko para sayo tapos susungitan mo ko. Ang sama mo!" i said to him while pouting.

Tinitigan nya ko at unti unti syang lumapit sakin. Parang nangyari na to before ( HIMBG 18)
O.O
"A-angelo." tawag ko sa kanya ng mapasandal ako ng tuluyan sa sofa habang ang lapit lapit nya sakin.
"At bakit mo naman ginawa to?" tanong nya.
"H-huh?... Eh ... K-kasi malapit na exam, kaya dapat wala kang ma mimiss na class."
Ack. Bakit ba ko nauutal. \>.</
"Tss."
Lumayo sya at nagsimulang maglakad palayo pero bago pa man sya tuluyan umalis...
Nilingon nya ko.
"Huwag mo kong isipin ang isipin mo kung paano ka makakapasa sa exam." pang aasar nya tsaka sya nag patuloy sa paglalakad.
"Bakit? Kailan ba ko bumagsak!"

Hmph. Nakakainis talaga yon.
Pero bakit nga kaya sya absent kahapon? First time syang umabsent ng walang pasabi.

~~~ One week before the examination days.
"Hayyyy ang bilis ng araw, next week midterm exam na tapos after ng midterm exam kailangan naman nating mag ready para sa festival." mahabang reklamo ni John.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko ang ka team mates ni Angelo with Lance (yesss kumpleto ang monday ko) plus si Alex at Rafael na kakatapos lang magsagutan dahil lang sa tawagan nilang boo.
"Hoy Rico paphotocopy ng notes mo ha." sabi ni Mark.
"Anong paphotocopy ano ka, naka free? 500 per page."
"Walangya naman bro, parang wala tayong pinagsamahan oh."
"Tigilan mo nga ako. Kaysa makinig ka kasi sa mga prof natin, natutulog ka sa klase."
"Eto naman ang damot. Pahiram!"

At yun na nga pilit inaagaw ni Mark ang notebook ni Rico na nauwi sa habulan sa loob ng cafeteria.
Nako pagsila nakita ni Ms. Tan... Tsk tsk tsk mata lang ang hindi kakapitan ng sermon.

"Tingnan mo tong dalawang mokong parang mga bata." sabi ni Jake.
"Sinabi mo pa." pagsang ayon naman ni John.
"Basta kami ni Boo, we will study together 'cause I know and I'm pretty sure Alex can't study without seeing my handsome face." pagyayabang ni Rafael.
"ASA! Tsaka huwag mo nga akong tawaging Boo! Mas gugustuhin ko ng bumagsak kaysa mag aral kasama ka Yabang!" sagot naman ni Alex.
"Oh really? Eh lagi mo nga akong tinititigan. Why can't you admit that you're secretly gazing at me. Hahayaan naman kita eh, just ask." pang aasar ni Rafael.

Okay mukhang may part 2 ang sagutan nila kanina.
"Ha ha ha wow! Ang yabang!"
"Ok guys, itigil nya na yan bago pa kayo mapatawag na naman sa guidance office." sabi ni Lance

Agad naman napatahimik ang dalawa. Ayaw na nilang bumalik sa guidance office lalo na kung nandoon si Ms. Tan.

"Gia, I heard nahihirapan ka sa math subject nyo. I can help you if you want." alok ni Lance.
Nako naman kung sya ang magtuturo sakin baka maunang sumabog ang puso ko kaysa sa utak ko

"No need to volunteer Lance, dahil ako ang mag tututor kay George." sabi ni Angelo.
"Huh? Sino nagsabi?" tanong ko kay Angelo.
"Ako. Bakit may angal ka?" sabi nya na may pagbabanta.

"Sabi ko nga ikaw mag tututor sakin." sukong sagot ko.
"Thank you Lance sa concern mo." sabi ko na lang kay Lance.

*Sigh*
Chance ko na yun oh.
Panira talaga tong si Angelo.
( - 3 -   )

HE'S INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon