HIMBG 24

16 1 1
                                    

*Alex' POV*
"Ba-bye, see you tomorrow!" narinig kong sigaw ni Gia
Kumaway ako at nag patuloy sa pag takbo. Kailangan kong bilisan kasi ayokong abutan ng gabi doon...
Marami kasing usap usapan na may nag mumulto sa room na yun kaya wala ng pumupunta. Hindi ko nga alam kung anong trip ni Ms. Tan, bakit doon pa kami pinaglilinis.

Nakarating nako sa building ang kailangan ko na lang gawin eh umakyat sa third floor nandon kasi yung sci lab. Sa first at second floor naman may mga students na gumagamit.

~~sci lab

Breathe in...
Breathe out...
Nandito na ko sa labas ng sci lab. Mukhang wala pa si Yabang. Hmph pakialam ko ba sa kanya!
Haist eto na... Papasok na ko.

*creek*
Unti unti kong binukasan ang pintuan. Maliwanag naman sa loob at wala ng mga gamit, pero malikabok ang mga shelves at tables.
May mga panglinis na din dito sa loob.
Hayyyy mukhang mahirap hirap na pag lilinis to ah.
Pero kaya ko to! Kung sisimulan ko ng maaga... Maaga ko din matatapos kaya uumpisahan ko na to. At kung hindi pupunta si Yabang, bahala sya isusumbong ko sya!

Kinuha ko ang basahan at nag simulang punasan ang mga tables at tsaka sinunod ang mga shelves.

Habang nagpupunas...
May narinig akong kaluskos sa kabilang bahagi ng sci lab.
*gulp*
Ano kaya yun?
Baka naman may m-multo?
Ihhhh ano ka ba Alex! Daga lang yun... Daga lang
Hindi ko pinansin ang kaluskos na narinig ko at nag patuloy sa pag pupunas.

*blag*
"Waaaaahhhhh!!!!"
Napasigaw ako ng may marinig na bumagsak mula sa likod ko.
Tatakbo na sana ako palabas nang...
Makita si Yabang. -____-
May balak ata syang patayin ako sa takot!
"Hoy! May balak ka bang patayin ako?!" sigaw ko
Oh please, ayan na naman sya sa innocent look nya
"What did i do?" tanong nya
"Huwag mo nga akong daanin dyan sa painosente mo kunwari! Pwe kadiri!"
Bumalik na ko sa shelf na nililinis ko habang nag lakad sya papalapit sakin.
"Psh, hoy flat chested ano bang pinagsasabi mo?!"
Flat chested! >____< #
Binitawan ko ang basahang hawak ko at hinarap sya. Nakaupo sya sa table na tapos ko ng punasan. Ang kapal talaga ng mukha nya!
"Can you please stop calling me FLAT CHESTED! YABANG!"
Nag smirk sya "why not? Totoo naman na flat. Ches.ted. ka"
"Arggghhhh pwede ba, kung di ka tutulong umalis ka na!" singhal ko sa kanya
Wla akong matatapos kung bibwisitin nya lang ako.
Kinuha ko ulit ang basahan at nag punas.
Narinig ko ang yabag nya.
Akala ko umalis na sya pero pag lingon ko, nag wawalis na sya.
Aba, akalain mo marunong pala si Yabang mag walis.
Napansin nya na nakatingin ako sa kanya. Tumigil sya sa pag wawalis at tumingin sakin.
"Alam ko na nakakainlove ako pero kung tititigan mo lang ako, hindi tayo matatapos sa paglilinis" sabi nya at nag simula na ulit mag walis.
"Psh. Asa ka pa!" sabi ko at tsaka muling nag punas.

Natapos ka ng punasan ang part na abot ko, ngayon yung nasa taas naman. Kumuha ako ng isang upuan. Bilog ang pinakaupuan nito at mas matangkad sa karaniwang upuan.
Tumuntong ako dito, medyo mataas pala ang huhulugan ko kung saka sakali. Mabuti na lang hindi ako na ka heels.

Ng mabalance ko na ang sarili ko nag simula na ulit akong magpunas.
"Hey, be careful. Baka mahulog ka!" sigaw ni Yabang
Psh. Pakialam nya ba kung mahulog ako. Baka nga matuwa pa sya.
"Hinding hindi ako mahuhulog" sabi ko sa kanya ng hindi sya hinaharap. Kasi naman bakit ang liit liit ng upuan nito.
"Ok sabi mo eh."
Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag punas.

Haist ano ba yan! Bakit ba ang taas taas nitong shelf nato. Kailangan ko pa tuloy mag tip toe para maabot lang yung pinaka taas. Ang hirap pala >___<

Habang nagpupunas, bigla akong na out of balance. Ack!
"Ahhhhhhhh!!" pumikit ako kasabay na pag sigaw ko.
Eto na Alex... Dito na matatapos ang lahat waaaahhh! Ayoko pang mamatay!
1...
2...
3...
4...
5...
Wait, bakit pa rang ang tagal ko naman atang bumagsak?
Unti unti kong minulat ang mga mata ko.
"Yabang" nasambit ko ng makita ang mukha nya. Buhat nya ko na parang bagong kasal. At... At...

Ang lapit ng mukha nya sakin!!!!!
"You said you will never fall, but you almost did. Good thing I'm here to catch you" seryoso ang mukha nya habang sinasabi nya yon
Dug~dug~dug
Ack! Ano to? Bakit bigla na lang naging abnormal ang tibok ng puso ko. At bakit... Ang lapit lapit nya!!!! >___________<

"Hey, are you ok?"
"H-huh? Y-yes I'm fine... Ibaba mo na ko"
Binaba nman nya ko. Nag step backward ako papalayo sa kanya.
"Sigurado ko bang ok ka lang?" akma nya kong lalapitan
"O-oo ayos lang ako... Doon naman ako sa kabila maglilinis" pagkasabi ko non tumakbo ako sa kabilang kwarto.
Ng makarating ako sa kabilang kwarto, napahawak ako sa dibdib ko.
Bakit...
May sakit na ata ako sa puso at bigla na lang bumibilis tibok ng puso ko. Kailangan ko na atang pumunta ng hospital.
Arggh ano bang nangyayari sakin?!
"Hoy flat chested! Sigurado ka bang ok ka lang?"
Nagulat ako ng bigla syang magsalita mula sa likuran ko.
Agad akong naglakad ng mabilis papunta sa kabilang dulo ng kwarto. Hindi ko sya hinarap at nagpunas na lang.
"Psh. Is this how you treat the person who just save your life? You can't even say thank you" sabi nya
Bigla naman akong nakaramdam ng guilt.
Haist... Oo na, alam ko na kung hindi dahil sa kanya, baka nasa hospital na ko.
"Thank you" bulong ko
Hindi ko pa rin sya hinaharap. Hindi ko alam kung nandito pa ba sya sa kwarto.
"Anong sabi mo?"
Bigla akong napaharap sa nagsalita sa may likuran ko.
Nakatayo sya habang nakapamulsa.
Nasa harapan ko sya, isang hakbang lang ang layo.
Lumapit sya.
My goshhhhhh! Bakit ba ang lapit lapit nya!
Nilapit nya ang mukha nya sakin.
"Anong sabi mo nga ulit?" tanong nya
"A-ah ... T-thank you"
Ano ba yan Alex bakit ka ba kanina ka pa nauutal!

Nag smile sya...
Yung smile na ngayon ko lang nakita. Yung walang halong pang iinis.

"You're welcome...

Flat chested"
Arggghhh nakakainis
"Bumalik ka na nga doon, at maglinis! Yabang!" sabi ko sa kanya at tsaka tumalikod.
Narinig ko naman ang pagtawa nya.
Nakakainis! Ano ba nangyayari sakin?!
Grrrr mayabang sya Alex. Si yabang nga sya diba.
"Hey Alex," napalingon ako ng tawagin nya ko sa pangalan ko. First time na tawagin nya ko sa name ko.
Nakasandal sya sa may pintuan at nakasmile pa rin.

"...you're cute"

W-what?!
O__O

HE'S INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon