HIMBG 6

55 4 0
                                    

"Good Morning Everyone!" bati ko sa lahat ng maid sa loob ng bahay

They smiled and greeted me back.

What a wonderful morning we're havin' today.. ^O^

"Oh gising ka na pala, bumaba ka na rito at para makapag almusal ka na" sabi ni manang Felly

"Good morning manang!" bati ko sa kanya ng makalapit na ko sa kanya

"Ang ganda ata ng gising mo iha?" tanong nya

Lumapit ako sa table at umupo

"Manang lagi naman akong ganito diba"

wow ang sarap ng pagkain. Mapaparami na naman ang kain ko nito.

"oo nga pero mas energetic ka ngayon at blooming ka" sabi ni manang habang sinasalinan ako ng water.

"Manang talaga, matagal na kong maganda hehehe"

"Oo naman pero lalo kang gumaganda habang nag dadalaga baka naman mag asawa ka na agad"

Si manang talaga kung anu-ano iniisip

"Manang bata pa po ako, tsaka wala pa kong balak no"

pero pwede din, basta si Lance ang magiging asawa ko >////////<

iniisip ko palang kinikilig na ko pano pa kaya kung mangyari yon..

"oy Gia ayos ka lang?"

"ahh.. opo ayos na ayos manang hehehe"

napatulala na naman ako. Si manang kasi binanggit yung pag aasawa..

Si manang Felly ang nag aalaga sakin simula ng bata pa ko at syempre hanggang ngayon, dahil sa madalas wala ang parents ko. Bata pa lang si mom sya na ang nag alaga dito kaya para na ring pamilya ang turing ng pamilya namin sa kanya. Dahil din sa kanya hindi ako nalulungkot kahit madalas o halos wala sila Mom and Dad dahil sa laki ng pag mamahal na ibinibigay nya umay na ko.

"nga pala iha, pumunta si Angelo dito kanina. Hindi ka raw nya maisasabay sa pag pasok ngayon"

Hindi maisasabay?

hmmmff if I know nag pasundo na naman ang girlfriend nya akala mo namang walang driver akala ko ba mayaman sila tsss..

Bata pa lang kami ni Angelo lagi na kaming mag kasama. At ang mga bahay namin mag katapat lang ganyan kami kaclose sa isa't isa pati bahay namin close. Pati sa pag pasok at pag uwi sa school mag kasabay kami. Pero hindi na ngayon simula ng maging girlfriend nya si Clariz, madalas na tuloy akong hatid sundo ni Mang jo kahit na ang totoong trabaho nya eh hardinero.

psshh.. bahala sya mag sama silang dalawa like DUH my driver kaya ako si Mang Jo in your face Angelo! muahahahahahahahahaha

muahahahahahahahahaha..

waaaahhhh naiiinis ako sayo...

Angelo..

"Gia kung patuloy mong pag bubuntungan ang pagkain, malalate ka"

Napatingin ako kay manang tumingin sya sa plato ko kaya napatingin na rin ako,

Kawawa yung food ko parang sinalbage T3T

Si Angelo kasi eh! umagang umaga panira ng good vibes.

Tumayo na ko at nag paalam na kay manang

"Manang alis na po ako" lumapit ako sa kanya tsaka sya niyakap

"oh sige mag ingat kayo huh"

"ok manang.. Mang jo alis na po tayo"

lumabas nako at sumakay sa kotse, nag wave ako kay manang habang papaalis ang sasakyan.

~~School

"Salamat Mang Jo, kamusta nyo na lang po ako sa asawa at new born baby nyo" sabi ko pag kababa ng sasakyan

"Sige po Ms. Ria, makakarating"

inistart nya na ang engine at pinaharurot ang kotse hanggang sa nakabanga sya...

JOKE lang, imagination ko lang pala ..

^O^V hehehe

na bored kasi ako ng makita yung school kaya pinagana ko muna ang napaka-colorful kung imagination.

Pumasok na ko ng school ng saktong makasabay ko si Alex

Tinawag ko sya tinawag nya ko, nagtawagan kami..

at nag yakapan sa gitana ng daan. Dito sa school bawat department ay may sariling building kaya malas ka pag malayo ang building ng course mo pero yung building namin hindi ganon kalayo kaya carry na rin.

"bakit hindi mo kasabay si Vince?" tanong ni Alex

"Ewan ko dun at wala akong balak alamin kung nasaan sya" mataray kong sabi

"bitter?"

"Hindi ako bitter, Better ako, dun na sya sa precious nyang si Clariz" sabi ko

"My precious hahahahaha" pareho kaming humagalpak ng tawa ng gayahin ni Alex yung boses na 'my precious' sa movieng the hobbit.

Naiimagine ko tuloy na si Clariz yung nag sasabi nang 'my precious' hahaha

"goog morning girls"

Napatigil ako sa pag tawa ng narinig ko ang isang napaka pamilyar na boses yung tipong kahit bingi ka makikilala mo.

"Good morning din sayo Lance" sabi ni Alex

When I heard his name my body suddenly stiffened and my heart skipped a beat.

"mukha atang nag kakasiyahan kayo, naistorbo ko ba kayo?" sabi niya

0o0.

HE'S INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon