HIMBG 32

4 0 0
                                    

~~~ dismissal

Hayyyy sa wakas uwian na!
Naglalakad na ko ngayon palabas ng school ng may makasalubomg akong bear.

W-what?! Bear?
Agad akong napalingon sa kanya. Bear nga!
"Gia."
"Lance?"
Di ako makapaniwala si Lance nga. Dala nya yung violet bear.
Lumapit sya sakin ng hindi nawawala ang mga ngiti nya sa kanyang labi.
"Kinalimutan mo sya." sabi nya ng makalapit sya sakin.
"Ehehehe sorry mr.bear." sabi ko ng maiabot nya ito sa akin.
"Thank you Lance binalik mo sya sakin."

~~~
Alex's POV
"Saan ba tayo pupunta, yabang?!" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin kaming naglalakad.
Di sya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Ibang klase din to. Matapos akong paglakarin hindi ako kakausapin. Kanina pa kami naglalakad, dapat sa mga oras na to nasa bahay na ko at nag papahinga.
"We're here."
Huminto kami sa paglalakad at ngayon ko lang napansin ang ganda ng lugar na pinuntahan namin. Isa syang cliff pero may harang naman na barricade para safe. Kitang kita ang buong syudad mula sa kinatatayuan namin.
"Wow, ang ganda dito." manghang manghang sambit ko.
"Syempre ako nagdala sayo dito eh." pag mamalaki nya.
"Psh. Yabang talaga... Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kanya.
"Cause this is where I will end your life."
Agad akong napalingon sa kanya.
"ANO?!"
Nagsimula akong humakbang patalikod palayo sa kanya.
"Bwhahahahahahahahaha"
"Ano ba?! Boyop ka. Huwag mo nga akong bibiruin ng ganyan. Hindi nakakatawa!" Sabi ko sa kanya habang hinahampas sya.
"Haha ouch haha ouch ouch. Hey stop it. Hindi na,  hindi na mauulit. Promise... But if you just saw your face kanina grabe super nakakatawa. Hahaha"
Muli ko syang pinaghahampas.
"Ok ok I'll stop, just stop hitting me." sabi nya habang hinihimas ang braso nya kung saan ko sya pinaghahampas.

"But what's bowyop?" tanong nya
"Boyop hindi bowyop. It means bwisit ka."
Mukha namang hindi nya naintindihan ang word na bwisit kaya lalong kumunot ang noo nya.
"Bwisit or annoying." paliwanag ko
"Ah... So bowyop means annoying. Is that a filipino word?" tanong nya
Mukahang curious na curious sya.
Parang bata.

"Nope, gay language yon. Mga salitang ginagamit ng bakla."

"Ahh... Oh it's time."
"Huh?" pagtataka ko
Inilagay nya ang kamay nya sa baba ko at ipinihit sa dereksyon na tinitingnan nya.
"Wow... Ang ganda."
Grabe super ganda ng sunset.
"Yeah it's definitely beautiful."
"Sobra."
Pareho kaming napangiti sa ganda ng sun set. First time kong makapanood ng sun set ang ganda pala talaga.
"Paano mo nalaman tong lugar na ito?" tanong ko nang tuluyan nang lumubog ang araw at dumilim ang paligid. Good thing may poste dito kaya maliwanag pa din. Lalo namang gumamda ang tanawin, nag mistulang nagniningning ang lungsod dahil sa mga ilaw ng mga bahay at gusali.
"Uhmm. I'm not really sure how, by an accident maybe. When I was a kid dinala ako ni daddy sa park na to then I wander around to take some pictures at yun nakarating nako dito. And I said to myself that one day I will bring someone special here."
"Siguro ang dami mo ng girls na dinala dito." pang aasar ko sa kanya.
He smiles. "Nope, you're the first." seryosong sabi nya.
Napatingin ako sa kanya dahilan para magmeet ang mga mata namin.

~~~dug dug dug dug dug

Naramdaman ko na naman to. May poblema na siguro talaga ako sa puso.
Kailangan ko ng magpacheck up.

ASAP

HE'S INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon