Prologue

27 1 0
                                    


Ang hirap para sa 'kin na iwan ang taong pinaka-mamahal ko. Kaso kailangan eh. Kasi ang sakit na, sobra.

Lumayo ako sa kanya. Natutong mabuhay, kahit wala siya. Kinaya ko, kasi ayoko na masaktan. Kinalimutan ko lahat-lahat. Pero hindi pa rin sapat.Nakahawak pa rin ako sa tali.

Naiwan ko ang puso ko. Naiwan ko sa kanya, kasi mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit. Pero kailangan kong bumalik. Hinanap ko siya. At natagpuan kong iniwan niya na rin pala ako, bumitaw na pala siya sa tali kung saan ako'y nakakapit.

Hindi ko alam kung anong gagawin, kasi bumabalik na naman ang lahat, yung mga alaala at yung sakit. Dinagdagan pa ng pagsisisi na sana di ko na lang siya iniwan. Sana pinatawad ko na lang siya. Para mabalik yung puso ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.

I Broke My Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon