Ako si Paula Reyes. 16 years of age. 4th year high school student ng Eulogio Rodriguez Vocational High School. Hindi ako ganun kaganda, mahaba ang buhok ko, 'di gaanong matalino at maputi ako. Hobby kong kumanta. Mahilig din akong magbake ng cookies at kung ano-ano pa.
Nasa jeep ako ngayon papuntang school habang gumagawa ng homework ko sa Math. Di ko kasi nagawa sa bahay dahil inantok agad ako. Napansin ko naman 'tong nasa tabi ko. Lalaki siyang parang nagso-solve din ng problems. Hindi ko alam kung ano yun at 'di ako sigurado sa kung anong ginagawa niya.
Napansin ko naman na nasa Pureza na ako. Malapit na ko sa tulay na bababaan ko. Kaya ni-ready ko na yung gamit ko. Pero hawak ko pa rin yung notebook ko. Pumara na ko sa driver pero mukhang hindi niya ako narinig. Pumara na rin ang kuyang katabi ko dahilan sa hindi na huminto ang jeep. Sobrang layo na ng bababaan ko. Pati nga yung mga pasahero sa jeep. Jusme sobrang layo na namen.
Bago kami bumaba ay nakita ko yung patch ng kuyang katabi ko. Same school pala kame. Di ko lang alam kung bat di ko siya nakikita sa tagal ng taon ko sa school. Pagkababa niya ay may hinulog siyang papel sa notebook ko. Pagtingin ko ay yung mga sagot sa mga equations na hirap na hirap kong sagutin.
Ang bilis niya maglakad. Hindi ko man lang siya napasalamatan. Nauuna siya sa 'kin sa paglalakad. Hindi ko man lang din nakuha ang pangalan niya.
Dinikit ko na lang sa notebook ko yung papel dahil kaklase ko lang naman ang magche-check nito. Pagkabalik sakin ng notebook ko ay puro tama ang sagot ko. Tinanong ako ng kaklase ko "Ganyan ka ba talaga katamad at dinikit mo na lang yang scratch mo sa notebook mo?" sumagot naman ako "Ay nako girl! Mahabang storya."
Dumaan ang dalawa pa naming subjects at ayun, kumain na kame ng mga kaibigan ko. Madami rin akong kinain katulad ng nakasanayan.
Pagtapos neto ay dumiretso ako sa library. Di na ko nagpasama dahil ang iingay nila kasama. Nakita ko doon si kuyang nakasabay ko sa jeep. Hindi niya ako napansin kaya 'di ko na lang din siya pinansin. Tila ba wala akong nakita. Gusto kong magpasalamat ngunit hindi ko alam kung paano. Kaya ako pumunta dito ay para sa katahimikan. *sighs in relief* Maya maya ay naramdaman kong may umupo sa harap ko. Tinignan ko siya. OMG, siya si kuyang nakatabi ko sa jeep.
To be continued...